Dahil sa P3M hospital bill ng misis, Andrew Schimmer, nananawagan na ng tulong

Sa kanyang Facebook post kahapon, November 24, ibinalita ng aktor na si Andrew Schimmer na kasalukyang nakaratay sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig City ang misis n’yang si Jho. 	“[M]y wife Jho is still fighting for her life right now in St.Lukes Global ICU because of SEVERE ASTHMA ATTACK na nagresulta sa Cardiac Arrest at Brain Hypoxia o pagkawala ng hangin sa brain.”

PHOTOS: @johnandrew.schimmer & @11JOYCE11 on Facebook

Sa kanyang Facebook post kahapon, November 24, ibinalita ng aktor na si Andrew Schimmer na kasalukyang nakaratay sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig City ang misis n’yang si Jho. “[M]y wife Jho is still fighting for her life right now in St.Lukes Global ICU because of SEVERE ASTHMA ATTACK na nagresulta sa Cardiac Arrest at Brain Hypoxia o pagkawala ng hangin sa brain.”

Nananawagan ngayon ng tulong-pinansyal ang aktor na si Andrew Schimmer para sa asawa n’yang si Jorhomy “Jho” Rovero na ngayon ay nakikipaglaban sa sakit na severe hypoxemia. 

Sa kanyang Facebook post kahapon, November 24, ibinalita ng aktor na kasalukyang nakaratay sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig City ang misis n’yang si Jho.

“Good morning po..mga kapatid, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso,” bungad ni Andrew sa kanyang FB post kalakip ang videos ng kanyang asawa. 

“[M]y wife Jho is still fighting for her life right now in St.Lukes Global ICU because of SEVERE ASTHMA ATTACK na nagresulta sa Cardiac Arrest at Brain Hypoxia o pagkawala ng hangin sa brain.”

Dahil sa nangyari ay tatlong linggo na daw silang nasa ospital kaya naman pilit daw na nagpapakatatag ngayon ang kanilang pamilya. 

“Kaya 3 weeks na po sha sa NCCU ng St.Lukes Global Medical Center, at hanggang ngayon ay lumalaban parin po sha pra sa kanyang buhay, gayon narin po kami ng aming mga anak, at ang kanyang buong pamilya at mga mabubuting kaibigan ay lumalaban din para sa kanya,” lahad pa ng aktor. 

Dahil sa matagal na pananatili sa ospital, umabot na sa halos tatlong milyong piso ang bill ng kanyang misis. Ito ay base sa photo ng statement of account na inilakip n’ya sa kanyang post. Dahil dito, nanawagan na ang aktor sa may mga mabubuting puso na sana ay matulungan sila sa gastusin sa ospital. 

“Nangangailangan po sha ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kayang mga medications sa ICU, kaya naman po mapasa hanggang ngaun ay lumilikom po ng pera ang knyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs and bills na umabot na po ng halos 3 Million,” aniya. 

“[K]aya naman po ako'y kumakatok sa inyong po mga mahabaging puso. Please any small amount po is a BIG HELP,” pagmamakaawa ni Andrew. 

“Sa mga kapatid ko po sa labas at loob ng industriya, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso, sa mga kaibigan po namin, at sa mga tao po na interesado pa pong magbahagi ng kanilang mga tulong.”

Kalakip ng kanyang post ang bank account at GCash account ng bunsong kapatid ng kanyang misis para sa mga nagnanais magpadala ng tulong: 

Bdo Account # 004600187507 

Ruby Jennifer Rovero; Gcash 09173011957 

 

Good morning po..mga kapatid, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso😭💔🙏🏻 my wife Jho is still fighting for her life right...

Posted by John Andrew Schimmer on Tuesday, November 23, 2021

Katuwang ni Andrew sa pangangalap ng tulong hindi lang ang mga kaanak ni Jho kundi maging mga kaibigan nito. Last November 6 ay nagdaos sila ng live-selling at raffle-for-a-cause para sa kaibigan.

 

Hi, Prinds! Our dear friend, Jorhomy Rovero, a wife and a mom of two beautiful children, is currently fighting for her...

Posted by Prinds.PH on Friday, November 5, 2021

Nakilala si Andrew sa pagganap bilang kontrabida sa ilang Kapuso teleserye gaya ng Kapag Nahati Ang Puso (2018), Beautiful Justice (2019), Descendants of the Sun (2020), and more; habang si Jho ay isang entrepreneur at Lyka app influencer.

Prayers for the complete recovery of your wife, Andrew.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.