Dahil sa pagdalo sa pa-dinner ni President Duterte, Toni Gonzaga, na-bash nang bongga. “But they’re all free to say what they want to say. And I respect that.”

(Group photo, L-R): Bayani Agbayani, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, President Duterte, Direk Paul Soriano, Richard Gomez, and Robin Padilla. (Inset): Communications Secretary Martin Andanar and John Lloyd Cruz.

PHOTOS: Melo Balingit (Toni, solo), @martinmandanar (with JLC), & Presidential photo (group shot)

(Group photo, L-R): Bayani Agbayani, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, President Duterte, Direk Paul Soriano, Richard Gomez, and Robin Padilla. (Inset): Communications Secretary Martin Andanar and John Lloyd Cruz.

Ikanagulat ng ilang fans at Netizens ang presence ng Gonzaga sisters—Toni and Alex—pati na rin ang asawa ni Toni na si Direk Paul Soriano sa Thanksgiving Dinner na hinost ni President Rodrigo Duterte at ng common-law-wife nitong si Honeylet Avanceña na ginananp sa Malacañang Palace noong May 7, or six days before Philippine general elections.

 

Kaya sa grand press conference para sa reformatted na Home Sweetie Home—na tatawagin na ngayong Home Sweetie Home: Extra Sweet—na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last May 16, ay isa ito sa mga nausisa ng media sa bida ng sitcom na si Toni.

 

Ayon kay Toni, first time niyang nakita in person ang presidente at may halong panghihinayang sa boses niya na hindi niya ito naka-usap nang matagal.

 

“Wala, e, walang time, e,” lahad ni Toni. “Pag dating namin do’n, nag-intay lang kami sandali, nagsalita siya, may in-address siyang issue…

 

“Naalala ko, pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, sabi namin nina Alex saka nina Paul, ‘P’wede kayang magpa-picture?’ Kasi parang first time naming ma-experience ’yon na to be invited by an elected president who is currently serving in Malacañang.”

 

Ayon kay Toni, naging magka-table sila ng original leading man niya sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz [JLC], na pinagtakhan din nang marami kung bakit ito invited sa exclusive dinner na ’yon.

 

Kinumusta ng mga entertainment press si JLC kay Toni pero ayon sa aktres, hindi rin daw sila masyadong nagka-tsikahan ni JLC sa dinner at lalong hindi raw nila napag-usapan ang showbiz o ang trabaho.

 

“Kasi ’yong scenario saka ’yong gathering hindi…parang hindi appropriate na pag-usapan namin ’yong trabaho because it was such a formal meeting ang parang…walang nag-uusap tungkol sa trabaho, e.

 

“We were just there and we were all waiting kung ano ’yong magiging talk ng president sa aming lahat.”

 

Ang tsika pa ni Toni, maski raw silang mga invited celebrities ay nagkaka-gulatan sa pagkikita-kita nila doon that night. Hindi raw kasi sila aware sa kung sino pa ang ibang invited guests.

 

“Lahat kami nagka-gulatan… ‘Ah, invited ka pala? Uy, invited ka pala?’ Kasi it was such a private invitation na hindi namin alam kung sino ’yong mga makakasama namin. So, nagkakagulatan kami. Pag may dumadating, ‘Ah, invited ka pala? Invited ka pala?’”

 

At personally, hindi rin daw alam ni Toni kung bakit siya invited dahil feeling niya ay hindi naman siya gaanong nakatulong sa president.

 

“Hindi rin namin alam kung bakit kami ’yong napili na dumating ’cause I wasn’t active during that whole campaign no’ng presidential [elections]. Hindi naman ako nangampanya, hindi ako…wala akong…kaya nagulat din ako.

 

“Ang alam ko lang, siguro na-invite kami dahil kay Kuya Robin [Padilla]. Feeling ko dahil…pero hindi ko alam kung ano talaga ’yong basis kung bakit kami na-invite. Basta it was a private invitation na ipinadala sa akin tapos [nagpunta ako].”

 

Ayon sa co-star ni Toni na si Bayani Agbayani—na identified na isa sa mga kumampanya nang husto sa administration senatorial candidate na si Bong Go—si Ms. Honeylet Avanceña raw ang nag-prepare ng guest list at ang ibang invites ay dinaan na nang diretso kay Bong Go mismo.

 

“Feeling ko nag-ano sila sa computer…nag-research,” esplika ni Bayani in a separate interview. “Siguro tumingin sila [sa Internet], ‘Ah ito naniniwala sa…tumutulong sa gubyerno.’”

 

Aware daw si Toni na nang dahil sa pag-attend nilang mag-asawa—kasama na ang kapatid niyang si Alex—sa presidential dinner ay umani silang pamilya ng masaganang pamba-bash ng Netizens. Nabahiran ng kulay-pulitika ang meet-and-greet nilang iyon kay President Duterte.

 

May mga nag-threaten pa na mag-a-unfollow sa mga social media pages nila at magbo-boycott ng mga palabas nila.

 

Pero ayon kay Toni, hindi raw siya masyadong affected ng mga bashing ng ito dahil hindi siya active sa ibang social media platforms gaya ng Twitter at Facebook. Sa kasalukuyan, Instagram lang at Youtube daw ang mine-maintain niya.

 

“’Yon nga ang okay sa wala kang social media,” nakangiting sabi ni Toni. “Wala kasi akong Twitter, wala akong Facebook…so hindi ko talaga alam ’yong backlash na nangyayari. Pinaparating lang sa akin ng may mga Twitter, may social media na ‘Uy, ganito nangyayari…’

 

“But you know, at the end of the day, everyone is entitled to their own opinion… they can…they are all free to say what they want to say and I respect that.”

 

Pero tila hindi naman naka-apekto ang mga pangba-bash na ito kay Toni dahil maganda ang naging pagtanggap ng audience sa pilot episode ng all-new Home Sweetie Home: Extra Sweet last Saturday, May 11.

 

Nagtala pa rin ng  27.3% rating ang show sa Kantar Media versus sa katapat nitong Pepito Manaloto ng GMA-7 na naka-18.7%.  It also copped the number one slot in the trend chart of Twitter nationwide. Patunay na patok sa manonood ang mga bagong co-stars ni Toni kabilang sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Luis Manzano, at ang funny tandem nina Fumiya Sankai and Yamyam Gucong na galing sa PBB: Otso.

 

Home Sweetie Home: Extra Sweet airs every Saturday after TV Patrol.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.