Dahil sa pagka-busy ng career ni Kim Molina, siya na daw ba ang next Sarah Geronimo ng Viva?

PHOTOS: @kimsmolina & @justsarahgph on Instagram

PHOTOS: @kimsmolina & @justsarahgph on Instagram

Sinagot ng singer-actress na si Kim Molina ang tanong kung s'ya na ba ang susunod na Sarah Geronimo ng Viva.

Natanong si Kim about it sa naganap na online media conference para sa upcoming reality singing competition sa TV5 na Born To Be A Star last January 12.

Naging sunod-sunod kasi ang projects ng aktres sa Viva. Bukod sa naging judge detective siya sa kakatapos lang na Masked Singer Pilipinas, nabigyan din siya ng solo starrer sa horror anthology na Kagat ng Dilim at ngayon naman ay guest siya sa Ghost Adventure (both shows air on TV5). May naka-bangko na din siyang pelikula, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na natapos bago pa man magka-pandemic.

Gaya ni Sarah, matuturing din kasing total package si Kim dahil sa husay n'yang kumanta, sumayaw, umarte at mag-host ng show.  Pero ang point ng tanong ay may kung yong footsteps ba ni Sarah ang sinusundan niya dahil pati umano looks niya ay ibang-iba na.
.
Kay Ate Sarah po? Naku, malayo po ako kay Ate Sarah," sagot n'ya sa entertainment press. "Sobrang idol ko po s'ya. Sarah G po 'yan, e.”

Ikinatutuwa naman daw ni Kim ang mga opportunities na dumadating sa kanya through her Viva management.

“But I think, ako po kasi, nagugulat na lang din po ako at natutuwa, at the same time, that my management, Viva family give me opportunities all the time and push me to my boundaries," sey n'ya.

Kasi I've been with Viva since I was in college and alam po nila ang mga pinagdaanan ko, kahit nu'ng nag-i-school pa lang ako. They know how I talk, how I am as a person so I think that's one of the reasons why they give me opportunity such as this [show]."

Pagre-recall pa ni Kim, nagulat din daw s'ya nang makatanggap ng tawag para maging bahagi ng Masked Singer Pilipinas noon at Born To Be A Star ngayon.

Nagulat nga din po ako from Masked Singer Pilipinas, I thought nu'ng tinawagan po ako isa po akong contestant. 'Yon pala judge. Ngayon po, akala ko nu'ng tinawagan po ako, magiging judge po ako ulit. 'Yon pala host.

Baka po sa next show hindi ko na po alam. [Baka] makita n'yo na lang po ako, cameraman na rin po ako," 
pagbibiro pa n'ya. "Malay po natin kaya ko rin po pala 'yong gawin. So ilaban po natin 'yan sa pandemya. Maraming salamat po.”

Co-produced ng SariSari Channel ng Viva at Cignal ng TV5 ang Born To Be A Star kung saan si Kim ang magiging host katuwang ni Matteo Guidicelli

Kasama din nila sa show ang iconic rapper-songwriter na si Andrew E, dance guru na si Teacher Georcelle ng G-Force, Asia's Vocal Supreme Katrina Velarde, at singers na sina Janine Tenoso at Sam Concepcion na magiging mga judges o star agents. 

Magsisimula ang Born To Be A Star sa January 30 sa  na s'yang papalit sa timeslot ng Masked Singer Pilipinas sa TV5.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: The KimJe couple answers Pikapika’s Random Questions

Jerald Napoles on marrying Kim Molina: "We're still maximizing what we can do kasi s'yempre kapag [kasal na] ibang level na, e."

Pika's Pick: The #KimJe couple (Kim Molina and Jerald) gets their Silver Play button plaque from YouTube

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.