Dahil sikat na, Lassy Marquez, dinadagsa na ng messages ng mga lalaki; pero “walang presyuhang nagaganap...gusto lang nilang mag-dinner kami.”

Hindi na raw bago kay Lassy Marquez ang catfishing, na siyang tema ng pelikula  niyang Sarap Mong Patayin, dahil siya mismo ay naka-biktima na at nabiktima ng ganitong deceptive na galawan.

Photos: Viva Films / @akolassy

Hindi na raw bago kay Lassy Marquez ang catfishing, na siyang tema ng pelikula niyang Sarap Mong Patayin, dahil siya mismo ay naka-biktima na at nabiktima ng ganitong deceptive na galawan.

Tungkol sa catfishing—o ’yong paggawa ng fictional online persona to lure another person to fall for you— ang tema ng pinakabagong pelikula ni Darryl Yap, ang psychomedy’ng Sarap Mong Patayin.

Usong-uso na ito mula nang ma-imbento ang chat sa internet.

At hindi na pala bago ito sa isa sa mga bida ng pelikulang si Lassy Marquez dahil siya mismo ay naka-biktima na at nabiktima ng ganitong deceptive galawan.

Maski ang paggamit daw ng mga dating apps ay nasubukan na niya lalo na raw kapag nasa abroad sila for a show dahil “maganda ako doon [sa mga taga-abroad].”

Although hindi naman daw niya sinisipot. Type lang umano niyang maranasan ang paggamit no’ng app.

Anyway, panahon palang daw ng mIRC (Microsoft’s internet relay chat) noong ’90s ang tsuma-chat na siya using an invented name and persona. At kahit may webcam na, hindi raw siya nagpapakita ng mukha. Boses at legs lang umano ang pinakikita niya. Even so, naka-“lure” pa rin siya.

Nagka-gulatan nalang sila no’ng ka-chat niya nang mag-eyeball na sila dahil kasamahan niyang beki din pala sa Punchline comedy bar na si Arnel Tamayo pala ang ka-chat niya, na obviously ay hindi rin nagpakilala ng totoong pagkatao kay Lassy sa online chat nila.

Taong 2006 naman, sa pagkakatanda niya, nag-tripping siya na pa-in-love-in ang isa na naman niyang kasamahan sa Punchline. Harmless katuwaan lang naman iyon sa part niya pero ikinagalit pa rin umano nito nang ma-bistong ka-beks niya ang totoong ka-chat niya.

“Ito ’yong pina-in love ko siya na pinalabas ko na nagwo-work ako sa isang airlines dito sa atin,” pagtatapat ni Lassy during the Sarap Mong Patayin media conference kamakailan.

“Tapos, like ’yong nagpapadala ako sa kanya ng messages na sweet... magmi-meet tayo... One week ko siyang ginanu’n.

“One time, natutulog ako biglang tumawag. So, naalingpungatan ako. Pag ring, ‘Hello? Oh, bakit?’ Kasi ang alam niya talaga lalaki ako, boses lalaki... mga salitang panlalaki na pinapa-in love ko siya...”

At dahil ang naturalesang beki voice niya ang nagamit niya, kaya bistado siya.

“Then ’yon na, nagalit siya sa akin.”

Sa sumunod na pangyayari, siya naman daw ang napag-trip-an ng kaibigang si Chad Kinis.

“Ginanyan na niya ako before. ’Yong pina-in love ako. ’Yong niligawan ako pero paniwalang- paniwala ako. May pagka-gullible ako minsan, e. Masabihan lang ako ng like, ‘Ang ganda mo naman.’ Ayan na, pa-cute na ako.”

Tumatawag daw si Chad na boses lalaki ang gamit at kunwari ay taga-Pampanga ito.

“Ayon boses-lalaki na alam niya lahat [about me]. Ini-stalk daw niya ako,” patuloy na k’wento ni Lassy. “So, alam niya ’yong background ko talaga. So, naniwala ako kasi alam niya [lahat].

“So, naniwala ako na akala ko totoo talaga. Pero hindi ako umabot sa punto na magpapadala ako GCash o kung anu-ano man, ke money remittance pa yan, money transfer... wala talaga. As in.”

And speaking of money, natanong din si Lassy kung tumaas ba ang “market value” niya sa mga kalalakihan kasabay ng paglaki ng pangalan niya sa industriya. Meaning, naging in-demand din ba siya sa mga kelots.

Bukod kasi sa sikat nilang vlog ng Beks Battalion (along with Chad Kinis and MC Muah), ay naging sunod-sunod rin ang pelikula niya sa Viva na masusundan pa ng isang online concert, ang Beksinated on October 30.

“Noon kasi walang masyadong nagme-message sa akin. Walang nagpapa-add sa akin [sa social media]... wala talaga, as in,” pagtatapat pa rin ni Lassy.

“So, eto na, lumilipas...lumilipas ang panahon like kagaya ngayon, eto na, ang dami! Ang dami nang messages sa akin na minsan nai-ignore ko na nga ’yong message request, ’yong ganu’n.”

Dumami raw ang gustong makipag-meet up pero wala pa umano siyang pinagbibigyan.

“So, wala pa naman akong dineyt o something na ilabas? Wala pa naman silang hinihingi sa akin. Like gusto lang nila makipag-meet sa akin, makipag-meet ako or mag-dinner out kami. Mga ganu’ng eksena. Pero hindi naman umabot sa puntong humihingi sila sa akin ng kung anuman. So, walang presyong nagaganap. Walang presyuhan. ’Yong ganu’n, wala. Kasi alam naman nilang may habibi [boyfriend] ako, e.”

Nang matanong naman ang direktor na si Darryl yap kung bakit si Lassy ang napili niya—among the wide selection of bekis in showbiz—para sa role na “rapist” ni Kit Thompson, sinabi niyang gusto niyang mabigyan ng break ang para sa kanya ay intelligent comedian na si Lassy .

“Siguro sasagutin ko na lang kung ano ’yong wala siya,” panimula ng prolific director. “Wala pa siyang tamang pagkakataon para maipakita ’yong kalibre niya  bilang isang artista. Wala pa siyang moment na maipakita sa lahat na, ‘P’wede ninyo akong seryosohin kahit na nagpapatawa ako.’

“Wala pa siyang tsansa na maibigay sa publiko ’yong pagpapatawa na merong talino, tamang timing, at higit sa lahat pagpapatawa na kayang magk’wento. Bihira lang po kasi sa mga komedyante ’yong nakakapagpatawa pero me laman. Madalas po, lalo na są Pilipinas, hindi tinatawanan ’yong mga matatalinong joke.

“Pero pag binitawan po ni Lassy, even all the comedians that I’ve worked with, lalong lalo na nga si Lassy, kaya nilang magbitaw ng punchline na mapapaisip ’yong mga matatalinong tao. At ’yon ang wala pa si Lassy kaya binigay ko sa kanya ng role dito sa Ang Sarap Mong Patayin... binibigyan siya ng Viva ng wala pa siya. ’Yon ay ang tamang avenue para mas makilala siya ng tao bilang seryosong artista.”

Dagdag pa ni Direk Darryl, mismong si Boss Vic [del Rosario] daw ay na-impress sa portrayal ni Lassy after nitong mapanood ang rushes ng pelikula.

Tarush!

Ang Sarap Mong Patayin is scheduled to premiere on Vivamax on October 15.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.