Dahil solo sa bahay, Rayver Cruz, pina-ospital ang sarili bago pa lumala ang Covid niya

Ang pagkakaroon pala ng Covid-19 ang dahilan kung bakit matagal nawala sa All-Out Sundays si Rayver Cruz. Aniya, inabot daw kasi ng tatlong buwan ang kanyang recovery.

PHOTO: @rayvercruz on Instagram

Ang pagkakaroon pala ng Covid-19 ang dahilan kung bakit matagal nawala sa All-Out Sundays si Rayver Cruz. Aniya, inabot daw kasi ng tatlong buwan ang kanyang recovery.

Almost three months daw ang inabot ng recovery period ng aktor na si Rayver Cruz nang tamaan s’ya ng COVID-19 kamakailan.

Ito ang inilahad ng Kapuso actor sa virtual interview n’ya with GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, September 13.

Napag-usapan kasi nila na halos tatlong buwan na hindi s’ya napanood ng kanyang mga fans sa musical variety show na All-Out Sundays (AOS).

Nagkasakit kasi ako...Alam mo naman ’yong virus natin na kung tawagin e si Covid…” paliwanag ni Rayver kung bakit s’ya missing in action sa show. 

Tahimik daw n’yang nilabanan ang sakit pero naging challenging 'yon sa kanya.

Wala lang kasi masyadong nakakaalam pero I had it, e,” dagdag pa n’ya. “Nu’ng time na ’yon nakakalungkot. Na-down din ako.

Kuwento pa ng Nagbabagang Luha lead actor, inakala daw n’ya na simpleng sakit lang na dala ng pagod sa trabaho at pagwo-wokout ang nararamdaman n’ya noong umpisa pero Covid na daw pala ’yon. 

“At first kasi, akala ko…I thought na napagod lang ako sa mga ginagawa…sa pagwo-workout, sa trabaho. Akala ko nagsunod-sunod lang, napagod ako,” pagdedetalye pa ni Rayver. 

’Yong likod ko ’yong unang sumakit, e. ’Yong lower back ko hanggang pataas. And then sunod-sunod na ’yon. Naramdaman ko na ’yong mga symptoms.”

Natakot daw ang aktor sa kanyang health condition lalo pa’t solo s’yang naninirahan sa kanyang ipinatayong bahay. Walang sinuman kasi ang makapagdadala sa kanya sa pagamutan kung sakaling lumala ang kanyang kondisyon.

Kaya naman sinikap daw n’ya na ipa-admit na ang sarili sa ospital hangga't kaya pa n'ya. 

Nu’ng ini-explain sa akin nu’ng doctor medyo natakot din ako,” pagpapatuloy ni Rayver. “Mahirap nga naman. Ako lang mag-isa [sa bahay], e. 

“Tricky kasi ’yong Covid, e. Pag biglang nag-drop ’yong oxygen mo or kung anuman ang mangyari walang magsusugod sa akin kaagad-agad [sa ospital].”

Sa ngayon ay fully vaccinated na si Rayver at hinihikayat n’ya ang publiko na magpabakuna na din against Covid. 

“Important din na sana lahat tayo makapagpabakuna na, ’di ba? It’s important din kahit papano na may protection ka,” pagtatapos ni Rayver. 

Ngayong naka-recover na, balik-AOS na si Rayver. Nagsimula na din silang mag-taping para sa Season 4 ng The Clash kung saan co-host s’ya ni Julie Anne San Jose

Kasalukuyan ding umeere ang pinagbibidahan n’yang afternoon drama na Nagbabagang Luha kung saan naman katambal n’ya si Glaiza de Castro.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This is Showbiz Episode No. 31: Rodjun and Rayver Cruz, magkapatid na, mag-best friends pa

Tukso ni Rayver Cruz sa kasintahang si Janine Gutierrez, ito daw ang unang nag-“I love you” sa kanya

Pika's Pick: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz start filming their upcoming movie "Torpedo" in Samar

Diego Gutierrez at Rayver Cruz, kapwa devastated sa pagkamatay ng idolong si Kobe Bryant
 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.