Daniel Padilla at Angel Locsin, nag-react sa sex trafficking accusation laban kay Pastor Quiboloy

“Minor = Rape,” ang pananaw ni Angel Locsin sa umano’y sex trafficking charges kay pastor Apollo Quiboloy. Dasal niya sa “Sana maprotektahan agad ‘yung mga naglakas loob na magsalita.”

PHOTOS: @supremo_dp & @therealangellocsin on Instagram; INSET: @ApolloQuiboloy on Facebook

“Minor = Rape,” ang pananaw ni Angel Locsin sa umano’y sex trafficking charges kay pastor Apollo Quiboloy. Dasal niya sa “Sana maprotektahan agad ‘yung mga naglakas loob na magsalita.”

Hindi napigilang magkomento ng Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Angel Locsin sa kinasasangkutang isyu ngayon ni Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaan na si Pastor Quiboloy - ang founder ng Davao-based church Kingdom of Jesus Christ (KJC), The Name Above Every Name - ang nagpakilala bilang “Owner of the Universe” and “Appointed Son of God.” Kilala rin s’ya bilang kaibigan at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinampahan si Quiboloy at ilan pa n’yang top officials ng kasong sex trafficking ng US prosecutors.

Napa-comment sa kontrobersyal na balitang ito si Daniel Padilla, at si Angel na kilalang advocate for women empowerment.

“Isa-isa ng tinatawag ni Satanas,” komento ng aktor sa ABS-CBN News Instagram post na naglalaman ng nasabing balita.

Hiling naman ni Angel, na nag-comment din sa same IG post ng ABS-CBN News, mabigyan daw sana ng proteksyon ang mga biktimang nagsumbong sa otoridad para hindi sila balikan ng mga akusado.  

“Minor = Rape. Sana maprotektahan agad ‘yung mga naglakas loob na magsalita,” pahayag ng aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN News (@abscbnnews)

SCREENSHOT: @abscbnnews on Instagram

Ayon sa mga report, nagre-recruit umano sina Quiboloy ng mga babaeng nasa edad 12 hanggang 25 para gawing mga assistants o tinatawag nilang “pastorals.”

Kabilang daw sa mga naging trabaho ng mga umano’y biktima ay ang paghahanda ng pagkain ng pastor, paglilinis ng tirahan, pagmamasahe, at pagsiping sa kanya sa kanila bilang bahagi umano ng kanilang “night duty.”

Limang babae, kung saan tatlo sa kanila ang menor de edad, ang nabiktima daw ng sex trafficking scheme na ito ni Quiboloy.

Sa inilabas na statement ng KJC legal counsel, tinawag nilang “vicious attempt” ang akusasyon na ito laban kay Quiboloy at ilan sa kanilang mga leaders. 

 

PRESS STATEMENT Once again, another vicious attempt to bring down Pastor Apollo C. Quiboloy and some of the Kingdom...

Posted by Pastor Apollo C. Quiboloy on Friday, November 19, 2021

Umani naman ng papuri sina Daniel at Angel mula sa mga netizens sa paglalabas nila ng opinyon tungkol sa balitang ito.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.