Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nakipag-meeting sa ABS-CBN bosses, hindi para magpa-alam kundi para alamin kung ano ang maitutulong nila sa network

“I can wait hanggang sa makabangon ang ABS dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat dito. Hindi lang para sa aming artista kundi para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho sa ABS. Kasama nila akong naghihintay.”

Photos: @supremo_dp & @karlaestrada1121

“I can wait hanggang sa makabangon ang ABS dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat dito. Hindi lang para sa aming artista kundi para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho sa ABS. Kasama nila akong naghihintay.”

Sa Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience virtual mediacon last October 7, kinumpirma ni TV Patrol showbiz correspondent na si MJ Felipe kay Daniel Padilla kung totoo ba ang nasagap niyang balita na lumapit silang dalawa ni Kathryn sa mga bosses ng ABS-CBN hindi para magpa-alam kundi para tanungin ang mga ito kung “what can we do to help?”

“Totoo ’yon,” maikling tugon ni DJ (palayaw ni Daniel).

Mula kasi nang ma-final na ang desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng franchise renewal ang ABS-CBN, maraming talents ng ABS-CBN, including some homegrown celebrities and even broadcasters, ang nagkanya-kanya na ng hanap ng bagong bahay, so to speak.

Bitbit ang kani-kanilang dahilan, kanya-kanyang paalam na ang mga ito sa mga bosses ng Kapamilya network. May lumipat ng management at may mga umangkla sa mga blocktimers for other networks.

Ang KathNielKathryn Bernardo at Daniel Padilla—ay humingi rin pala ng meeting sa mga bosses. Pero hindi para magpa-alam kundi para nga alamin kung ano ang maitutulong nilang dalawa para sa network kahit wala na itong prangkisa.

Ani Daniel, ito ang bilang pagtanaw ng utang na loob. At sa puntong ito, kaya pa naman daw nila. Maaaring financially ang ibig sabihin ni Daniel. In their minds, kung hindi pa naman sila magugutom, makakapaghintay sila.

“Unang-una malaki ang utang na loob namin sa ABS-CBN... hindi lang sinasabi dahil..., e, malaki talaga, e,” sagot ni DJ nang hingan ng paliwanag. “Sa akin personally, ano ’yong buhay ko nagbago 360 [degrees]— nagbago. Diba? Nakakatulog maigi ang pamilya ko ngayon dahil sa mga binigay ng ABS na proyekto sa akin.”

Give and take daw sila ng ABS-CBN, ani Daniel. Ibinalik naman daw niya mahusay na pagta-trabaho ang anumang ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya pero ngayong down ito, mas pinili raw niyang hindi ito iwanan. Makapaghihintay naman daw siya—o sila ni Kathryn—hanggang makabangon ito.

“Ano naman ito it’s not just ABS parang may binigay sa akin, s’yempre ’yong binigay nila sa akin tina-trabaho ko naman maigi. So, you know, it’s a give and take.

“I can wait you know, I can wait, kaya kong maghintay. P’wede akong maghintay. It’s not the end. Hindi kapag lumipat na ako or something. So, I can wait hanggang sa makabangon ang ABS dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat dito. Hindi lang para sa aming artista kundi para sa mga empleyado na nawalan ng trabaho sa ABS. Kasama nila akong naghihintay.

“And now I think there’s news na babalik na tayo... that’s good, diba? Tayo ngayon trabahuhin natin na mabuhay muli ang ABS-CBN. ’Yong lang yong sa amin, kaya namin maghintay, you know. Dahil iba rin naman ang tiwala at binigay na tiwala sa amin ng ABS-CBN.”

Ang huling tinukoy niya ay ang pagba-blocktime ng ABS-CBN sa rebranded na ZoeTV Channel 11 na tatawagin na ngayong A2Z Channel 11, kung saan muling mapapanood ang ASAP Natin ’To, It’s Showtime, at iba pang programa ng ABS-CBN.

Also one way of giving back ni Daniel, this time to his fans, ay ang kanyang digital full concert—ang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience—na mapapanood na live this Sunday, October 11, sa events portal na KTX.ph.

Produced by Daniel himself, through his Johnny Moonlight production house, alongside Star Events, Daniel promises to entertain his fans worldwide for one and a-half (to possibly two hours) of his personally choosen songs.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Daniel Padilla, pakakasalan na si Kathryn Bernardo bago siya mag-TRENTA; Kath, handa na raw

ABS-CBN spotlights retrenched employees through heartfelt song performed by Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Daniel Padilla flexes girlfriend Kathryn Bernardo during casual live video with friends, calling her “genius” in her own way and “napakaganda kahit walang ayos.”

Kathryn Bernardo writes heartfelt message to ABS-CBN, says "hindi pa dito nagtatapos ang lahat."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.