Daniel Padilla, hopeful na makakabangon ang negosyong pinadapa ng pandemya: "After nito, you know, babalik tayo nang mas malakas."

SCREENSHOT: Star Magic YouTube Channel

SCREENSHOT: Star Magic YouTube Channel

Kabilang sa pinaka-apektado ng pandemya ang barbershop business ng love team at real-life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernado

Sa YouTube video ng Star Magic entitled "The woes of Barbero Blues in the midst of a pandemic" na in-upload kahapon, September 1, ikinuwento ni Daniel na pinadapa ng lockdown due to coronavirus disease ang barbershop nila ni Kathryn na Barbero Blues. 

Ang retro-themed barbershop Barbero Blues ang first business venture ng KathNiel as a couple na kabubukas pa lang last October 26, 2019 sa SM North Edsa The Block kung saan din located ang first branch ng nail salon business ni Kathryn na Kathnails. 

Kwento ng aktor, nag-conceptualize daw sila noon ng negosyo na magko-complement sa salon business ng girlfriend na si Kathryn kaya naisip nila ang magtayo ng barbershop. 

"Naisip namin ano bang bagay [na negosyo] kasi [si Kath] may Kathnails na, which is pwede naman sa panlalaki. Tama naman ako, di ba?" pahayag ni Daniel. "Pwede s'yang panlalaki pero mostly pambabae kasi s'ya.

"Para mag-complement sa Kathnails, for the boys naman. Habang 'yong mga asawa nila nasa Kathnails, 'yong for the boys nandu'n naman sa Barbero Blues na kaharap lang mismo ng Kathnails." 

Kabilang din sa mga co-owners ang mom ni Kathyn na si Min at ate niyang si Tin. Kasama rin nila ang as co-owners ang celebrity stylist na si Ton Lao, ang mom ni Daniel na si Momshie Karla Estrada at best friend nitong si Armando Cruz na s'yang hands on at katulong daw ni Mommy Min sa daily operations at marketing. 

Pagmamalaki pa ng block buster actor, nabuo ang Barbero Blues because of their collaboration. 

"Hindi lang ako nag-conceptualize nu'n," lahad n'ya. "Kasama ko si Kathryn. Si Tita Min full support 'yan sa'min. Kung ano ang gusto namin naniniwala naman s'ya. 

"Actually, collaboration namin 'yan ni Kathryn. Baby pa lang naman ang Barbero Blues. Baby pa lang kami.  Baby Barberos, di ba?

"Ako kasi naguguluhan sa numero, e. Ako kasi, mas doon ako sa designing, vibe nu’ng place, the quality control.” 

Ibinida din ng 25-year-old actor-entrepreneur na top priority nila ang quality service para sa kanilang customers. 

"Importante sa Barbero Blues is 'yong skills ng barbero namin," sey pa ni Danie. "E, kung may look ka, may skills ka, why not? 'Yon ang importante sa akin

"Gusto ko satisfied lalo 'yong feeling ng ibang lalaki na gusto nila ng perfect hair. Gusto nila makuha 'yong gusto nila. Importante 'yon. And gusto kong maibigay sa kanila 'yon, you know. Mapagkatiwalaan nila 'yong Barbero Blues saka 'yong mga barbero mismo, maging kaibigan nila at makilala nila through styles nila."

However, ilang buwan pa lang mula nang mabukas sila ay saka naman tumama ang COVID-19 pandemic. Kaya naman nagkaproblema sila sa operation. Ipinagbawal kasi pansamantala ang pagbubukas ng mga negosyo na may close o direktang physical contact gaya ng malls, mga restaurants, salons, at iba. 

"Gusto kong makilala sila personally kaso sadly hindi pa nangyayari dahil biglang nagkaroon ng pandemic," k'wento pa ni Daniel. "After nito, you know, babalik tayo nang mas malakas...  Talagang sapul 'yong Barbero Blues, e, pero s'yempre hindi naman tayo p'wedeng huminto doon.” 

Sinikap daw nina Daniel na masuportahan ang kanilang mga empleyado sa kabila ng walang pumapasok na income because of the imposed lockdown.  

"May mga na-lay off yata, which is, hello? Tayo mismo sa ABS[CBN] alam natin 'yan. Dahil hindi kayang suportahan, e.  Ang hirap. Hindi mo rin alam kung saan ka kukuha, financially. S'yempre, hindi pa rin natin nakakalimutang tumulong kahit papano."

Sa ngayon, nagpa-plano na daw sina Daniel at Kathryn kung ano ang susunod nilang gagawin para makabawi lalo pa't paunti-unti ay ina-allow na ng government ang mga economic activities.

"Nag-iisip kami ng mga next steps kung ano ang pwede naming gawin for Barbero Blues kasi gusto ko s'yang itayo as a brand," share pa ng aktor. "So that's the plan ngayon. Nandu'n kami. Tinitingnan namin 'yong parts na 'yon. Kami ni Kathryn. Kami nina Tita Min. Lahat. Syempre, 'yong team.

"Hindi ako eksperto sa business pero s'yempre you have to evolve sa business mo. Ngayon kasi this is AB normal, di ba? 'Yong business mo okey tapos nagka-pandemic. Anong magagawa natin? Kung anong pwede nating gawin, we have to evolve or adapt. We have to experiment."

May mensahe rin ang Kapamilya actor sa mga tulad n'yang business owner.

"Sa lahat ng nagmamay-ari din ng kanya-kanyang mga negosyo, well, I wish you luck. And sana maging mabuti na ang lahat para sa atin," pagtatapos ni Daniel. 

PANOORIN ang kabuuan ng The woes of Barbero Blues in the midst of a pandemic featuring Daniel Padilla here:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Daniel Padilla trends after showing humility over road accident with tricycle driver

ABS-CBN spotlights retrenched employees through heartfelt song performed by Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Daniel Padilla flexes girlfriend Kathryn Bernardo during casual live video with friends, calling her “genius” in her own way and “napakaganda kahit walang ayos.”

Daniel Padilla, pakakasalan na daw si Kathryn Bernardo in “mga four years to five years from now.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.