Daniel Padilla, idineklarang “love of my life” ang nobyang si Kathryn Bernardo

Paglalarawan pa ni Daniel Padilla sa kanyang girlfriend of nine years na si Kathryn Bernardo: “I’m a ship and she’s my anchor talaga. Kaya ako steady kasi nandiyan ’yung Kathryn para sa akin. Gano’n ’yung relationship namin, kailangan ko ’yung taong ’yun. Mahal ko siya at kailangan ko siya.”

Photos: @kathniellifetime

Paglalarawan pa ni Daniel Padilla sa kanyang girlfriend of nine years na si Kathryn Bernardo: “I’m a ship and she’s my anchor talaga. Kaya ako steady kasi nandiyan ’yung Kathryn para sa akin. Gano’n ’yung relationship namin, kailangan ko ’yung taong ’yun. Mahal ko siya at kailangan ko siya.”

Sa naging interview ni Daniel Padilla sa The Purple Chair Interview ni Boy Abunda, ang daming in-open ni Daniel sa relasyon nila ng long-time girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Nandiyan ang tungkol sa planong pagpapakasal, selosan at kung gaano nga ba kahalaga ang nobya niya sa buhay niya.

Aniya, ang hindi niya kakayanin kung sakali ay ang iwan siya ni Kathryn.

“Maiwanan ka,” saad niya. “Maiwanan ka ng taong mahal mo pa at nagmamahalan kayo at maunahan ka niya. ’Yun ang sabi ko na parang hindi ko kaya. Kung traydurin man ako or i-betray, it’s okay. It’s part of love. It’s part of relationship. Parte ng buhay natin ’yan.

“Pero ’yung hindi mo na kayang ibalik kasi nawala na, pinakamasakit. I will not move on. Hindi ako makaka-move on sa sarili ko, not for us.

Mas kaya pa raw niya kung sakali ang betrayal at kung mangyari man daw ito ay handa siyang magpatawad.

Kung sakaling may gano’n sa isang relasyon ko, kapag ako ay trinaydor at may ginawang mali, kaya kong patawarin ang taong ‘yun. Kasi, para sa akin din ’yun, e. Pag hindi mo ginawa ’yun, wala. You’d be lost.”

At ginawang halimbawa rin ni Daniel ang mangyari raw mismo sa kanya noon na nakagawa siya ng mali, pero tinanggap at pinatawad daw siya ni Kathryn.

Ayon dito, “That happened to me before at si Kathryn, pinatawad ako. Nagkamali ako before, ’di ba? I was a kid ’di ba, I was stupid, ’di ba? And still, tinanggap niya ’ko at tinanggap niya ako nang buo.”

Ang tinutukoy ni Daniel ay nang i-betray siya years ago ng isang kaibigan nang i-record at i-leak nito ang private at kaswalang usapang-lalaki nilang magkakaibigan kung saan may nabanggit na pangalan ng ibang babae si Daniel.

Hindi nagiba ng pagsubok na ito ang relasyon nila ni Kath.

Siyam na taon na raw ang relasyon nina Daniel at Kathryn at dahil dito, natanong din ang binata kung ano ang advantage ng long pre-marriage relationship sa pananaw niya.

“Sa work, kami ang magkasama. After work, kami pa rin ang magkasama. ’Yung beautiful dito, I’m always excited to see Kathryn,” lahad niya na nagpakilig nang husto sa mga KathNiel fans. 

 “Kasi ano ’yan, e, ito ang tawag ko, I’m a ship and she’s my anchor talaga. Kaya ako steady kasi nandiyan ’yung Kathryn para sa akin.  Gano’n ’yung relationship namin, kailangan ko ’yung taong ’yun.

“Mahal ko siya at kailangan ko siya.”

Ang pagta-travel daw nilang dalawa ni Kathryn ang para kay Daniel ay mas nagpapa-excite sa siyam na taong relasyon nila.

“Simple lang, travel,” sey niya. “We just travel na kaming dalawa lang. Kapag nagta-travel kami before na kaming dalawa lang, iba ’yong… ‘Oh my god, kaya na nating dalawa.’ Growth pa rin no’ng relationship.

“Now, tinuturuan na namin ang isa’t isa dahil malapit na. Ilang taon na rin naman kami, ’di ba?”

Sa pahayag ng ani Daniel, obvious na sigurado na ito na silang dalawa na talaga ni Kathryn ang magkakatuluyan.

“Sa future, pag dating ng panahon, siyempre, magsasama na talaga kami. Inihahanda na rin namin ’yung mga sarili namin.”

At katuwang daw nila ang kani-kanilang nanay sa paghahanda sa nalalapit nilang future pagsasama as a married couple.

“Yeah, it’s a beautiful relationship,” sabi niya. “Ako kasi with her family and si Mama kay Kathryn, pareho kaming inaalagaan, ninu-nurture. Talagang tinuturuan na kami ng mga magulang namin kung paano maging handa. So very healthy ’yun for me. Kasi, I’m a guy na medyo rattled ako, e. Makulit ako, e.  Pero dahil sa kanila, umo-okey ako.”

 Pero paano nga ba sila hindi nagkakasawaan?

“Ako, I’m no expert naman. Hindi ko alam. I just think, wala e, she’s the love of my life and I think, that’s it.

“We just give each other time. Like me, kakagaling ko lang ng Boracay, binigyan niya ko ng time with my friends saka, kapatid ko. Gano’n lang, bigyan natin ng oras ang mga sarili natin.”

Pero biro ni Daniel, may kasama raw itong mga tatlong-buwang advance paalaman. Hindi raw ubra ang biglaan dahil raratratin siya ng mga tanong.

Pero sa muling pagse-sersyoso, dinagdag niya na: “I think ’yun din ’yon, wag nating sakalin ang isa’t-isa. Hayaan din natin. It’s hard pero we grow together. Lalo na sa industry natin, ’di ba, hindi ko maiiwasan in the future, magkakaroon na naman siya ng ibang [on-screen] partner. Ako, magkakaroon ako, ’yun ang mga situwasyon na mahirap.”

Dahil kung siya lang daw ang may pasya, hindi raw niya papayagan si Kathryn na may ibang leading man.

“Ako as a person, kung may choice ako, papayag ba ’ko na may ibang partner? Hindi ’no,” natawa sa sariling pag-amin ni DJ.  “S’yempre ’di ba, ako lang ang p’wedeng humawak sa kamay ng nobya ko, ganu’n. Pero ’yun na nga, nandito tayo sa mundong ito, nandito tayo sa industriya.”

Pero kung selos daw ang pag-uusapan ay pareho lang daw sila ni Kathryn na seloso at selosa.

“Ako seloso ako, pero hindi ako nagseselos kay Kathryn. Kasi, alam ko na wala namang dating sa kanya ’yung mga lalaki. Pag ako nagselos, do’n ako badtrip sa mga lalaking lumalapit sa kanya, ’yun ang kakausapin ko. Hindi ’yung, ‘Tol, layuan mo na yan.’ Hindi ako gano’n. I’ll talk to the guy, ‘Hey man, that’s too much.”

“Si Kathryn, magagalit din siya sa akin. Minsan kasi, I’m too much of a gentleman. Para sa akin, wala naman ’yon, siya lang. Ako na ’to… ‘Yong cute lang naman.”

Aminado si Daniel na nag-aaway di naman daw sila ni Kathryn. Pero wala pang masasabing major.

“Yeah, it’s not always happiness and flowers,” sey niya. “Small things, like misunderstanding. ’Yung mga misunderstanding na usapan o minsan, may plano ako tapos iba ang gusto niyang gawing plano. Ayaw niya lang makinig sa akin. Minsan may gano’n, pero ’di na gaya dati na pikon na pikon kami.

“Ngayon, hahayaan ko muna, mananahimik na lang muna ’ko.”

Pero, siya ang susuyo kay Kathryn after?

“Hindi naman, palitan din kami,” saad niya. “Alam niya rin. Alam niya rin naman pag ka ano, tatanungin niya rin ako.”

Diretsahan na ring tinanong si Daniel kung gaano raw nila kaseryosong pinag-uusapan ng girlfriend ang tungkol sa kasal.

“Kailangan ’yon. Before kami magsama, kailangan muna naming magpakasal. At saka siyempre, ’yung mga magulang namin ayaw pa kaming bitawan talaga.

Mga ilang taon pa bago sila pakasal?

“Four, five years,” lahad niya. “Kaya ngayon, ’yun na nga ang tinuturo sa amin. We have to learn now.”

Sa huli, natanong si Daniel kung ano ang mga binabalik-balikan niyang alaala about Kathryn. At ayon sa poging binata, ito raw ay ’yong mga memory ng nalalasing siya o kaya naman ay nagkakasakit.

“’Yung moment na kapag lasing na ’ko at hindi ko na kaya, ’yung moments na siya mag-aalaga sa akin. It’s my favorite part.

“Kapag nakita ko na inaalalayan niya ’ko, it’s my favorite part, ’yung mga gano’n. Saka tuwing may sakit ako na malala, nando’n ’yun, bantay.  ’Yon ’yung mga chine-cherish ko.

Natatawang pag-amin pa niya, “Ano ko e, pa-baby ko pag gano’n, pa-baby ang dating ko.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Daniel Padilla, plantito na pala; kaibigan daw ang turing sa kanyang mga alagang halaman

Daniel Padilla, kakuntsaba ni Mommy Min Bernardo sa lihim na construction ng sariling studio ni Kath

Kathryn Bernardo, ayaw muna magbuntis kapag nagpakasal sila ni Daniel Padilla

Para kay Daniel Padilla, ang pag-aalaga ni Kathryn Bernardo ang “magic” sa buhay niya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.