Sinagot ni Kapamilya actor Daniel Padilla ang tanong ng kanyang screen partner at real-life girlfriend na si Kathryn Bernardo kung ilan ba ang gusto niyang maging anak nila in the future.
Nag-guest kasi ang aktor sa Valentine vlog ni Kathryn na in-upload kahapon, February 14, sa YouTube kung saan tinanong n’ya ang nobyong si DJ [nickname ni Daniel] ng mga questions na hindi pa n’ya naitatanong dito.
In their nine years of being in a relationship daw kasi ay may mga questions pa s’yang hindi naitatanong sa kanyang boyfriend.
Isa na nga rito ay kung naiinis ba ito kapag natatanong lagi tungkol sa kanilang magiging kasal.
“Does it offend you whenever people ask us about getting married and I reply with , ‘Matagal pa, ‘di pa kami ready’?” tanong ni Kath kay Daniel. “Nao-offend ka ba o nahu-hurt ka ba?”
“Hindi naman. Ayoko rin naman madaliin,” sagot ng 25-year-old actor. “Hindi naman pero… Hindi, hindi. Okey lang ‘yon.”
Salo naman ng aktres sa nobyo, nirerespeto daw kasi ni Daniel na may mga plano at gusto pa s’yang gawin habang hindi pa sila kasal.
“Because you respect me na I have a lot of things to do pa. Ang dami ko pang gustong gawin, ‘di ba?” sey ni Kathryn.
Sinang-ayunan naman ito ni Daniel pero sinabi rin nitong bagama’t hindi sila nagmamadali sa pagpapakasal ay ayaw din nitong masyado silang ma-late pagdating sa bagay na ito.
“Oo. Pero ang sa akin lang, ‘wag lang tayong mali-late. ‘Yon lang ang sa akin,” lahad ng aktor. “Alam mo na ang sinabi ko sa’yo. Minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo napapansin napag-iwanan ka na.
“Tandaan n’yo ‘yan,” pag-a-address pa ni Daniel sa viewers. “Minsan, puro na lang tayo, ‘Gusto pa natin ‘to, gusto pa nating gawin ‘to.’ Magigising ka na lang, [tapos sasabihin mo sa sarili mo] ‘Naiwan na ako.’
“Pag ready na tayo pero may pinag-usapan na tayo dapat, ‘di ba? Hindi na tayo p’wede ma-late pa du’n,” muli n’yang balik kay Kathryn. “Mahirap ‘pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi nababalik ang oras.”
At dahil napag-usapan na rin ang kasal, natanong din ni Kath si Daniel kung ilan ba ang gusto nitong maging anak nila kung sakali.
“How many kids do you want to have in the future?” natatawang tanong ng aktres sa nobyo. “‘Yong makatotohanan. Isipin mo, ako ‘yong tatahiin. Ako ‘yong magki-carry nu’n. Makikita mo akong ganu’n. How many kids do you want?”
Maging si Daniel ay natawa sa tanong pero naging seryoso ito bago sumagot.
“Siguro, mga two,” sagot n’ya sa nobya.
“Two? I like two din. Gusto ko girl and boy. Ikaw?” muling tanong ni Kath sa kanya.
“Kahit ano. Anumang uri ang pagkatao n’ya, okey lang,” sey naman n’ya.
Hindi rin pinalagpas ng aktres ang pagkakataon na matanong ang boyfriend kung kailan ba ito huling naging proud sa kanya bilang kasintahan n’ya.
“When was that moment that made you feel the most proud to say ‘girlfriend ko ‘yan’?” tanong ni Kathryn.
“Wow. Feel na feel naman. D’yos ko, ‘yong tanong ha…” pagbibirong sagot ni Daniel sa kanya. “Marami, e. Marami. S’yempre, sa industriya, sa lahat ng nagawa mo, ‘di ba?
“Siguro nu’ng nasa ABS tayo,” paliwanag pa ni DJ. “Nagkakagulo sa ABS-CBN tapos kasama kita nakiki-rally nu’n. Matibay ka sa mga ganu’ng panahon. ‘Yon ang gusto ko sa’yo. May paninindigan ka. Pinaninindigan mo ‘yong tama. ‘Yon ang solid, ‘di ba?”
At sa pang-huling tanong, Kathryn asked Daniel kung ano ba ‘yong pinakaimportanteng bagay for him to keep the romance alive. Madalas daw kasi itong naitatanong sa kanila.
Dito nagkaroon nang mahabang paliwanag ang aktor. Pinaka-relationship advice n’ya, kumbaga.
“S’yempre, una, mahal natin ang isa’t isa,” paglalahad ni Daniel. “Pangalawa, sa lahat ng plano natin in the future, kasama ka, kasama ako.
“Walang katapusang pagsusuyo pa rin. Alam mo naman ako, ‘di ba, love?” pagpapatuloy pa n’ya. “Iba lang, s’yempre. Hindi na [‘yong] parang nanliligaw pero hanggang ngayon nag-e-effort pa rin ako sa’yo.
“Minsan isu-surprise pa rin kita. May mga bagay akong ginagawa na akala mo uuwi na ako, hindi naman talaga ako uuwi. ‘Yong mga simpleng bagay lang na mga ganu’n.
Dagdag pa ni Daniel, “Siguro continuous lang ‘yong pagpapakita sa tao na mahal mo s’ya. Kasi ‘yon naman ‘yon, e. Hindi lang sa akin ‘yon kundi sa’yo din, ‘di ba? Kasi kung ako lang, mapapagod din ako kung puro ako na lang ‘yong nagbibigay sa ‘yo.
“Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit pero s’yempre kasama ‘yon,” paglilinaw pa n’ya. “Hindi p’wedeng mahal kita, mahal kita tapos wala naman ako [nakukuhang pagmamahal]. Hindi p’wede ‘yon. S’yempre, para mahalin kita lalo, e, maramdaman ko rin na mahal mo rin ako. Ganu’n naman all the time, e.
“Tsaka, i-praise n’yo ‘yong isa’t isa all the time. I-praise n’yo. I-appreciate n’yo ‘yong isa’t isa. Ipagyabang n’yo ‘yong isa’t isa. ‘Yon lang,” pagtatapos ni Daniel.
As of this writing, umabot na sa mahigit 1.3 million views ang vlog entry ni Kathryn entitled “Questions I've Never Asked My Boyfriend.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Daniel Padilla, pakakasalan na si Kathryn Bernardo bago siya mag-TRENTA; Kath, handa na raw
Kathryn Bernardo writes heartfelt message to ABS-CBN, says "hindi pa dito nagtatapos ang lahat."
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber