Daniel Padilla, nag-assistant director, stylist, at "taga-libre ng pagkain" sa MV shoot ng banda ng kapatid, ang Jose Carlitos band

First project ni Daniel Padilla as producer Johnny Moonlight ang i-pag-produce ng music video ang alternative rock band ng nakababatang kapatid na si JC—ang Jose Carlito band—na isa sa pinasisikat na banda ng Star Music under its indie label, DNA Music. Kasama ni JC dito ang mga kababatang sina Katsumi Kabe at Seth Gothico.

PHOTOS: Anna Pingol

First project ni Daniel Padilla as producer Johnny Moonlight ang i-pag-produce ng music video ang alternative rock band ng nakababatang kapatid na si JC—ang Jose Carlito band—na isa sa pinasisikat na banda ng Star Music under its indie label, DNA Music. Kasama ni JC dito ang mga kababatang sina Katsumi Kabe at Seth Gothico.

Bagay kay Daniel Padilla ang napili niyang pangalan para sa itinayong production house, ang Johnny Moonlight, dahil nagmo-moonlight na ngayon ang matinee idol behind the camera.

First project niya ang i-pag-produce ng music video ang alternative rock band ng nakababatang kapatid na si JC—ang Jose Carlito band—na isa sa pinasisikat na banda ng Star Music under its indie label, DNA Music. Kasama ni JC dito ang mga kababatang sina Katsumi Kabe at Seth Gothico.

Sa ganitong paraan manlang ay maituloy pa rin ni Daniel or DJ ang hilig niya sa pagbabanda. Don’t forget na magka-banda sila noong mag-utol sa Parking 5 na na-disband dahil sa kabisihan ni DJ.

Second single na ng Jose Carlito ang foreign-sounding na “Big White Wall” at nai-launch na ito last year. Pero dahil malapit sa puso ni JC Padilla, ang frontman ng Jose Carlito, ang kanta (dahil siya ang sumulat nito at age 13) kaya ito ang napili nilang gawan ng music video. 

However, si DJ daw ang may idea talagang gawan ng music video ang sinulat ng kapatid niya.

“Actually siya ’yong nagsabi na...siya ’yong may gustong gumawa talaga ng [music] video,” esplika ng mahiyaing magsalitang si JC during the music video press conference last February 4.

“Pinag-uusapan lang namin, no’ng nagpa-plano kami bigla...actually ’yong Johnny Moonlight bigla, e. No’ng nagkaroon na nga ng usapan na MV. So, parang nag-jive lang e. Ang hirap lang explain...”

Si Seth ang nagpatuloy para kay JC. Aniya: “Kasi no’ng ginagawa din namin ’yong ‘Big White Wall’...no’ng habang nire-record ni JC ’yong solo siya, kami umuwi si JC tapos umakyat kami ng third floor sa bahay niya. Tapos, wala kaming magawa no’n...so, si JC nagtatanong sa akin na, ‘Seth, okey na ba ito?’ Medyo buka na ba ’yong tunog ng track or masikip  pa? Mga gano’n. So, s’yempre kami may input kami.

“Ngayon, habang pinapakingan ito ni Deej (DJ), meron siyang naiisip na ilagay na elemento din. So, naisip na niya na ito gawin natin maganda ang music video niyan ganyan... so, after a year ’yon na, ginawa na nila ’yong Johnny Moonlight. Sabi nga, siya ’yong maga-asikaso. Kailangan lang niya ng mga tamang tao.”

Tamang tao came on the person of Direk Peewee Gonzalez and his team of video editors. 

Nag-renta sila ng vintage beetle car na wala raw seatbelt kaya pa-simple silang nag-drive at nag-shoot kung saan-saan para di mahuli. And using the fisheye effect at iba pang visual distortion techniques, isang kakaibang psychedelic music video ang nabuo ng grupo.

“Suntok sa buwan sa amin ’yong pag-shoot niya, e,” balik-tanaw ni Direk Peewee. “Hindi namin alam kung pano siya i-edit kasi wala pang ginagawang gano’n. So, ayon sa awa ng Diyos at sa konting kape, nadali. Hahaha!”

Pero hindi lang pala producer ang naging papel ni DJ sa music video. Nag-full-timer assistant director din daw ito ang kung anu-ano pa.

“Nag-stylist din ba si DJ dito?’ naguguluhang tanong ni Direk Peewee sa mga band members. “Ano siya, ‘Eto, damit natin ito!’ Kulit! Kulang nalang bitbitin niya talaga ’yong damit doon sa van, e. Sobrang tutok niya, inaalagaan kami...parang papasa nga siyang PA (production assistant). Hahaha! 

“Pati ano taga-pakain after ng shoot. Kunwari may dadaanan kaming stopover,  ‘Pagod ’yang si Katz kaka-drive yan.’ E, non- stop driving. Matigas pa ’yong kambiyo. Pag may makita kaming stopover, si DJ: ‘Kain muna tayo, inom muna tayo... dapat hydrated.’ Gano’n. Ma-alaga.”

Good job, DJ!

Incidentally, sa February 21 ang official launch ng “Big White Wall” music video na gaganapin sa 70s Bistro in Anonas, QC.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.