Muling binalikan ng tinaguriang "King and Queen of Hearts" na sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo kung paano sila nagsimula sa kanilang walong-taong relasyon.
(The KathNiel off-cam romance marked its 8th anniversary last May 25.)
Sa epsiode 4 ng online show na I Feel U hosted by Tony Gonzaga and her sister Alex kahapon, May 31, nagbalik-tanaw nga ang real-life sweethearts na sina Daniel and Kathryn on how they started as boyfriend and girfriend and the lessons they have picked up along the way.
Sa show ikinuwento ni Kath kung paano naging masigasig si Daniel sa panliligaw sa kanya.
"Naramdaman ko 'yan nung consistent s'yang pumupunta sa bahay," paglalahad ng ABS-CBN prized actress. "As in old school. Nililigawan din si mama. Tuloy-tuloy 'yon tapos one year na naramdaman mo na sincere 'yong tao."
Tsika pa ni Kath, may basbas daw ng nanay n'ya ang pagsagot n'ya kay Daniel noong panahong 'yon.
"Tinanong ko si mama. Mukhang okay naman sa kanya. So nag-yes ako. Tapos sinabi ko na lang na, 'Ma, nag-yes na ako.'"
For Daniel, hindi pala nito sinabi sa kanyang Mommy Karla na mag-on na sila ni Kath right after na sagutin s'ya ng dalaga.
"Parang hindi ko officially nasabi kasi naiilang ako kay mama," natatawang paliwanag ng Kapamilya aktor.
That moment, bagama't masaya ay nagkunwari pa daw si Daniel na hindi n'ya alam kung bakit nagye-yes si Kathryn sa kanya.
"Alam ko naman na 'yon ang ibig sabihin n'ya e," pagbabahagi ni Daniel na halatang kinikilig while recalling that special day. "Pero ginanun ko, 'Yes ano? Anong Yes?' Hahaha May ganun pa."
Napa-oo naman daw si Kath kasi iba daw ang alagang-Daniel Padilla.
"Kasi, grabe! Kapag niligawan ka ni DJ mararamdaman mo talaga. Ipapa-feel n'ya sa'yo na ikaw yong pinaka-espesyal na babae sa kanya. Makikita mo kung pano ka alagaan."
She added: "Parati s'ya nagte-text. Consistent s'ya d'yan. Isa 'yon sa mga reasons siguro kasi naramdaman ko kung ga'no s'ya ka-caring."
However, gaano man daw ka-sweet at ka-caring sila sa isa't isa, dumaan din sa pagsubok ang kanilang relasyon.
"Just like any other relationship, dumaan kami d'yan sa point na yan," pagbabahagi ni Kathryn. "'Di ko alam kung ika-3rd or ika-4th year 'yong una tapos 'yong ika-7th year ibang issue naman 'yon. Totoo s'ya. Dumaan...dadating 'yon sa relationship kasi magi-eight years na kami. May mga problema talaga na magte-test sa iyong dalawa."
Pagse-segunda naman ni Daniel, kahit mag-away sila ni Kath, talagang may force na maglalapit sa kanya rito upang magka-ayos sila at pahalagahan ang espesyal na namamagitan between the two of them.
"Marami na kaming away ni Kathryn na talagang away din talaga," kwento ng aktor during the show. "And ako, sa parte ko, parang meron na akong pagkakataong tumalikod at umalis, e. Tatalikod man ako after five minutes babalik din ako, e.
"Ang love kasi sa'kin kailangan ko s'yang alagaan, e. You have to let it grow. Para s'yang halaman, 'di ba? Kailangan mo s'yang mahalin. Hindi ko s'ya kayang talikuran at baka wala na akong makuhang pag-ibig na ganito ulit."
Ibinahagi din ng KathNiel ang mga lessons na napulot nila along the way while they are being together.
"'Wag maiinitin ang ulo," paliwanag ni DJ, "kasi hindi madadaan ang usapan sa ganun e, ‘yong sa galit. Dapat laging klaro ka, e. Hindi pwedeng ang taas agad [ng boses mo] lagi.
"Dahil 'yon ang nakita kong problema ko noon kapag nag-aaway kami ni Kathryn. Baka kapag mas malakas ang boses ko, baka mas manalo ako, e. Para sa akin, ngayon, na-realize ko na, mali pala 'yong ganun.
"Kung minsan may nasabi man s'ya na pumantig sa tenga mo, dapat hindi ka kaagad magpi-flip out. Minsan kailangan mo na lang padulasin, e. Minsan kailangan mo na lang hayaan."
As for Kath naman, mas nakita n'ya sobrang mahalaga ang respeto nila sa isa't isa.
"Sa akin 'yong respeto," she explained. "Sobra-sobra 'yon. Kasi nati-test 'yan kapag galit tayo. Gaya nang sinabi ni DJ na pwede kang magsalita nang kung ano-ano na mao-offend mo 'yong partner mo o 'yong alam mo na mapipikon s'ya. Ang laking bagay 'yong nirerespeto n'yo 'yong isat isa."
Masaya man sa takbo ng kanyang lovelife, nagbahagi naman si Kathryn ng short advice sa mga fans nila na single at walang jowa sa panahon ngayon.
"It’s okay," pahayag ng dalagang aktres. "You just have to wait. Kailangan mong hintayin 'yong tama tao para sa'yo. 'Wag mong i-pressure 'yong sarili mo na kailangan mo na ngayon."
At bago matapos ang online show, bilang lalaki, natanong si Daniel kung kailan ba ang kasalan at road to forever nila.
"Siguro mga four years or five years from now," sagot ni Daniel.
Panoorin ang kabuuan ng I Feel U epsiode 4 kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo