Daniel Padilla, pakakasalan na si Kathryn Bernardo bago siya mag-TRENTA; Kath, handa na raw

“Siguro after three or four years. Basta before ako mag-thirty. ’Yon ang gusto ko. Ayoko masyadong patagalin na umabot na sa [age] range ng thirty. Kasi pag tumapak na ng thirty, ang bilis na naman, e, [ng panahon].”—DJ on marrying Kathryn soon

Photos: @supremo_dp & @bernardokath

“Siguro after three or four years. Basta before ako mag-thirty. ’Yon ang gusto ko. Ayoko masyadong patagalin na umabot na sa [age] range ng thirty. Kasi pag tumapak na ng thirty, ang bilis na naman, e, [ng panahon].”—DJ on marrying Kathryn soon

Almost 50 entertainment press & vloggers ang invited sa virtual press conference para sa Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience, kahapon, October 6. Pero walang umalis o nagpa-alam. Walang nainip o na-bore. Walang nawala sa ere. Lahat ay matiyagang naghintay ng turn para makapagtanong kay Daniel.

Napaka-warm naman kasi ng aktor at ang sarap kausap. Lahat ng soundbites ay may substance. At higit sa lahat, hindi naging madamot sa pagsagot ng tanong kahit maging ’yong mga walang kinalaman sa kanyang concert.

Walang “Ay personal na po yan...” 

Walang “I’m sorry, I don’t want to answer that...”

At s’yempre, pag Daniel, hindi p’wedeng mawalan ng mga Kathryn Bernardo questions (and vice versa).

Ani Daniel, kahit limitado lang ang mga taong allowed sa venue na pagdadausan niya ng concert niya this Sunday, October 11, ay hindi p’wedeng mawala si Kathryn. Kailangan daw niya doon ang kanyang sweetheart para pampalakas ng loob.

Hindi lang daw niya maipangakong mai-aakyat niya ito onstage dahil pag kumakanta daw siya, gusto lang ni Kath na magpaka-faney at panoorin siya. Pero sapat na yon para sa kanilang mga taga-hanga worldwide.

Sa virtual con, ipinagtapat ni Daniel na beach wedding ang dream wedding niya para kay Kath. At ikinagulat ng lahat ng sabihin niyang...

“...and sana before [ako mag-] thirty, e, mangyari na ho yan,” natatawang pahaging niya.

“Siguro after three or four years. Basta before ako mag-thirty. ’Yon ang gusto ko. Ayoko masyadong patagalin na umabot na sa [age] range ng thirty. Kasi pag tumapak na ng thirty, ang bilis na naman, e, [ng panahon].”

Kung kailan eksakto ang kasalan ay “not soon, but soon” ang naging sagot ni DJ (palayaw ni Daniel) na ikinakilig ng lahat.

Twenty five years old na si Daniel ngayon kaya kung three or four years ang target niya, malamang na 28 or 29 niya pakakasalan ang long-time sweetheart. Ibig daw kayang sabihin no’n ay ready na rin siyang maging daddy at that age?

“Susubukan ko,” ang pilyong sagot ni DJ. “Hindi, sa totoo lang...why not? Why wait? Di ba? Kung okay naman ang sitwasyon? Bakit pa natin...e, at least, hindi ka masyadong matanda...p’wede ka pang makipaglaro [sa anak mo].”

Feeling naman daw niya ay ready na rin si Kathryn lalo pa’t dumanas sila ng real “adulting” sa panahon ng lockdown. Kapwa raw kasi sila binigyan ng mga responsibilidad ng mga respective parents nila during quarantine—like pag-aasikaso ng mga bills—para matutunan nila pareho.

“Sa ngayon, feel na feel na namin ’yong adulting stage, alam mo ’yon? Ramdam na namin, tol. Lalo na nitong nag-lockdown? Randam na ramdam naming ’yong... ‘Ugh, tumatanda na ko.’ Gano’n na ’yong napi-feel mo kasi, kasi lahat...parang minsan lahat ng babayaran na dati sila ermat ’yong bahala, mama niya ’yong bahala...ngayon, sa amin na pinapahawak lahat. Alam mo ’yong gano’n? 

“So, lahat sa amin na pinapa-asikaso...so, doon ko nakikita kay Kathryn na handa na siya....handa na siyang maging asawa ko. Hindi loko lang.”

May sumundot na panay na nga ang aral ni Kathryn mag-luto lately na pinapakita nito sa kanyang mga social media accounts. Biro ni Daniel, magandang training daw ito sa kanilang pagse-settle down in the future.

Pero talaga lang daw hilig iyon ng kanyang nobya. Kaligayahan umano nito ang magluto at mag-ipon ng mga appliances at kitchenwares.

Pero dahil may three or four years pa naman siyang lee way, so to speak, may panahon pa si Daniel para mas pag-ipunan, hindi lang ang kasal kundi lalo na ang kanilang pagiging mag-kapamilya.

“Kailangan pang mag-ipon para pagka sa panahon na magpa-pamilya na, alam mo ’yon, hindi ka naghahabol sa trabaho, sa pamilya...trabaho-pamilya...alam mo ’yon? Parang steady ka lang, may oras ka sa pamilya  o. Kung gusto mong mag-trabaho, sige?”

We’re quite sure na inip na ang mga KathNiel fans sa magaganap nilang kasalan. Pero dahil three or four years pa ito mangyayari, maki-kilig muna sa virtual concert ni DJ, kung saan live niyang haharanahin si Kath (dahil required ang presence nito). 

Ang online concert ng young superstar na si Daniel ay mangyayari na this Sunday, October 11, sa virtual events portal na KTX.ph.

Co-produced ito ni Daniel—through his Johnny Moonlight production house—with Star Events. At ayon ay DJ, mas lumawak na raw ang repertoire niya although expect more old music bilang old soul nga siya. 

Guest niya ang Jose Carlito’s band led by his brother JC na according to him ay ang talagang musical genius ng pamilya. 

Tickets are sold at P499. And according to DJ, sinubukan nilang mas pababain pa ito dahil alam naman nila ang financial state ng mga tao ngayon. 

“Kung p’wede nga lang pong libre kaya lang may mga babayaran tayo...’yong production, ’yong mga kanta, babayaran natin...ako ho, sa totoo lang, wala naman akong kikitain dito. Gusto ko lang magpasaya.”

Grab your tickets to “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” via ktx.ph

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

ABS-CBN spotlights retrenched employees through heartfelt song performed by Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Daniel Padilla, pakakasalan na daw si Kathryn Bernardo in “mga four years to five years from now.”

KathNiel sweethearts paint mural to celebrate 8th anniversary as couple

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.