Darna’s Valentina Janella Salvador, nang kumustahin ang lagay nila ni Markus Paterson: "We're both happy as individuals and our main priority is Jude.”

Isa pang naitanong ng press kay Janella ay ang muli nilang pagsasama sa trabaho ng dati niyang leading man sa The Killer Bride (2019) na si Joshua Garcia na umamin noon na may crush sa kanya. Hindi na sila ang magkatambal sa Darna dahil si Jane de Leon ang love interest ng aktor. But just the same, reunion project pa rin nila ito. “Masaya ako na nakaka-trabaho ko na ulit si Joshua. It's really nice to work with someone that you already had chemistry with. Mayroon din naman parts dito na magka-eksena kami. Happy ako na nakakatrabaho ko siya.”

Photos: Reggee Bonoan / @superjanella

Isa pang naitanong ng press kay Janella ay ang muli nilang pagsasama sa trabaho ng dati niyang leading man sa The Killer Bride (2019) na si Joshua Garcia na umamin noon na may crush sa kanya. Hindi na sila ang magkatambal sa Darna dahil si Jane de Leon ang love interest ng aktor. But just the same, reunion project pa rin nila ito. “Masaya ako na nakaka-trabaho ko na ulit si Joshua. It's really nice to work with someone that you already had chemistry with. Mayroon din naman parts dito na magka-eksena kami. Happy ako na nakakatrabaho ko siya.”

Agaw-pansin ang dala-dalang polka-dot snake ni Janella Salvador sa ginanap na grand media conference ng Darna series nitong Lunes ng gabi, August 8, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

May mga natuwa at meron namang nangilabot.

May nagsabing kapag busog ang ahas ay hindi naman daw ito nanunuklaw. Pero palag ng event host na si Eric John Salut, “Kahit na, ahas pa rin ‘yan, ‘no!”

Bumagay na parang aksesorya ang dalang makulay na ahas ni Janella na in contrast sa kanyang body-hugging black outfit. Tila sanay na sanay na si Janella, who is playing Valentina sa Darna, sa piling ng mga ahas dahil ka-bonding niya ang mga ito ng ilang buwan sa set ng pinaka-aabangang teleserye.

Kaya ayun at parang wala lang sa kanya habang gumagalaw-galaw ito sa kanyang kamay.

Samantala, inamin ni Janella na nu’ng i-alok sa kanya ang karakter na Valentina ay talagang nagdalawang-isip daw siya. Una ay dahil first time niyang gaganap ng kontrabida na isang malaking gamble dahil nakilala siya sa mga wholesome roles.

Pero sa kabilang banda, naisip niyang magandang comeback vehicle ito matapos niyang manganak kay Baby Jude. Fresh start, kumbaga.

Nang finally ay tinanggap niya, nakaramdam naman daw siya ng matinding pressure dahil according to her research ay pawang mahuhusay at mga batikan ang mga gumanap na Valentina sa mga past Darna series and movies. Nandiyan ang iconic and award- winning actress na si Celia Rodriguez na sinundan nina Pilar Pilapil, Pilita Corrales, Cherie Gil, at ang huli ay si Alessandra de Rossi noong taong 2005 sa GMA-7.

“We all know how iconic the role of Valentina is,” tsika ni Janella. “Knowing that the previous Valentinas were all so amazing and the character became iconic because of the way they portrayed it...of course I want to make it my own. At the same time, gusto ko tumatak siya. Nandoon ’yung pressure.”

“Aside from the fact that it’s physically draining, it’s actually a very complex character. It’s quite difficult to act as her. It’s emotionally draining as well.”

Alam naman ni Janella ang pinasok nga kaya nga’t pinaghandaan daw niya ito nang husto.

At isa sa naging preparation niya ang ay ang pag-aalaga ng dalawang ahas para umano maging kumportable siya sa presence and feel ng mga ito. Kaso, nakakawala raw ang isa at hindi na niya nakita pa.

Inaral niya rin kung paano humawak ng ahas gently plus ang mga do’s and don’ts para hindi siya tuklawin.

Samantala, naisingit pa rin ng press na makumusta kay Janella ang tatay ng anak niya—si Markus Paterson. Matagal na kasing may bulong-bulungan na naghiwalay na sila ng landas. Wala namang direktang inamin ang aktres tungkol dito.

“Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okey naman kami. Basta okey kami,” saad niya.

"We're both happy as individuals and our main priority is Jude.”

Isa pang natanong kay Janella ay ang muli nilang pagsasama sa trabaho ng dati niyang leading man sa The Killer Bride (2019) na si Joshua Garcia na umamin noon na may crush sa kanya.

Hindi na sila ang magkatambal sa Darna dahil si Jane de Leon ang love interest ng aktor. But just the same, reunion project pa rin nila ito.

“Masaya ako na nakaka-trabaho ko na ulit si Joshua. It's really nice to work with someone that you already had chemistry with. Mayroon din naman parts dito na magka-eksena kami. Happy ako na nakakatrabaho ko siya,” napangiting sagot ni Valentina.

Anyway, mapanood na ang Darna simula Agosto 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z at iWantTFC mula sa JRB Creatives na idinirek nina Benedict Mique, Avel Sunpongco, at Chito Roño.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janella Salvador, may trauma sa mga lalaking lasing at nawawala sa sarili at aware daw si Markus Paterson tungkol dito

Janella Salvador, heartbroken sa pagpanaw ng pet niyang si Max; “He was supposed to grow old with Jude.”

Sa pagba-Valentina, Janella Salvador, mas prinoblema ang weight loss kesa sa paghawak ng ahas

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.