Darren Espanto, napa-aming naka-date sina Kyline Alcantara, Andrea Brillantes, at Ylona Garcia; si Alexa Ilacad naman daw ay "tita" niya.

“But all of us are friends now. I’m friends with everyone now and I’m happy that there’s no bad blood between anyone.”

Photos: Melo Balingit (Darren solo), KyRen (Team KyRen Cavite FB account); AndRen (Andrea Brillantes Love Darren Espanto FB account); and DarLona (@DLoveteam Twitter account)

“But all of us are friends now. I’m friends with everyone now and I’m happy that there’s no bad blood between anyone.”

Turning 19 years old na sa May ang The Voice Kids Philippines Season 1 finalist na si Darren Espanto. Bukod sa height na six feet, nagsisimula na ring bumulto ang physique ng laking-Canadang binata. Unti-unti na niyang nase-shed and kanyang boyish image na tila kalakip ng tatak-The Voice kids.

But he’s definitely a kid no more. In fact, sa bonggang solo press conference para sa kanya ni Miss Rhea Tan ng BeauteDerm (bilang si Darren ang pinakabago at pinaka-batang brand ambassador ng fastest-growing beauty brand), napa-amin ang binata sa mga niligawan at naging girlfriends niya in the past.

Palibhasa ay madalang maka-tsika ng members of the entertainment press nang mahabaan ang binata kaya niratsada na ito ng tanong. At bagama’t halatang asiwa sa ibang tanong ay magiliw at polite pa rin niyang sinasagot ang mga ito. Ang maganda pa kay Darren, pure pa ang bagets at hindi pa sanay magsinungaling.

Kaya naman buong honest niyang inamin na nagka-gilfriend na siya. 

“Opo, s’yempre. It’s part of growing up din,” nakangiting sagot niya. 

At dahil sa showbiz lang naman umiikot ang mundo niya kaya pasok sa kategorya ang mga na-link sa kanya noon. But this time, nalinawan nang konti ang romantic linkages sa kanya. Ilan sa nabanggit na pangalan ay sina Kyline Alcantara na taga-GMA-7 na ngayon, KyRen ang tawag sa kanila ng fans; Andrea Brillantes (AndRen), at Ylona Garcia (DarLona).

Ang maganda pa, supportive daw lagi ang parents niya sa lahat ng niligawan at naka-date niya.

“And my parents are supportive naman as long as alam nilang matino din ’yong kino-court kong babae. My parents are funny kahit hindi ko po sabihin alam nila kung sino. Biglang sasabihin nila, ‘O, ba’t di mo invite si ano?’ Ganyan sila.” 

Inisa-isa ng press ang pangalan ng mga female young stars na

na-link sa kanya. Hindi direktang kinukumpirma ni Darren ang naging estado ng mga relasyon niya sa mga ito pero mababakas sa pananahimik at pag-ngiti-ngiti niya sa video ang tunay na sagot niya.

Kyline?

“Kyline and I are very close friends now and ah, basta...basta...” say ni Darrenn sabay pakawala ng malamang ngiti. “Ano po ang masasabi ko lang ’yong mga fans talagang very...ano’ng tawag dito? Alam nila, e.  Hahaha!”

Alam nila pag meron?

“Oo, alam nila pag meron, e.” 

Tumanggi na si Darren na magbigaw ng detalye kung kailan naging sila, kung kailan natapos, at kung gaano sila tumagal.

“Sa amin nalang ’yon, sa amin nalang ’yon,”  natatawang iwas niya.

Ang mahalaga raw ay nanatili silang friends. In fact, open si Kyline na invited sa kanyang debutante’s ball sa September si Darren. Hindi daw kaya p’wede pang ma-rekindle ang naputol nilang special friendship?

“Hahaha! Kami ni Kyline, we’re enjoying each other’s friendship til now and I feel like it’s better that way.”

Pero according sa mga interviews kay Kyline, never siyang nagka-boyfriend. Kaya possible pang manligaw ulit si Darren.

“Ano, e, never din akong nagka-girlfriend. Hahaha!” sakay ni Darren na ikinakilig ng lahat. 

Wala naman daw humadlang sa kanila noon. Hindi rin daw ang paglipat ni Kyline sa GMA ang dahilan kung bakit naputol ang anuman sa kanila. Sa tingin ni Darren, it’s their immaturity that’s to blame.

“I feel like kasi when you’re a kid you don’t really know what you really want yet in life? And I feel like it’s better for me and for everyone that I’ve dated in the past... kasi mas matured na kami ngayon, mas alam na namin kung ano’ng gusto namin and ’yon...” 

So, may chance ba ang part 2, giit ulit ng mga taga-press.

“Okay naman kami as friends at saka very supportive kami sa mga love life ng isat-isa...”

Ikinagulat ito ng press. May kanya-kanya pala silang love life kung ganoon?

“Hindi. Pag meron,” paglilinaw ni Darren.

Pero naniniwala daw si Darren sa courtship philosophy ni Kyline na dapat ay una o kasamang nililigawan ang parientes ng babae.

“Yeah. Para sa akin naniniwala din ako doon na dapat ’yong parents po ang unang nililigawan and the especially ’yong mom kasi they know best.”

Si Andrea naman.

Tila nabingi si Darren sa tanong kung naging sila ba ni Blythe, nickname ni Andrea.

“Ano po?” natatawa-tawang balik-tanong niya kaya lalo siyang nabisto.

Pero aniya, ang pagiging sobrang bata pa rin nila ang dahilan kung bakit hindi nag-prosper ang relasyon. 

“’Yon nga po kasi noong time na ’yon sobrang bata pa rin kami. So, the same answer pa din.”

Hindi si Kyline ang dahilan?

“Hindi naman.”

O naagaw ba ng iba si Andrea?

“Ah, hindi po.”

Alexa Ilacad?

“Ah, hindi po!” mabilis na categorical na sagot ni Darren. “Si  Alexa parang tita ko ’yon, e. Siya ’yong tita ng grupo namin...friendship group [namin]. Si Alexa, kaka-birthday niya lang, e. So, feeling niya sobrang tanda na niya pero hindi naman. She just acts as the most mature one in the group.”

Last, si Ylona Garcia?

“Ha?” pa-maang-maangang sagot niya. “Hindi, ayon, ano kaka-debut niya lang din. So, happy birthday to her.”

Same answer lang din daw ang ibibigay niya kung bakit hindi nag-prosper ang special friendship niya with Ylona—immaturity. 

“But all of us are friends now. I’m friends with everyone now and I’m happy that there’s no bad blood between anyone.” 

At the moment ay wala daw siyang girlfriend. Pero ang kasalukuyan at consistent na nali-link sa kanya ay ang Kapuso star na si Cassy Legaspi, ang isa sa prateral twins ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

But that’s another story.

Anu’t anuman, mahalaga raw kay Darren na friendship ang maging foundation nila ng babaeng liligawan niya in the future.

“Para po sa akin, I feel like it’s better talaga that you start off as friends,” paliwanag niya. “Hindi ’yong natipuhan mo lang kaya liligawan mo. Kasi parang after n’yo mag-break, wala kayong ano, walang foundation. Kasi nothing was there before it. So, I feel like ’yon nga po it’s better to start it of as friends. Tapos, pag nagustuhan mo na talaga siya, doon mo start courting her. And ’yon nga po, start courting her parents.”

Paging Zoren and Carmina ba ito?

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.