Daryl Ong: “Hindi po ako ang umalis sa ABS [CBN]. Tinanggal po ako.”

PHOTOS: @imdarylong on Instagram

PHOTOS: @imdarylong on Instagram

Binasag ng singer-songwriter na si Daryl Ong ang kanyang pananahimik upang sagutin ang mga tanong at comments ng fans hinggil sa paglabas nila sa noontime show na Eat Bulaga last March 11 at nitong huli nga, June 5 ay sa Wowowin ni Willie Revillame naman siya napanood—dalawang programa na kapwa umeere sa GMA-7 na rival station ng ABS-CBN. 

Lumabas kasi ang haka-haka na nilisan na ng singer ang bakuran ng Kapamilya Network kung saan siya nakilala. 

Nagsimulang magkapangalan sa entertainment industry si Daryl matapos silang sumali sa The Voice Philippines Season 2 noong 2014. Mula noon ay sunod-sunod na ang kanyang paglabas sa iba pang programa ng ABS-CBN. At ang biggest achievement niya ay ang maging regular performer ng flagship show ng ABS-CBN, ang Sunday musical-variety show na ASAP Natin ’To.

Ngayong araw, June 16, isiniwalat ng singer sa kanyang Facebook at YouTube accounts ang dahilan kung bakit nawala na siya sa ABS-CBN na nag-ugat diumano sa komento nila about the broadcasting franchise na kasalukuyan pa ring dinidinig sa Kongreso.

Ang “nila” na tinutukoy niya ay ang mga kapwa miyembro niya sa all-male group na BuDaKhel na sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

“Bago po nagkaroon ng lockdown, bago po nag-shutdown ang ABS-CBN, wala na po talaga ako sa ABS-CBN,” pagsisiwalat ng 33-year-old singer. “Kasi meron po kaming event ng BuDaKhel sa Iloilo, papunta kami ng Iloilo that time... ganito po ang nangyari: pag dating ko po sa airport, nando’n na si Bugoy, nandun si Khel, at meron silang kasama sa table na babae na dating nagwo-work sa ABS. And meron pa silang isang kasamang lalaki sa table...”

K’wento n’ya, una umano nilang napag-usapan that time ang tungkol sa mga ABS-CBN stocks investments. 

“Na-bring up ni Bugoy ’yong topic about stocks,” pagpapatuloy ni Daryl. “So, nagkukwentuhan sila ni Michael about stocks, sa pag-invest sa stocks...tapos ’yong babae na dating nagwo-work sa ABS-CBN nag-butt in s’ya tapos na-bring up n’ya ’yong current situation ng ABS that time regarding the franchise issue. 

“So, sabi n'ya na, medyo pa-sarcastic ’yong biro n’ya na, ‘Bakit hindi ka mag-invest sa ABS-CBN? Ayan o, bagsak. Bagsak ang presyo nila sa stocks dahil meron silang kinakaharap na krisis. So, doon nagsimula ’yong topic about franchise issue.”

At dahil nauwi nga sa franchise renewal issue ng ABS-CBN ang usapan, naisingit diumano ni Bugoy ang online petition asking the government to grant the network its broadcasting franchise renewal. 

“And then si Bugoy nabanggit n’ya 'yong nakita n’yang petition online. At that time alam kong sa Facebook ’yon e, na kailangan ata ng, tama ba, one million signatures para sa petition or something. Hindi ko rin alam ’yong full details kung ano man ’yong pinapa-sign na ’yon.”

Dito umano nagkasalungat ang kani-kanilang mga pahayag dahil sa magkaka-ibang detalye na kanilang nakita hinggil nga sa online petition. 

Sabi ni Bugoy, sixty thousand [signatures] na lang ’yong kulang para mabuo 'yong one million,” recall pa ni Daryl sa k’wentuhan nila. “Ako naman, nakita ko rin ’yon...ang pagkaka-kita ko naman sixty thousand pa lang ’yong nagsa-sign.

“So, sabi ko kay Bugs, ‘Hindi. Hindi sixty thousand na lang [dahil] sixty thousand pa lang. At anong petsa na?’ May deadline po kasi ’yon e, no’ng time na ’yon. Hindi ko rin totally matandaan kung anuman ’yong deadline pero that time alam ko may deadline ’yon. Kailangan bago umabot sa petsa na ’to dapat mabuo na ’yong one million na pirma. 

“So, sabi ko kay Bugs, ‘Wala na ’yan. Malabo na ’yan. ‘Di na ’yan aabot kasi sixty thousand pa lang anong petsa na.’ Tapos nagdagdag ako ng comment. Sabi ko, ‘Naku malabo na ’yan. Mahirap ’yan. Kalaban ba naman nila ang gobyerno. Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na ’yan.’”

Doon daw natapos ang kanilang usapan regarding sa franchise issue. 

However, hindi nila inasahan ang mga sumunod na nangyari. 

“Ang hindi po namin alam ’yong isang katabi namin sa table, ’yong sinasabi kong isang lalaki pa, akala ko kasi kaibigan ’yon no’ng babae na kakwentuhan namin na dating nagwo-work sa ABS,”  patuloy na pabbabalik-tanaw pa ng singer. “It turns out hindi pala n’ya kilala ’yong lalaki na ’yon. 

“’Yong usapan namin nire-record pala no’ng lalaki na '’yon na katabi namin sa table. Hindi namin alam.

Matapos daw ang successful show nila sa Iloilo, doon na daw nila nalaman na nakarating na sa ABS-CBN boss ang kanilang naging usapan sa airport while waiting for their flight pa-Iloilo.

Biglang ’yong road manager namin parang bigla s’yang aligaga, bigla s’yang panic mode, bigla s’yang lumabas tapos tinawag na kami ni Bugoy,” patuloy na k’wento ni Daryl. “Pinalabas kami. '’Yon na, nagpa-panic na sila, na ’yong nasa phone, manager namin, hindi ko masabing galit. Actually, hindi s’ya galit, e. More of worried s’ya kung anong mangyayari.

Dito na rin daw nila nalaman na ang lalaking nakatabi nila sa airport ay malapit pala sa isa sa mga bosses ng ABS-CBN.

“Apparently, pinarinig ’yong recording at ang dating sa kanila wala kaming utang na loob or pinag-uusapan namin ’yong franchise issue and it seems na wala daw kaming concern. 

Ang dating sa akin personally is, ang impression sa kanila, kumakampi kami sa fact na hindi mare-renew ’yong license. So hindi na kami nabigyan ng chance magpaliwanag.

Sinubukan daw nilang humingi ng kopya no’ng nasabing recording pero hindi daw sila binigyan. Baka nga naman magamit pa ’yong ebidensya.

Ako no’ng time na ’yon, hinihingi ko sana ’yong recording,” pagsisiwalat pa ng singer-vlogger. “Gusto ko sana marinig pero naisip ko na hindi rin nila maipaparinig ’yong recording kasi tama po ba? Illegal wire tapping po ba ang tawag doon? Hindi rin ako sure kung illegal wire tapping ang tawag doon. 

Hindi na rin malinaw kung binidyo ba kami o ni-record ’yong audio. ’Yong mga kinuwento at binanggit na details na nandoon sa recording hindi rin ma-verify kung ano talaga kasi hinihingi namin ’yong recording ayaw din namang ibigay sa amin. Iyon nga inisip ko din baka illegal wire tapping ’yon so hindi rin nila mailalabas ’yong video o recording kung anuman ang nando’n.

Pagkabalik daw nila sa Maynila, doon na sinabi sa kanila sa meeting with their manager na hindi na sila maari pang lumabas sa alinmang shows ng ABS-CBN. 

“‘Daryl, banned kayo ni Bugoy sa ABS,’” tanda ni Daryl na sabi ng manager nila. “Merong batas na bawal kaming lumabas sa lahat ng shows ng ABS-CBN.”

Minabuti na rin daw umano ni Daryl na magsalita upang mabigyang-linaw ang dahilan kung bakit sila noon nakapag-perform sa Eat Bulaga. Iyon ay upang mai-promote ang kanilang concert na nakatakda sana noong March 20 pero hindi natuloy due to enforced lockdown since March 15. 

“Since bawal nga kami ni Bugoy lumabas sa any ABS-CBN TV shows, sobrang thankful naman kami na nabigyan kami ng pagkakataon...Pinagbigyan kami ng GMA at Eat Bulaga, lalo na ng Eat Bulaga na makapag-promote ng concert namin.

Dagdag paglilinaw niya pa: “No’ng time na '’yon wala namang paglipat ng [TV station] na nagaganap.

Nilinaw din para sa mga nadismaya sa kanyang daw “pag-alis sa ABS-CBN” at “paglipat sa kabilang network” na hindi nga siya umalis, bagkus ay inalis.

Hindi po ako ang umalis sa ABS,” pahayag ni Daryl. “Tinanggal po ako. [Na-ban] po ako dahil do’n nga sa insidente na napagk’wentuhan namin ’yong franchise issue at nakarating sa isang boss at ang impression nila may kinakampihan kami.” 

Aminado naman ang singer na nagi-guilty s’ya na nadawit pa ang kaibigang si Bugoy na na-ban na din sa ABS-CBN. 

“Actually, more of nagi-guilty nga ako para kay Bugoy, e, kasi pati s’ya nadamay, e,” worried na lahad pa ni Daryl. “Pati s’ya [na-ban],  e. Kasi nando’n s’ya sa conversation. Pero kung tutuusin wala din naman s’yang sinabing mali—at least para sa akin. Ang sinabi lang n’ya, ‘Sixty thousand na lang.’ Tapos doon na ako sumingit. Sabi ko, ‘Hindi, sixty thousand pa lang. At mukhang malabo na ’yan kasi anong petsa na?’”

Sinabi rin ng singer-songwriter na hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. At isa umano ito sa mga dahilan kung bakit n’ya idinaan sa Facebook at YouTube ang pagpapahayag ng kanyang panig.
 
Nakakalungot lang na hindi kami nabigyan ng chance magpaliwanag or hindi man lang kami kinausap no’ng boss,” himutok ni Daryl. “Actually, kilala namin kung sino nag-ban sa amin pero hindi ko naman s’ya pwede banggitin baka bawal. Alam n’yo na.”

Gayunpaman, wala daw s’yang sama ng loob sa TV network. Bagkus, nagpasalamat pa s’ya sa lahat ng kanyang mga naging kaibigan sa ABS-CBN at sa lahat ng opportunity na naibigay sa kanya ng Kapamilya network. 

“Again, nililinaw ko po, wala na po ako sa ABS-CBN,” Daryl went on. “Wala na po ako sa Kapamilya Network. Pero wala po akong galit. Wala po akong karapatan na hindi maging mapagpasalamat dahil sila naman talaga ang nagbigay ng opportunity sa akin bilang artist na makatawid sa mainstream. Kaya habang buhay kong ipagpapasalamat ’yon. 

Itong nagyayari na ’to, alam ko naman na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay meant para madagdagan ’yong wisdom natin, meron tayong matutunan na lesson, and at the same time, we grow wiser, stronger...

“And I know, itong nangyari na ’to, hindi man s’ya happy ending, still hindi ako mauubusan ng rason na maging masaya at magpagpasalamat. Maraming-maraming salamat pa rin po sa Kapamilya Network, sa ABS-CBN,” pagtatapos ng male singer. 

Hindi nilinaw ni Daryl kung ano ang naging kapalaran ng isa pa nilang kasamahan na si Michael Pangilinan.
 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.