Daryl Ong, magiging OFW musician na daw sana sa Japan kung hindi natuloy sa pagiging singer dito sa Pilipinas

PHOTOS: @imdarylong on Instagram

PHOTOS: @imdarylong on Instagram

Palipad na sana pala papuntang Japan ang new Viva recording artist na si Daryl Ong noon kung hindi natupad ang pangarap n'yang maging ganap na singer dito sa Pilipinas.

Naik'wento ito ng 33-year-old singer-songwriter nang exclusive s'yang makatsikahan ng pikapika.ph via Zoom kamakailan. 

Natanong kasi namin si Daryl kung nasa dugo ba talaga n'ya ang pagkanta gayong bago s'ya nakilala sa showbiz ay isa s'yang animator.

Dito napa-throwback ang talented singer.

Lumaki kasi ako na ‘yong mom ko laging kumakanta sa simbahan,” pagbabalik-tanaw n'ya. “Tapos ako ‘yong panganay, tapos ang tagal ko pang nasundan so ang dami kong time na nakabuntot ako sa parents ko. Minsan sa ermat ko sa simbahan. 

Nakahiligan kong kumanta kasi ang erpat ko din, frustrated singer,” pagtatapat pa n'ya. 

“Mahiyain lang s’ya, e. Hindi n’ya kasing kapal ‘yong mukha ko. Ako, makapal ang mukha ko,” natatawang dagdag niya. “Hindi ako mahiyain. S’ya, mahiyain s’ya pero ang dami n’yang casette tapes na pinapakinig sa akin. So, dati pa lang talaga hilig ko na ‘yong music.”

Pero hilig din daw n'ya ang visual arts kaya s'ya napunta sa mundo ng animation pero mas nangibabaw daw ang pagmamahal n'ya sa music.

"Hilig ko rin kasi ‘yong visual arts," lahad pa ni Daryl. “‘Yong course ko nu’n sa UST, Fine Arts ako, e. Kaya pinasok ko rin ‘yong animation. Pero eventually, bumalik din ako sa first love ko which is music."

Kalaunan ay pinasok din daw n'ya ang pagbabanda at pag-o-audition sa mga singing competitions. Ilan nga sa mga nasalihan n'ya noon ay ang Pinoy Pop Superstar (2005), Pinoy Idol (2008) at The Voice of the Philippines Season 2 (2014).

Nagbanda ako from 2009 hanggang 2013. Tapos sabi ko ang hirap magbanda sa Pilipinas kasi mula 9 PM hanggang 3 AM kang kumakanta. Tapos ang sweldo mo parang Php 800."

Bago mag-audition sa The Voice of the Philippines ay nagpa-plano na daw s'ya na mag-OFW sa Japan sakaling hindi palarin. 

“So, sabi ko, ’Last na mag-o-audition na ako sa The Voice. [Year] 2013 [that time]. Kapag hindi ako natanggap dito magdya-Japan na ako.’ Plano ko talaga dapat mag-Japan na.

Ayon naman, binuwenas naman, nakapasok sa The Voice. Hindi rin natin nasungkit ‘yong title pero daming opportunities na dumating after The Voice, e. Nagtuloy-tuloy na.”

At last December lang, si Daryl ang itinanghal na Season 1 grand champion sa first ever Masked Singer Pilipinas

Isa na rin s'ya sa mga bagong recording artists ng Viva kaya naman marami daw aabangan ang kanyang fans sa mga gagawin n'yang projects this year. 

Alam naman ng followers ko sa YouTube at sa social media na sobrang hilig ko talaga mag-collaborate, sobrang nag-e-enjoy ako kasi, for me, katulad ng kasabihan na there’s always something new to learn in life, I think it also applies in music na marami… Kumbaga, never ending ang learning, e," aniya.

Kaya love na love ko makipag-collaborate kasi everytime I collaborate with different artists may natututunan ako. So, feeling ko ang dapat abangan ng mga supporters ko ngayon na nasa Viva na ako ay ‘yong mga collaborations with Viva artists, ‘di ba?

Nagbigay din s'ya ng ilan sa mga Viva artist na gusto n'yang makatrabaho. 

‘Yong mga well-established [artists] katulad nila Sarah Geronimo, Popstar Royalty...hanggang sa mga young and rising na artists katulad ng The Juans, This Band, ang dami. May mga rapper. Kumpleto kaya sobrang excited ako na maging part ng Viva kasi alam ko ang lawak ng opportunity sa akin makipag-collaborate with different artists."

Bukod pa d'yan, nasa right track din daw si Daryl dahil ang pag-sign n'ya sa Viva ang gagamitin n'ya itong stepping stone para matupad ang pangarap n'ya na maging record producer.

Kasi eventually naman talaga, pangarap ko rin maging record producer e," pagbabahagi n'ya. "So I think, sobrang gandang training din nito sa akin na masanay akong makipag-interact with different artists kasi ang artists kasi iba-iba ng way mag-isip ‘yan, e. 

Iba-iba sila ng approach sa music, sa pagkanta, e. So kung inaasam kong maging record producer someday soon, kailangan matuto ako kung papano magkipag-ano…meet half way. Kasi iba-iba ang preference ng bawat artist," pagtatapos ni Daryl.

PANOORIN ang kabuuan ng exclusive interview namin kay Daryl Ong dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Masked Singer Pilipinas grand champ Daryl Ong signs up with Viva Records

Daryl Ong is planning to cover an Indonesian song under Viva Records

Daryl Ong: “Hindi po ako ang umalis sa ABS [CBN]. Tinanggal po ako.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.