Daryl Ong’s anti-rally sentiments, umani ng batikos

PHOTOS: @iamdarylong on Instagram & Daryl Neilsonn Ong on Facebook

PHOTOS: @iamdarylong on Instagram & Daryl Neilsonn Ong on Facebook

Nanguna sa top trending topic kagabi, June 27, sa Twitter ang former Kapamilya singer na si Daryl Ong dahil sa naging pahayag nito sa mga sumama sa rally kahapon. 

Kahapon kasi ang araw ng ikalimang State of the Nation [SONA] ni Pangulong Rodrigo Duterte. And as expected, nagkaroon ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo upang iparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing at pagkadismaya sa mga diumano ay kakulangang ng kilos nito sa kinakaharap na krisis ng bansa.

Ikinasa ang nasabing rally na tinawag na SONAgKAISA sa University of the Philippines [UP] Diliman bago pa man magsimula ang SONA ng pangulo sa kabila ng banta ng coronavirus disease [COVID-19] at warrantless arrests. Bandang tanghali nang tinapos ng mga nag-social distancing na raliyista ang kanilang programa at kusang nag-disperse din agad dahil nga COVID-19.

Dito nagpatutsada si Daryl sa mga sumama sa rally sa kanyang post on his personal Facebook account na kalaunan ay dine-activate n’ya. 

Sa nasabing post, isang Netizen na may username na @kenquenito ang nakasagutan ni Daryl. Ito rin ang nag-screenshot ng kanilang naging pagtatalo online na ipinost naman nito sa kanyang Twitter account kagabi dahilan upang mag-trending ang dating ASAP Natin ’To performer. 

“Mukhang mag E-ECQ nanaman daw?.. Ayos, rally pa more, guys, [sic]” tila sarkastikong banat ni Daryl sa kanyang FB post.

Dito na s’ya nakatikim ng pambabara mula kay Keneth Quinto na nagsabing suportado diumano ng World Health Organization [WHO] ang mga kilos-protesta kahit sa panahon ng pandemya. Inungkat din n’ya ang kakulangan ng kilos ng gobyerno matapos magkumpulan ang mga libo-libong stranded passengers sa Rizal Memorial Stadium. In short, mas masahol ang naging kondisyon ng mga tao sa Rizal Memorial Stadium kumpara sa mga nag-rally sa UP.

Dahil dito ay nakapag-palitan tuloy sila ng masasakit na salita sa comment section.

Matapos mai-post ang naging usapan nina Daryl at Keneth sa Twitter, agad na inulan ng batikos ang singer-songwriter. 

Naungkat pa tuloy ang diumano’y tunay na dahilan kung bakit ito nawala sa Kapamilya network noong mga panahong hindi pa nagkaka-lockdown at hindi pa nagsa-shutdown ang ABS-CBN. 

Matatandaang naglabas ng kanyang saloobin si Daryl through a video on his social media accounts last June 15 at ipinaliwanag na na-ban s’ya sa ABS-CBN kasama ang fellow Kapamilya singer na si Bugoy Drilon. 

K'wento n’ya, nag-ugat daw ang lahat sa simpleng komento n’ya sa usapan nina Bugoy at isa pang singer na si Michael Pangilinan about ABS-CBN broadcasting franchise and the signature campaign.

Sinabi daw n’ya na malabong nang mabuo pa ang kinakailangan daw na isang milyon na pirma for the signature campaign dahil gahol na ito sa oras. 

Dagdag komento pa daw n’ya, mahihirapan daw ABS-CBN sa franchise application nito dahil kalaban nito ang gobyerno at si Pangulong Duterte. 

Wala daw silang kaalam-alam na nire-record na pala ang kanilang usapan at nakarating daw iyon sa big boss ng Kapamilya network. 

Iba naman ang version ng Netizen na si Keneth na inisa-isa ang mga diumano ay “tunay” na nangyari sa likod ng issue na ito na ipinost naman niya sa Facebook ng Kapamilya Kingdom noong June 19.

 

READ: Daryl Ong, hindi totoong banned sa ABS-CBN! Noong isang araw, nag-post ako ng status tungkol sa pagdududa ko sa...

Posted by Kapamilya Kingdom on Thursday, June 18, 2020

Dahil pa rin sa kanyang naging pahayag kahapon, na-drag ang 33-year-old singer/YouTuber dahil sa pagiging DDS diumano nito o Diehard Duterte Supporter.

May ilan din namang Netizens na nagtanggol kay Daryl at sinuportahan ang kanyang punto na concerned sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Dizon, Anne Curtis, Ria Atayde, Nikki Valdez at iba pang celebrities, naglabas ng mga hinaing at hiling sa gobyerno sa pamamagitan ng #ItoAngSONAko

Pika's Pick: Juana Change (Mae Paner) chides Presidential Spox Harry Roque as she mimics his look in his “pose with the dolphins” viral photo at the #SONAprotest today

Pika's Pick: Nadine Lustre joins other artists in expressing her sentiments about the kind of leadership the country deserves as she writes her own #ItoAngSONAko

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.