Dating mag-asawang Lotlot de Leon at Monching Gutierrez, saglit na nagpakilig

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Todo ang suporta ng buong pamilya ni Janine Gutierrez nang full force na um-attend ng premiere night ng pelikula niyang Elise ang buong pamilya niya kagabi sa Gateway cinemas in Quezon City.

 

Naunang dumating sa venue ang nanay ni Janine na si Lotlot de Leon, na kamakailan lang ay naging Mrs. Fadi Al-Soury. Kasama ni Lotlot ang mga kaibigang sina Shyr Valdez (na may cameo role sa Elise) at ang balik-bayan friend nilang si Pinky Esturco.

 

Kasabay na dumating naman ni Ramon Christopher “Monching” Gutierrez ang mga anak na sina Jessica, Diego, at Maxine.

 

 

Pagpasok sa sinehan ay sinalubong ni Lotlot ang mag-aama niya. At masweteng nakuhanan ng pikapika.ph ang paghalik ni Monching sa dating kabiyak bilang pagbati. Patunay lang na kahit nagkahiwalay na sila ng landas ay naibalik nila ang pagkaka-ibigan at pareho silang all-out pagdating sa pag-suporta sa mga respective interests at careers ng kanilang apat na anak.

 

Taong 1989 nang ikinasal sina Lotlot at Monching at maghiwalay naman noong 2003. Nanatili silang kapwa single sa mahabang panahon until Lotlot found a new partner in life in her Lebanese boyfriend na pinakasalan niya on December 17 last year. Open din ang magkakapatid na Janine, Jessica, Diego at Maxine sakaling magpakasal din sa ibang babae ang ama nila in the future. Pero sa ngayon ay wala namang napapabalitang girlfriend si Monching.

 

Samantala, bagama’t tila na-awkward sina Lotlot at Moching ay magiliw nilang pina-unlakan ang request ng ilang mga photographers na magtabi sila sandali para makuhanan ng litrato sa event kagabi.

 

Janine, who plays as the go-getter Elise, arrive with her leading man, Enchong Dee, who plays a simpleton madly in love with the girl from his childhood. Elise, directed by Joel Ferrer, is now showing nationwide.

 

Maraming mga 80’s kids na nakasaksi sa tambalan nila noon ang kinilig sa nasaksihan at tila napa-throwback sandali. Hindi naman ito ang first time na nagsama ang dalawa sa isang okasyon na may kinalaman sa mga anak nila. Nagkataon lang na ito ang isa sa nasaksihan ng publiko kaya meron no’ng tinatawag na “kilig factor” lalo na sa mga dati nilang tagasubaybay.

 

Heto ang video ng saglit “kilig moment” na ’yon between Lotlot and Monching:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.