Dawn Zulueta, tatalikod muna sa mga soap operas

(Left Photo) Bitoy and Dawn on the set of Family History, ang film directorial debut ni Bitoy na siya ring ang producer (along with GMA Pictures), artista, at writer. It’s slated for a June or July showing. (Right Photo) Dawn (center) with the loves of her life: husband Anton and her kids Jacobo and Ayisha.

PHOTOS: Anna Pingol & @dawnzulueta on Instagram

(Left Photo) Bitoy and Dawn on the set of Family History, ang film directorial debut ni Bitoy na siya ring ang producer (along with GMA Pictures), artista, at writer. It’s slated for a June or July showing. (Right Photo) Dawn (center) with the loves of her life: husband Anton and her kids Jacobo and Ayisha.

Malamang daw na ang paglabas niya bilang first lady ng bansa sa FPJ’s Ang Probinsyano last year ang maging huling soap opera o TV series na gagawin ng prized actress na si Dawn Zulueta. Prior to that, ay napanood din siya sa balik-tambalan nila ni Richard Gomez na You’re My Home sa ABS-CBN noong 2016.

“Nahihirapan lang ako sa schedule ng soap…” pag-amin ni Dawn na nakausap ng pikapika.ph at ng ilan pang entertainment writers sa set ng Family History, ang film directorial debut ng talentadong si Michael V. na siya ring kapareha ni Dawn sa pelikula.

“I don’t mind doing soap…it’s just that the schedule is…it’s not…hindi ko feel ’yong schedule. If there’s really a nice offer…so far kasi the offers that have come, hindi ako masyadong na-e-excite…and then kung gano’n lang ’yong schedule, ay, wag nalang.”

Masyado raw kasing demanding sa oras ang pagte-teleserye kumpara sa paggawa ng pelikula. Taliwas sa paniwala ni Michael V.—na nakikinig sa tsikahan—na tila mas mabilis gawin ang mga pang-TV kumpara sa pelikula.

“Oo, pero dear, hindi ka naman natutulog,” paliwanag ni Dawn na naka-direkta kay Bitoy (palayaw ni Michael V.).

“Tapos parang wala ka ng buhay, di ba? Hindi ka p’wedeng magkasakit, hindi ka pwedeng magbakasyon—wala kang buhay! Nakaka-stress ’yong ganyang klaseng trabaho. Hindi mo alam hanggang kelan kang gano’n?”

Pero kung meron man daw mas masaya sa desisyon niyang iyon ay walang iba kundi ang asawa niyang si former Davao del Norte district 2 representative Anton Lagdameo at lalo’t higit ang mga anak nilang sina Jacobo at Ayisha.

“Nag-desisyon na ako about this two or three years ago kasi my son [Jacobo], he’s gonna be 14 [years old] ’no? Two or three years ago, nakikita ko na nagbibinata na ’yong…parang I just felt na I think I have to stay with him more. Hindi na ako p’wedeng magkaroon ng schedule na parati akong wala sa bahay…Pag ka ganyan na nagti-teenager na, I need to be present…feeling ko lang parang I need to be more there available for him.”

Bukod raw sa quality time, importante rin daw ang “quantity time.”

Pero iginiit ni Dawn na hindi naman niya tuluyang isinasara ang pinto niya sa paggawa ng teleserye. It’s just that sa ngayon, mas welcome sa kanya ang pagpe-pelikula at limited TV appearances. 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.