Deniece Cornejo, sumusumpang mananatiling ehemplo ng paglaban para sa mga kababaihang naaabuso

“Kung ako instrument upang maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasasaktan at nasasamantalahan. Paglalaban ko at paninindigan.”—Deniece Cornejo

PHOTOS: @onlydeniececornejo & @deniecemilinnette.cornejo on Facebook

“Kung ako instrument upang maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasasaktan at nasasamantalahan. Paglalaban ko at paninindigan.”—Deniece Cornejo

Naglabas ng pahayag ang dating modelong si Deniece Cornejo kasunod ng paglabas nang magkasunod na warrant of arrest na nagresulta sa pagkaka-detain ngayon ni Vhong Navarro.

Kaungay ito sa kasong isinampa n’ya laban sa actor-TV host noon pang 2014 nang tangkain umano nitong gahasain s’ya.

Sa Twitter post ni ABS-CBN reporter Niko Baua kahapon, September 21, sinabi nito na hindi umano nagpaunlak ng panayam si Cornejo. Sa halip ay naglabas na lamang ito ng kanyang pahayag. 

“Deniece Cornejo declined to grant an interview but released a statement instead on Vhong Navarro’s incarceration,” ulat ni Baua sa kanyang tweet kalakip ang photo artcard na naglalaman ng statement ni Deniece. 

Narito ang pahayag ni Deniece:

“Kung ako instrument upang maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasasaktan at nasasamantalahan. Paglalaban ko at paninindigan.”

It could be recalled na nagsampa ng kaso si Deniece noong 2014 laban kay Vhong dahil tinangka umano nitong halayin s’ya.

Kaugnay ito sa insidenteng naganap umano sa condo unit n’ya noon kung saan nagtamo nang matitinding pasa sa mukha si Vhong dahil sa panggugulpi naman ng mga kaibigan ni Deniece sa pangunguna ng negosyanteng si Cedric Lee.

Katuwiran noon ng kampo nina Deniece at Cedric, ginulpi nila ang aktor dahil naaktuhan nila umano ito sa tangka nitong panggagahasa kay Deniece.

Pinasinungalingan naman ito ng It’s Showtime host at iginiit na binugbog at kinikilan s’ya ng grupo nina Deniece at Cedric. Pinaburan naman ng korte si Vhong at na-convict sina Cornejo at Lee.

Ibinasura rin ng Prosecutor’s Office at Department of Justice (DOJ) that time ang apela ni Deniece na muling i-review ang two counts of rape na isinampa n’ya laban kay Vhong dahil wala umano itong probable cause.

Pero nito lang July ng kasalukuyang taon ay binaliktad ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng DOJ sa apela ni Cornejo at ipinag-uutos ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.

Nitong Lunes naman, September 19, inilabas ng korte ang warrant of arrest para kay Vhong sa kasong act of acts of lasciviousness. Kaagad na nagpiyansa ang aktor.

However, ilang oras lang matapos n’yang mabayad ng P36,000 ay lumabas naman ang isa pang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong rape naman. Kusang sumuko ang comedian-TV host.

Non-bailable ang kasong rape kaya nananatili muna sa custody ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong.

Samantala, inihahanda naman ng legal team ni Vhong ang petisyon na mapayagang makapag-piyansa ang aktor.

Sa panayam naman sa asawa ni Vhong na si Tanya kahapon, September, 21, inamin niyang nagulantang sila at nadismaya sa pagkaka-reverse ng desisyon pero muli raw silang lalaban para ilabas ang katotohanan.

Lalaban ulit kami, patutunayan ulit namin, madi-dissmiss ulit ito,” may kumpiyansang lahad niya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Vhong Navarro posts short but sweet birthday message for wife Tanya Bautista; fondly says "ikaw na ang huling mag-mamay-ari ng puso ko!"

Pika's Pick: Vhong Navarro spreads good vibes as he channels Captain Ri in an edited photo of Korean Drama Crash Landing on You

Pika's Pick: Vhong Navarro is one proud dad to son Fredriek who just graduated college

Vhong Navarro, pinakakasuhan ng Court of Appeals ng salang rape and acts of lasciviousness; Deniece Cornejo, nakahalungkat ng lumang tula na nagpa-alala ng sandaling pagkaka-kulong niya noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.