Dennis Padilla, akala daw ay katapusan na niya ang pagkaka-COVID

PHOTO: @dennisastig on Instagram

PHOTO: @dennisastig on Instagram

Humingi daw ng second chance si Dennis Padilla sa Diyos matapos siyang magka-COVID-19.

Ito ang inamin niya sa virtual interview n’ya kay MJ Marfori na ipinalabas kagabi, April 13, sa news program na Frontline Pilipinas

Sa simula ng report ay emosyonal pang nagk’wento ang aktor nang balikan ang karanasan n’ya matapos tamaan ng COVID-19. Tingin n’ya, nakuha n’ya ang virus mula sa dinaluhan n’yang isang family gathering. 

S’ya na raw mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa ospital kung saan inakala daw n’ya na mamatay na s’ya.

“I thought I was saying goodbye mga March 14 and 15 kasi nahihirapan na ako,” pagre-recall ni Dennis during the interview. “God is good and I really raised my hand to Him. And I said, ‘Lord, ang liliit pa ng mga anak ko. Please, bigyan Mo pa ako ng second chance.’”

Habang mag-isang naka-quarantine at nakikipaglaban sa COVID ay nakaramdam daw ng pangungulila ang 51-year-old comedian-TV host.

Kaya naman pumasok na daw sa isip n’ya na iwanan na ang showbiz at tumira na lang sa Australia para makasama ang kanyang pamilya. 

Siguro I’m just giving myself as an actor…mga one year na lang then magre-retire na ako, one year and a half, maybe,” sey pa ng Pakboys co-actor.

Tuloy-tuloy pa rin naman daw ang communication n’ya sa kanyang mga anak dahil tinatawagan s’ya ng mga ito. 

Naka-quarantine pa rin ang aktor until now at hindi lumalabas matapos ang naranasan n’yang makikipaglaban sa COVID last month. 

At present ay napapanood si Dennis sa digital series na Kung Pwede Lang kung saan kasama n’ya sina Rosanna Roces, Dexter Doria, Bob Jbeili, Carlyn Ocampo, at Loren Marinas na napapanood sa Viva streaming app na Vivamax.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angelica Jones asks for prayers after she, son, and mom test positive for COVID-19

COVID-19 survivor Nikki Valdez says “COVID will toy not only with your physical health but mostly with your emotions.”

Richard Yap, isa pala sa mga kauna-unahang Pinoy na nagka-COVID-19

Former president Joseph "Erap" Estrada tests negative for COVID-19

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.