Dennis Padilla, aminadong nainis kay Gerald Anderson noon; pero tanggap na ito ngayon

PHOTOS: Ogie Diaz on YouTube, @andersongeraldjr on Instagram; INSET: @juliabarretto on Instagram

PHOTOS: Ogie Diaz on YouTube, @andersongeraldjr on Instagram; INSET: @juliabarretto on Instagram

Nagdetalye ang actor-comedian na si Dennis Padilla tungkol sa naging usapan nila ni Gerald Anderson noong mainit ang isyu sa break up nito kay Bea Alonzo kung saan nakaladkad as third party ang anak n’yang si Julia Barretto.

Napag-usapan kasi nila ng comedian and vlogger na si Ogie Diaz sa two-part vlog nito na in-upload kahapon, June 3, ang mga bagay inihingi n’ya ng tawad kay Julia nu’ng nagkausap sila sa vlog nito kamakailan. 

Kabilang na nga dito ang mga hindi daw magagandang nasabi n’ya sa nobyo nitong si Gerald noong mainit pa ang isyu.

Dito na-curious si Ogie at nagtanong si Dennis kung ano ba ang nangyari sa pag-uusap na ‘yon nila ni Gerald. 

Di ba, natanong ko kay Gerald noon na, ‘S’yota mo pa ba si Bea?’ Sabi n’ya, ‘Hindi,’” pagbabalik-tanaw ni Dennis sa usapan nila ng binatang aktor. 

Humiling daw s’ya noon dito na kung wala na talaga sila ni Bea ay ipagtanggol n’ya sana si Julia dahil nababa-bash ito ng netizens. 

“Okay, para ‘wag naman lumabas na kontrabida ang anak ko, sabi ko, ‘Sana ipagtanggol mo [si Julia] in public,” pagpapatuloy ni Dennis. “Sabi n’ya, ‘Sige, tomorrow, Tito Dennis. Magbibigay ako ng interview.’ 

E, hindi daw natuloy the next day… Hindi ko alam ba’t hindi natuloy ‘yong interview na ‘yon.

Ang ikinainis daw n’ya ay nang mapanood ang interview ni Bea dahil lumalabas daw doon na hindi pa talaga officially break sila ni Gerald pero nanliligaw na ito kay Julia. 

“And then, nu’ng gabi na ‘yon, ‘yon ‘yong na-ambush interview si Bea,” dagdag pa ng komedyante. “Nasabi ni Bea na, ‘Hindi ko alam na wala na kami. Hindi naman s’ya [Gerald] tumawag…

“E, nanonood ako. Sabi ko, ‘Ay, mag-s’yota pa ‘to [sina Gerald at Bea].’” 

Doon na daw nagalit si Dennis kay Gerald.

Kasi feeling ko tinu-two time mo ‘yong anak ko, e. Siguro nabigla rin ako,” paliwanag n’ya. “Feeling ni Julia na, ‘Papa naman. Nag-reak ka na kaagad, e. E, hindi mo naman alam ‘yong tunay na istorya.’ Parang ganu’n.

Pero ngayon na humupa na ang isyu ay suportado naman daw n’ya sina Julia at Gerald. 

Nu’ng nalaman ko na sila [Gerald at Julia] na rin, sige, tanggap ko na ‘yan. Kung saan masaya ang anak ko, suportahan taka. ‘Yon na lang ‘yon. Kasi 24 [years old] na rin si Julia, e,” lahad pa ni Dennis sa interview.  

Paki-usap pa n’ya kay Gerald, “Mahalin n’ya lang ‘yong anak ko. Sana ‘wag mong lolokohin tsaka ‘wag mong sasaktan… 

Basta ang importante, mahal ka nu’ng anak ko, mahalin mo rin s’ya. Ngayon, kung hindi kayo magkasundo e maghiwalay nang maayos. Wala na lang bad mouth sa both side.”

For his daughter Julia naman, nasasaktan daw s’ya dahil patuloy itong naba-bash. 

E, s’yempre, may mga bashers pa rin, ‘di ba?” aniya. “May mga bashers pa rin doon sa dalawa dahil, s’yempre, hindi mo rin maaalis na may mga bashers dahil may mga tagahanga rin si Bea Alonzo. Meron ding tagahanga si Gerald nu’ng sila pa. Iba pa ‘yong tagahangga nila as a couple. 

“So, s’yempre, marami pa ring nagbaba-bash na hindi nila maunawaan bakit pinagpalit ni Gerald si Bea kay Julia. E, ganu’n ang buhay, e. Marami namang pangyayari sa buhay ng mga tao na ganu’n [na] ito ang mahal mo, eventually, you fall out of love.”

Nai-sample pa n’ya ang sarili na naranasan din daw na ma-fall out of love at ma-in love sa iba. 

E, ako nga naging ganu’n,” paghahalimbawa n’ya. “Nangyari nga sa akin ang ganu’n na ito ang mahal na mahal mo tapos na-fall out of love ka, na-in love ka sa iba. E, lalo sa kanila, ang babata pa nila, e, ‘di ba? Natural lang ‘yon.

Kaya lang, sometimes, ‘yong mga fans, mga diehard ‘yon, e. Hindi nila nauunawaan ‘yon. Siguro pagkatumanda sila at nag-mature sila, tsaka lang nila mauunawaan na… Oh, come on. Na-fall out of love s’ya du’n, na-in love s’ya rito, ‘yon lang ‘yon.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nagkaka-usap nang masinsinan ni Gerald pero maa-appreciate daw n’ya kung mangyayari ‘yon.  

Hindi pa kami nag-uusap mula nu’n,” sey pa ni Dennis. “Okey sa akin kung kakausapin n’ya ako… Kasi malaking bagay sa akin ‘yon. 

“It’s showing respect to the dad ng minamahal mo. Kasi mas mapapakita mo na mahal mo s’ya, ‘yong anak ko, kung ire-respeto mo ‘yong tatay n’ya. 

Ano bang pag-uusapan natin? Mahalin mo lang ‘yong anak ko. ‘Wag mo lang sasaktan. ‘Yon lang. Lalaki din naman akong kausap,” pagtatapos ni Dennis.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dennis Padilla, naiyak sa virtual conversation nila ni Julia Barretto; inaming kasalanan niya ang paghihiwalay nila ni Marjorie noon

Julia Barretto, inaming na-traumatize noon sa amang si Dennis Padilla; Dennis, sinariwa ang sakit na dulot ng attempt ni Julia na magpalit ng apelyido

Dennis Padilla, may tagubilin kay Gerald Anderson

Julia Barretto, gusto nang magka-pamilya “next year”?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.