Dennis Padilla, idinaan sa biro ang pangungulila sa pag-alala ng mga nanak na sina Julia, Claudia, at Leon noong Father’s Day

Hindi naman totally na-zero sa Father’s Day greetings si Dennis Padilla dahil nakatanggap naman s’ya ng pagbati mula sa iba pa n’yang mga anak.  Gaya na lang ng mga tsikiting na sina Gavin at Maddie na nakausap n’ya via video call.  Nag-thank you din s’ya sa dalawa pa n’yang anak na sina Diane at Luis.

PHOTOS: imdb.com & @dennisastig on Instagram

Hindi naman totally na-zero sa Father’s Day greetings si Dennis Padilla dahil nakatanggap naman s’ya ng pagbati mula sa iba pa n’yang mga anak. Gaya na lang ng mga tsikiting na sina Gavin at Maddie na nakausap n’ya via video call. Nag-thank you din s’ya sa dalawa pa n’yang anak na sina Diane at Luis.

Idinaan sa biro sa social media ng komedyanteng si Dennis Padilla ang kanyang pagdaramdam nang hindi umano s’ya nakatanggap ng greetings mula sa tatlo n’yang anak kay Marjorie Barretto nitong nagdaang Father’s Day.

Sa kanyang magkasunod na Instagram posts kahapon, June 22, pabirong nagpahayag ang aktor na mukhang nakalimutan ng mga anak n’yang sina Leon, Julia and Claudia na batiin s’ya sa Araw ng mga Ama noong June 19. 

Una niyang ipinost ang throwback photo nila ng binata na n’yang anak na si Leon. 

“Leon… You forgot to greet me last [S]unday… Hehe… Love you ingat… [praying hands and heart emojis],” saad ni Dennis sa inilagay n’yang caption.

SCREENSHOT: @dennisastig on Instagram

Sa kasunod na post naman ay ang photo ng dalawa n’yang anak na dalaga, sina Julia at Claudia. 

“Miss you both,” saad ni Dennis sa caption. “You forgot to greet me last [S]unday… Hehe!! Love you… God bless you more [praying hands and heart emojis].”

SCREENSHOT: @dennisastig on Instagram

At present ay burado na ang dalawang IG posts na ito ng aktor pero mabilis itong na-screenshot ng mga netizens kaya kumalat sa social media. 

Marami ang naantig sa post na ito ni Dennis dahil mukhang hindi nga ito naalala ng tatlo n’yang anak noong Father’s Day. 

Hindi naman lihim sa publiko ang away-bating relasyon n’ya sa mga anak n’ya kay Marjorie. 

Pero hindi naman totally na-zero ang aktor dahil nakatanggap pa rin naman s’ya ng pagbati mula sa iba pa n’yang mga anak. 

Gaya na lang ng mga tsikiting na sina Gavin at Maddie na nakausap n’ya via video call. 

“Gavin and Maddie... Miss you both... Ty sa Father’s Day greetings... Love you mga anak,” pahayag ni Dennis sa isa n’yang Instagram post kalakip ang screenshot photo ng video call nila. 

Ibinida pa n’ya ang Father’s Day greeting card na ginawa ni Maddie kung saan sinabi nito sa kanya na he is “the best Papa in the whole wide world.”

Nag-thank you din s’ya sa isa pang hiwalay na IG post para naman sa dalawa pa n’yang anak na sina Diane at Luis.

“@dianegbalmes @luweezyyyy salamat sa father's day greetings nyo... Love you mga anak,” pagtatapos ni Dennis.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, casualty na naman sa pa-interview ni Dennis Padilla

Dennis Padilla, aminadong nainis kay Gerald Anderson noon; pero tanggap na ito ngayon

Dennis Padilla, naiyak sa touching birthday message ni Kylie Padilla sa tatay nitong si Robin

Dennis Padilla, “rebuilding” his relationship sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto; may planong magkikita-kita ngayong Bagong Taon

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.