Dennis Padilla, naiyak sa touching birthday message ni Kylie Padilla sa tatay nitong si Robin

Nito lamang October 26, naging maingay ang pangalan ni Dennis matapos siyang mag-post ng quote ng aktres na si Ivana Alawi na may kinalaman sa pagpapatawad nito sa kanyang ama bago ito pumanaw. Ani Dennis sa kanyang post: “Great advise.”  Bagama’t maraming naki-sang-ayon kay Dennis, may mga netizens naman na minasama ito dahil tila nagpaparinig na naman daw sa mga anak nila ni Marjorie. Nag-spark ito ng debate sa comment section mismo ng post na iyon ni Dennis.

PHOTOS: @dennisastig & @kylienicolepadilla on Instagram

Nito lamang October 26, naging maingay ang pangalan ni Dennis matapos siyang mag-post ng quote ng aktres na si Ivana Alawi na may kinalaman sa pagpapatawad nito sa kanyang ama bago ito pumanaw. Ani Dennis sa kanyang post: “Great advise.” Bagama’t maraming naki-sang-ayon kay Dennis, may mga netizens naman na minasama ito dahil tila nagpaparinig na naman daw sa mga anak nila ni Marjorie. Nag-spark ito ng debate sa comment section mismo ng post na iyon ni Dennis.

Hindi naitago ng comedian na si Dennis Padilla ang pagka-touch sa heartwarming birthday message ni Kylie Padilla sa ama nitong si Robin.

Ngayong araw kasi, the Kapuso actress took to Instagram to express her gratitude and love for Robin, who is celebrating his 52nd birthday, through a creative poem kalakip ang photo nilang mag-ama na magkayakap.

Narito ang kabuuan ng komposisyon ni Kylie para sa kanyang tatay Robin: 

“Writing about you, I would have to do with the most expensive kind of ink
Irreplaceable, you knew me when I could not yet even think
And you taught me to give life’s battle a good effing fight
And I fight with all the strength I have
I know you in ways even I don’t understand, yet
It’s in the way we go quiet when we are sad, it’s loud
It’s in the way that we don’t speak, but we feel it
And the way I try to find you in people that I seek
It’s how I find comfort in just one touch
In an embrace I waited so long to grasp
For a moment I felt like I lost something
A something, a thing that only you could bring and it would be enough
Wounds have their own way of healing
And time is where it finds it’s truest meaning
In all the things I cannot say
All the games I no longer want to play
It’s the return to a girl I needed to face
I don’t want any precious memories to go to waste
So with this ink, I rewrite the story
One where I am thankful and I am sorry
I think it’s what you call maturity
Or maybe only now I understand how your prayers protected me
Love is a beautiful thing once it sets you free
So today I would just like to thank you for being a father to me.”

Pahabol pa ni Kylie sa kanyang IG post, “Happy birthday pa @robinhoodpadilla.”

Na-touch nito ang puso ng isa ring ama at nangugulilang anak na si Dennis na ipinost ang screenshot photo ng post ni Kylie sa kanyang sariling IG account. 

Kahit kasi naghiwalay ang mga magulang n’yang sina Robin at Liezl Sicangco ay nananatili kay Kylie ang respeto, pagmamahal at closeness sa mga ito. 

“Grabe... 😢😢😢 We love you anak... ❤️🙏 @robinhoodpadilla @genepadillaaaa @[email protected],” say ni Dennis sa inilagay n’yang caption. 

Pag-amin pa n’ya kay Kylie sa comment section, “Grabe anak.. Naiyak ako... Your father is a good man…” 

SCREENSHOT: ​​​​​@kylienicolepadilla on Instagram

Matatandaan na naging very vocal si Dennis na nami-miss n’ya ang mga anak n’yang sina Julia, Claudia at Leon sa dati n’yang misis na si Marjorie

Makailang ulit din s’yang nag-post sa Instagram ng mga throwback photos n’ya with his kids with Marjorie bilang tanda ng pangungulila n’ya sa mga ito. 

Nito lamang October 26, naging maingay ang pangalan ni Dennis matapos siyang mag-post ng quote ng aktres na si Ivana Alawi na may kinalaman sa pagpapatawad nito sa kanyang ama bago ito pumanaw.

Nakasaad sa quote card ni Ivana: “Advise ko sa inyo dapat habang buhay ang parents nyo o may kaaway kayo, wag n’yo nang hintayin na mawala ’yung tao. Just always forgive and love that person and give time.”

Ani Dennis sa kanyang post: “Great advise.” Kaagad niya itong dinugtungan ng “Miss my tatay,” pertaining to the late great comic, Dencio Padilla.

Bagama’t maraming naki-sang-ayon kay Dennis, may mga netizens naman na minasama ito dahil tila nagpaparinig na naman daw sa mga anak nila ni Marjorie. Nag-spark ito ng debate sa comment section mismo ng post na iyon ni Dennis.

Kinabukasan, muling nag-post si Dennis na ang laman naman ay larawan ng kanyang nasirang ama. And his caption read: “Namiss ko si tatay sa post ni @ivanaalawi... Regarding... Parents... Love u tatay!!! 🙏❤”

Ito na ang nagsilbing pahiwatig niya ang naka-relate siya kay Ivana hindi dahil sa pagiging tatay niya; kundi sa pagiging anak niya sa kanyang late dad na si Dencio Padilla.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.