Kahit hindi kasali sa cast ng Cain at Abel ang girlfriend ni Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado ay hindi pa rin naka-iwas ang GMA-7 drama king na sumagot sa ilang katanungan tungkol sa nobya.
Politely ay sinabi niyang hindi pa siya makapagbibigay ng date ng kasal nila pero definitely raw ay malapit na ito.
Sa ngayon ay mas inuuna muna raw nila ang papa-plano sa next trip nila kaysa sa kasal. Mahilig kasing bumiyahe ang magkasintahan at mas trip nilang puntahan ’yong hindi puntahin ng karamihan. Na-tick off na nila sa bucket list nila ang pagbisita sa Iceland at ang mga susunod raw ay mga mysterious places naman gaya ng Egypt at Peru dahil mahilig daw si Dennis sa ancient civilization.
Bukod pa roon ay mas tinututukan daw nila ni Jen ngayon ang kanilang bagong “baby” na isang baked-goods business na si Jen mismo ang nagtitimpla ng mga big-sized cookies bagamat marami na silang employed na baker. Kaya naman bukod sa pagiging magkasintahan ay business partner na rin daw sila ngayon.
Sa ngayon ay may three (3) variants pa lamang sila—ang original chunky cookie P199/piece; ang chunky chip walnut cookie (P249/pc), and chunky white choco chip macadamia cookie (P299/pc)—pero hindi na raw sila magkanda-ugaga sa dami ng orders lalo pa’t magpa-Pasko.
Nang mabuksan ang topic tungkol sa mga cookies ni Jen ay tila nagkaroon ng double-meaning ang mga tanong ng ilang members of the press kay Dennis gaya ng kung siya ba ang unang nakatikim ng cookie ni Jen at kung masarap ba ito. Bagama’t tila nae-embarrass ay magiliw na ring sinakyan ni Dennis ang mga tanong. Ayon sa intense actor na si Dennis, hindi lang daw basta masarap ang cookie ni Jen, kundi “nakaka-bitin” pa kaya daw nag-decide silang lakihan ang sizes ng bawa’t piraso. “Malaki ang cookie ni Jen,” natatawang sakay pa ni Dennis.
Here’s an excerpt from that fun interview: