Dennis Trillo, sa nagtatanong na baka “rock salt” at hindi “bubog” ang nakita sa pagkain ni Jennylyn Mercado: “Alam po namin ang pinagkaiba ng rock salt sa bubog.”

Umabot pala talaga sa bibig ni Jennylyn Mercado ang “bubog” na umano’y nahalo sa pagkaing in-order ni Dennis para sa kanya. “Buti hindi ko nalunok.”

Photos: @popoycaritativo / @mercadojenny / @dennistrillo

Umabot pala talaga sa bibig ni Jennylyn Mercado ang “bubog” na umano’y nahalo sa pagkaing in-order ni Dennis para sa kanya. “Buti hindi ko nalunok.”

Sa ngayon ay hindi na makikita sa Instagram feed ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang pinost nitong reklamo sa isang restaurant.

Sa naging Instagram post ni Dennis noong September 23 ng gabi, walang-duda na hindi nito nagustuhan at na-alarma siya sa natanggap na pagkain na in-order niya online para sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. May nakuha kasi si Jen na dalawang pirasong bubog na nakahalo umano sa pagkain. Ipinakita ito ni Dennis via a video post.

Ang dahilan kung bakit din daw niya ipinost ay para magbigay-warning at hindi na mangyari pa ito sa iba. Hindi rin daw kasi nagre-reply sa direct messaging sa Instagram ang food provider na in-orderan niya. 

Umaasa si Dennis na through his post ay baka makarating daw sa mga namamahala restaurant, na sinabi niyang nasa “Marikina Heights branch,” ang kanyang paghahanap ng kasagutan.

Ayon sa naging IG post ni Dennis: “Ayaw ko lang na mangyare pa sa iba ito…Since wala kayong contact number, at hindi kayo nag rereply sa IG message ko, Baka sakaling makarating na sa inyo ito…

24/7 SUPER HEALTHY Marikina Heights branch. Nag order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyare. Bakit may BUBOG sa pagkain niya????”

Nagkaroon din ng iba’t-ibang reaksiyon ang mga netizens sa post na ito ni Dennis. Marami ang nag-alala dahil paano raw pala kung hindi napansin at nakain nga ni Jennylyn ang sinasabing bubog.

Sinagot naman ni Dennis ang nag-comment sa kanya na baka raw “rock salt” lang at ’di naman bubog.

Napakaraming exclamation points at sad head emoticons ang naging reply niya.

“Alam po namin ang pinagkaiba ng rock salt sa bubog. Hindi masisira ang pasta, kung ASIN ang nakagat!!!!!!!” balik ni Dennis.

Sagot din naman ni Jennylyn, “Buti hindi ko nalunok.”

Bukas ang pikapika.ph sa management ng nabanggit na restaurant para naman sa panig nila.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.