Depensa ni Gabbi Garcia sa mga nag-akusang gumamit ng pro camera si Khalil Ramos sa concert ni Harry Styles: “Sadyang magaling lang talaga ang jowa ko.”

Matapos paliwanagan ni Gabbi Garcia ang nag-akusang netizen, agad naman itong nag-sorry at nangakong hindi na umano mauulit iyon.

PHOTOS: @TheKhalilRamos on Instagram

Matapos paliwanagan ni Gabbi Garcia ang nag-akusang netizen, agad naman itong nag-sorry at nangakong hindi na umano mauulit iyon.

Ipinagtanggol ng aktres na si Gabbi Garcia ang nobyo niyang si Khalil Ramos sa akusasyong gumamit daw ang aktor ng professional camera sa concert ni Harry Styles.

Maganda kasi ang quality ng mga in-upload na photos and videos ni Khalil na kinunan n'ya sa concert ng British singer-songwriter last March 14 sa Philippine Arena.

Dahil dito ay may mga naintrigang fans kung ano ang camera'ng ginamit niya. Meron din namang diretsahang nag-akusa sa aktor na gumamit ito ng professional camera sa concert kahit na ipinagbabawal ito sa mga ganu'ng event.

"[B]awal professional camera diba [Smiling Face with Open mouth and tightly-closed eyes emoji] hmmm cge," pahayag ng isang fan ni Harry sa Twitter na ang pinatutungkulan ay ang Kapuso actor.

To the rescue naman si Gabbi para ipagtanggol ang kanyang boyfriend.

"He took those photos using his phone. Edited it using the app 'Lightroom' [Winking face emoji]," pagtutuwid ng aktres sa akusasyon ng netizen.

Sumunod daw sila sa patakaran ng concert organizers. Artistic lang daw talaga si Khalil kaya't nagmukhang high resolution ang mga inilabas nilang photos and videos.

"[W]e all followed the rules na bawal ang 'professional' camera. Sadyang magaling lang talaga jowa ko @TheKhalilRamos," dagdag pa ng Mga Lihim Ni Urduja actress.

Naghamon naman si Khalil na bibigyan niya ng camera ang makapagpapatunay na nagdala nga siya ng professional camera sa concert.

"Hahahahaha if anyone can prove i brought a professional cam, bibigyan ko ng camera!! [Smiling face with open mouth and tightly-closed eyes emoji] but seriously, smartphone cameras are really good nowadays. You just have to learn how to use them [Winking face emoji]," pahayag ng aktor.

Isa namang fan ng celebrity couple na nakatabi nilang nanood ng concert ang nagsabing mapapatunayan nito na smartphone lang ang ginamit ni Khalil sa pagkuha ng photos and videos.

"PHONE CAMERA PO ANGGG GAMIT!! NANDUN AKO, KITA KO SIYA NAGTETAKE PHOTOS NI HARRY HEHEHE. NAKATABI KO KAYO ATE GABBI AND KUYA KHALIL!! HEHEHEHE HI [Yellow heart emoji]," saad nito sa kanyang tweet kalakip ang selfie photo nilang tatlo.

Agad namang nag-sorry ang nag-akusang netizen at nangakong hindi na umano iyon mauulit.

"[A]bout the 'professional camera' tweet, i am sorry po for accusing khalil of using dslr cam during hslot. i own up to my mistakes. it won’t happen again. [Growing heart and sparkles emojis] @TheKhalilRamos @gabbi," pahayag nito.

Maliban kina Khalil at Gabbi, naakusahan din ng pagsusungit at pang-iirap sa nasabing concert ang actress-director na si Bela ng isang fan na hindi niya mapagbigyan na makapag-take ng selfie photo kasama siya.

Depensa ni Bela, nalapagod din naman daw silang mga artista. At may mga kausap siyang kaibigan. Maaari din daw  na baka hindi naging maganda ang approach nito kaya di niya napagbigyan. Pinabulaanan niya ring nang-irap siya. Kalaunan ay nag-sorry din ang fan.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.