Derek Ramsay, muling dumipensa sa isyu ng breakup nila ni Andrea Torres: “I’ve always been honest.”

Derek Ramsay, muling dumipensa sa isyu ng breakup nila ni Andrea Torres: “I’ve always been honest.”

Dinepensahan ng aktor na si Derek Ramsay ang sarili matapos muling umugong ang issue kaugnay nang naging hiwalayan nila ng ex-girlfriend n’yang si Andrea Torres

Sa video ng virtual interview na inilabas ng gmanetwork.com kahapon, May 5, sinabi ni Derek na naging tapat lang s’ya sa pagsagot tungkol sa naging breakup nila ng aktres pero hindi naman daw n’ya idinetalye nang husto ang mga pangyayari. 

Matatandaan kasi na sinabi ng aktor sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa radio-online talkshow na Cristy FerMinute last April 20 na s’ya ang nakipagkalas noon kay Andrea at nangyari daw ‘yon habang magka-usap sila sa telepono. 

Magkaiba daw kasi sila ng values at ayaw nilang baguhin ang isa’t isa kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang isang taong relasyon. May hint din s’ya na ang pamilya ni Andrea ang isa sa rason ng kanilang paghihiwalay.

Hindi ito nagustuhan ng mga fans ni Andrea. 

Sa naging interview naman ng GMA News kay Andrea, hindi rin ito nagdetalye ng tungkol sa nangyaring breakup pero sinabi n’ya na iba daw version ng aktor sa alam n’yang totoong nangyayari.

“I honestly have a different memory of what transpired and who ended it,” pahayag ng Kapuso aktres sa nasabing interview. “But I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ thing.”

Dahil dito, muling nabuhay ang issue ng break up ng dalawa na bagama’t kapwa nagpipigil na idetalye ang lahat nang naganap ay tila nagsagutan naman sa kani-kanilang naging interview.

Heto nga’t dinipensahan ni Derek ang sarili matapos muling ulanin ng batikos mula sa netizens kahit na it’s been months mula nang magtapos ang relasyon nila ng Legal Wives actress.

“I’ve always been honest. I haven’t given the details [of breakup]” lahad n’ya sa vitual interview with gmanetwork.com. 

Inulit n’ya rin ang nauna n’yang sinabi noon na tungkol sa magkaiba nilang values ni Ada [palayaw ni Andrea].

“Yeah, it’s true. I’m not saying na mali sila. Kung narinig n’yo po ‘yong sagot ko, it’s more of values namin are very different,” paliwanag ng aktor.

“I’m not saying my values is better than her or hers are better than mine and mine is right or her is wrong or her is right and mine is wrong. 

“It’s just we were brought up differently. And that’s where the clash of… That’s what lead to the breakup because I don’t want to change her. She doesn’t want to change me.”

Gusto na daw n’yang matapos na ang issue na ‘to lalo na ngayong engage na s’ya sa girlfriend na si Ellen Adarna

Siguro nabanggit ko na kasi gusto ko na matahimik na lang, e, kasi I’m in a relationship now. I’m getting married,” ani Derek. 

“It’s hard to believe, ‘di ba, na I’m getting married so I just want that all over and done with.”

Pagpapatuloy pa n’ya, “I wake every morning to do all this stuff about that and I guess I want to put it to rest para matapos na. A lot of lies and a lot of hurtful things have been said about me, about my family. 

“I guess, kaya ko sinabi… Well, hindi ko sinabi. It was more of like…it was that moment, I guess, I was just very honest to Nanay Cristy [Fermin] who I trust naman very much. That’s why I answered her question,” pagtatapos ni Derek.

Matatandaan na November 16 last year nang napabalitang hiwalay na sila Derek at Andrea, na s’yang kinumpira naman ng aktor noong November 19.

At present ay engage na si Derek sa Cebuana actress na si Ellen Adarna habang nag-e-enjoy naman daw sa pagiging single si Andrea.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis, kinikilig kina Derek Ramsay at Ellen Adarna

Pops Fernandez sa pag-uugnay sa kanya kay Derek Ramsay: "Hindi po totoo....We don't talk to each other. We don't really text each other."

Andrea Torres breaks her silence on break-up with Derek Ramsay

Pika's Pick: Ellen Adarna’s “my boys,” Baby Elias and Derek Ramsay, are already deeply bonded

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.