Derek Ramsay, umaming siya ang unang “nakipagkalas” kay Andrea Torres over the phone

PHOTOS: @ramsayderek07 & @andreaetorres on Instagram

PHOTOS: @ramsayderek07 & @andreaetorres on Instagram

Umamin si Derek Ramsay na s’ya daw ang unang nakipag-break sa ex-girlfriend n’yang si Andrea Torres at naganap daw ‘yon habang magka-usap sila sa telepono.

Ito ang idinetalye ng Kapuso actor sa virtual interview sa kanya ni Cristy Fermin sa radio-online talkshow na Cristy FerMinute last April 20. 

Napag-usapan kasi nila ang mga latest ganap sa buhay ng aktor maging ang tungkol sa kanyang mga past relationships, kabilang na nga doon ang pagiging magkasintahan nila Andrea noon.

Ang pinagsamahan nila ni Andrea ang maituturing na pinakamabilis nagwakas kumpara sa iba nitong relasyon dahil umabot lang ‘yon ng isang taon.

At para matuldukan na daw ang mga agam-agam tungkol sa kontroberysal nilang break up ay diretsahang tinanong ni Cristy ang aktor kung sino ba talaga sa kanila ni Andrea ang nag-initiate na tapusin na ang kanilang relasyon. 

‘Yong sa amin ni Andrea… Actually, ako ‘yong… may problemang nangyari, I guess nagbigay [‘yon] sa akin ng sign na this relationship, our views on this, ‘yong problemang ‘yon, ‘yong values namin sa isa’t isa it’s not the same,” lahad ni Derek na hindi naman tinukoy exactly kung ano ‘yong naging problema nila. 

Paliwanag pa n’ya, “Hindi mali ‘yong values n’ya, hindi mali ‘yong values ko. Ganito ako pinalaki, ganu’n s’ya pinalaki. Hindi ko aatakihin ‘yon. Hindi ko s’ya babaguhin. Hindi rin n’ya ako babaguhin.”

Para sa kanya, mas mabuti daw na tapusin na ang kanilang relasyon kesa magsisi sila in the future kung ipagpapatuloy pa nila ito.  

“So I told her, ‘I think this the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter,’” pagre-recall ng aktor. “‘So I think it’s best if we just, you know, kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa [ang problema]. Then two, three years down the road maghihiwalay tayo. Babalikan natin ‘to kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan.’”

At sa puntong ito na inamin ni Derek na s’ya ang nakipag-break sa aktres. 

“It’s a waste of time and it’s a waste of effort. Masakit, ‘di ba?” tanong n’ya. “Ayon, ako ‘yong nakipagkalas. Sabi ko, I think it’s best [na maghiwalay na lang] and she agreed. Ako ‘yong nag-bring up and she agreed.”

Na-curious naman ni Cristy kung paano ito nagaganap kaya tinanong n’ya si Derek kung harap-harapan ba n’ya itong sinabi kay Ada [nickname ni Andrea].

Dito na n’ya isiniwalat na nangyari ang lahat habang magka-usap sila sa phone, na pinagsisisihan daw n’ya dahil hindi sila nakapag-usap nang personal.

Hindi. Sa phone po namin [pinag-usapan],” sagot ni Derek. “‘Yon lang… Siguro kung may regret ako is that it came up over the phone. Actually, dapat magkikita kami noon [pero] it came up over the phone.”

Paglilinaw pa n’ya, “Pero with no disrespect. Wala kaming ano… Hindi namin dinesrepect ang isa’t isa. She agreed to it also.”

Sinubukan din daw n’yang kausapin ang mga magulang ng kanyang dating nobya that very moment na naghiwalay sila. 

Nag-ano pa nga ako kung p’wede ko maka-usap ‘yong tatay at kinausap ko din naman ‘yong nanay [ni Andrea],” pagbabaliktanaw ni Derek. “‘Yong sa tatay, sinabi lang nu’ng dad n’ya there’s no need na. It’s okay. 

Pero ‘yon nga, ‘yong mom n‘ya nakausap ko at ‘yong mom ko nag-text sa mommy ni Andrea kasi lahat naman kami nag-invest dito, e. 

"We are all invested. Every Sunday nagdi-dinner po ang both families [namin] dito sa bahay. So there’s no disrespect between me and Andrea and our families.”

Sa sagot na “oo” lang o “hindi,” natanong din ni Cristy si Derek kung may kinalaman ba ang family ni Andrea sa paghihiwalay nila ang aktres. 

Saglit na natigilan si Derek at napa-isip kaya muli s’yang kinulit ng beteranang showbiz writer. 

Opo,” matipid namang tugon ng aktor. 

Sa ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Andrea sa breakup nila ni Derek at sinabi sa kanyang mga naging interviews na hindi pa s’ya handang makipagrelasyon uli sa ngayon. 

Si Derek naman ay happily engaged na sa Cebuana actress na si Ellen Adarna.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis, kinikilig kina Derek Ramsay at Ellen Adarna

Pops Fernandez sa pag-uugnay sa kanya kay Derek Ramsay: "Hindi po totoo....We don't talk to each other. We don't really text each other."

Andrea Torres breaks her silence on break-up with Derek Ramsay

Pika's Pick: Ellen Adarna’s “my boys,” Baby Elias and Derek Ramsay, are already deeply bonded

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.