Derrick Monasterio, bumili nga ba ng lote sa Tagaytay?

PHOTOS: @derrickmonasterio on Instargram

PHOTOS: @derrickmonasterio on Instargram

Mukhang masaya ang celebrity hunk na si Derrick Monasterio sa bago n'yang investment.

Sa latest post kasi n'ya sa Instagram kahapon, January 14, makikitang happy ang Kapuso actor na nasa gitna ng pineapple plantation habang sa isang photo naman ay makikita s'yang nasa gitna ng isang madamong lote habang nakadipa at nakatingala sa langit. 

"I guess dreams really do come true #2nd #tags" sey ni Derrick sa caption na may kasama pang house and mountain emojis. 

Ayon sa Instagram location tag, sa Tagaytay City sa Cavite kinunan ang photos kung saan s'ya marahil nakabili ng lupa. Dahil isa ang Tagaytay sa top tourist destinations sa bansa kaya tiyak na milyones ang benta ng mga lupa dito.

Kaya naman dinagsa ng congratulatory messages ang comment section ng post ng aktor mula sa kanyang Beautiful Justice co-stars na sina Gabbi Garcia and Gil Cuerva, at ilan pang malalapit na kaibigan sa showbiz. 

SCREENSHOT: @derrickmonasterio on Instagram

Samantala, mapapanood si Derrick bilang co-host nina Jose Manalo at Kakai Bautista sa upcoming reality talent competition na Catch Me Out Philippines sa February sa GMA-7.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Juancho Trivino, kaya raw higitan ang pagiging daring ni Derrick Monasterio

Kakai Bautista, binalikan ang “traumatized” episode ng buhay niya with Ahron Villena at kung paano sila nagkabati nito

Inside Gabbi Garcia’s modern tropical home

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.