Derrick Monasterio gustong makatambal sa isang “wilder at mas daring” na project ang long-time secret crush na si Jessy Mendiola

PHOTOS: @derrickmonasterio & @senorita_jessy on Instagram

PHOTOS: @derrickmonasterio & @senorita_jessy on Instagram

Long-time celebrity crush pala ni Derrick Monasterio ang aktres na si Jessy Mendiola at game daw s’yang maka-partner ito sa isang wilder and mas daring na project. 

Inamin ito ng Kapuso star kagabi, May 6, nang mag-guest s’ya online show ng showbiz news writer na si Allan Diones na Tonight With Allan Diones (2WAD) on YouTube.

Napag-usapan nila virtually ang nag-trending na underwear photos ng aktor para sa summer campaign ng Bench Body. 

Thankful si Derrick na bagama’t hindi daw talaga s’ya well-prepared bago naganap ang photoshoot ay maganda ang kinalabasan ng mga photos at nagustuhan ‘yon ng mga fans.

Natanong rin ang 25-year-old celebrity hunk ng mga personal and daring questions sa show. 

Base sa kanyang mga sagot, mas gusto daw ni Derrick ang magsuot ng boxers over briefs, large ang kayang underwear size, 32 inchesang  pants waist size, and eleven inches naman ang size ng sapatos. 

The actor also considers his eyebrows as the sexiest part of his body. And proud daw s’ya sa kanyang upper back na genetically ay nakapormang “V” ever since. 

Inamin din ni Derrick na he was 17 years old nang mawala ang kanyang “v-card.”

Natanong din ang actor-model and singer nang walang kamatayang lights on or light off.

Depende,” natatawang sagot ni Derrick. “Depende kung nakaka-improve.

Sa tanong na sex o Wi-Fi, mas pinili n’ya ang Wi-Fi.

Paliwanag n’ya, “Kasi sa Wi-Fi marami kang p’wedeng gawin, ‘di ba? Mas malawak ang coverage.”

Nonetheless, the best time for sex for this hunk ay Sunday morning.

Kasi relaxation day ‘yon, e. ‘Yon ‘yong day na usually wala kang ginagawa,” aniya. “Gigising ka nang kahit na anong oras mo gusto.

Pero sa ngayon daw ay “lockdown” ang best word to describe his sex life. 

And speaking of lockdown, isa pa sa naitanong kay Derrick ay kung sino ang nag-iisang tao na pipiliin n’yang makasama kung sakaling ma-lockdown s’ya sa isang isla. 

Mahirap ‘yan, Kuya Allan pero siguro…Brooke Shields,” sagot n’ya. “Napanood mo ba ‘yong [The] Blue Lagoon? Napanood ko po ‘yon tapos ini-imagine ko ako ‘yong kasama ni Brooke Shields doon.

At dahil nga 1980s pa pinalabas ang American romantic survival drama film na The Blue Lagoon ay humirit si Allan kay Derrick na magbigay pa ng ibang name na ka-generation n’ya. 

Sa ngayon siguro…sino ba? Gusto ko kasi parang mauutos-utusan ko rin to do difficult job,” lahad ng aktor. “S’yempre kapag nasa isla ka parang ang main priority mo is to survive, hindi naman magparami. So kailangan marunong umakyat ng buko. Malakas…”

S’ya ang aakyat [ng buko] for you? Hindi ikaw?” naka-high-pitched na tanong ni Allan na medyo naloka sa kanyang sinabi. 

Opo. Malamang, lalaki ang isasama ko, Kuya Allan,” pagbibiro ni Derrick na ikinatawa na lang ni Allan sa kabilang linya. 

Hindi ganu’n. S’yempre, [‘yong p’wedeng maging] partner na din. Hello?” muling hirit ng showbiz news writer. 

Sa puntong ito na inamin ni Derrick ang kanyang long-time celebrity crush. 

“So, babae na kasama sa island? O, sige. Sasagutin ko na. [Si] Jessy Mendiola siguro,” pag-amin n’ya. “Matagal ko na pong crush ‘yon, e. Una ko s’yang nakita sa Greenhills [nu’ng] hindi pa ako artista. Sa Time Zone. Wala, e. [Na-]starstruck lang ako nu’ng nakita ko [s’ya].”

Natatawang pag-amin pa ng Kapuso actor, crush pa rin daw n’ya ang aktres kahit recently lang ay ikinasal na ito kay Luis Manzano

Mahilig kasi ako sa medyo curvy. And ang ganda lang ng skin n’ya. Tapos ang sweet ng smile n’ya,” dagdag pa ng Catch Me Out Philippines co-host. 

Sa pagpapatuloy naman ni Allan, “Ang next kong question, ‘Who is your biggest crush?’ So si Jessy na ‘yon?

“Yes,” straightforward na sagot ng binatang aktor. 

Natanong pa si Derrick kung game ba s’yang gumawa ulit ng project pero level up ang pagka-wild and daring sa kesa sa Wild and Free movie nila ni Sanya Lopez na ngayon ay nasa Netflix na.

“Game, Kuya Allan,” sey n’ya.

Kung ikaw ang papipiliin ng partner, sino ang pipiliin mong partner?” kasunod na tanong ni Allan. 

“Jessy Mendiola,” mabilis na sagot ni Derrick.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Derrick Monasterio, bumili nga ba ng lote sa Tagaytay?

Juancho Trivino, kaya raw higitan ang pagiging daring ni Derrick Monasterio

Sanya Lopez, hindi pa ready'ng i-give up ang virginity

Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.