Derrick Monasterio, sa Amerika magpa-Pasko para um-attend ng kasal ng inang si Tina Monasterio

Nabanggit ni Derrick na kasama niya sa pagba-bakasyon sa America ang kanyang BFF na babae. Pero nilinaw nitong best friend niya lang ito talaga. May “inspirasyon” umano siyang iba pero ayon kay Derrick, mas gusto raw niyang pribado muna ngayon ang lovelife niya.

Photos: @derrickmonasterio

Nabanggit ni Derrick na kasama niya sa pagba-bakasyon sa America ang kanyang BFF na babae. Pero nilinaw nitong best friend niya lang ito talaga. May “inspirasyon” umano siyang iba pero ayon kay Derrick, mas gusto raw niyang pribado muna ngayon ang lovelife niya.

Ibinalita ng Kapuso Hunk Actor na si Derrick Monasterio na ikakasal ang kanyang ina, si Tina Monasterio sa U.S.A. sa January 2022. Kaya sa U.S. na raw sila magdiriwang ng Kapaskuhan.

Ang mommy ni Derrick ay dating actress at beauty queen noong late 70’s. Filipino rin daw ang mapapangasawa nito at masaya naman si Derrick para sa mommy niya.

“Actually, nagulat din ako, nagulat din akong talaga,” lahad niya.

“Pero, happy ako, happy ako… kasi nagbago talaga ang mood ng mom ko. Nasa bahay, kung paano siya sa amin? Wow. Basta, iba. Iba ang mood niya. Mas mukha siyang bumata.

“So, do’n masasabi kapag parang in-love, kapag fresh ka at blooming ka palagi. ’Matic ’yun,”  lahad ng bida ng Daig Kayo ng Lola Ko’s Oh My Oppa.

Ani Derrick, wala daw siyang idea sa lumalalim na pala ang relasyon ng kanyang mom sa kanyang future stepdad. Ginulat nalang daw siya nito isang araw via a photo na sinend nito at wala nang paalam na naganap.

“Alam mo kung ano ang weird? Nag-send na lang siya ng picture ng engagement ring,” natatawang k’wento niya.

“Walang paalam-paalam. So, parang, wow, akala ko nga pina-prank lang ako at binili lang sa Time Zone or whatsoever. Pero hindi, totoo, e.

“Tapos, may date na rin siya. So, naka-set na talaga [ang wedding].”

Nabanggit din ni Derrick na kasama niya sa pagba-bakasyon sa America ang kanyang BFF na babae. Pero nilinaw nitong best friend niya lang ito talaga.

May “inspirasyon” umano siyang iba pero ayon kay Derrick, mas gusto raw niyang pribado muna ngayon ang love life niya.

“Siguro, meron akong conscious effort na hindi siya i-out. ’Yun ’yon. Siguro kasi, kilala rin siya,” natatawang bigay-clue ni Derrick.

“Basta ang masasabi ko lang, pinapasaya niya ko ngayon. Hindi ko sinasabing ‘kami’ pero pinapasaya niya ko,” dagdag pa niya.

So, bakit hindi ang babaeng nagpapasaya sa kanya ang isasama niya sa Amerika?

“Wala siyang visa, e,” pagtatapat niya. “Dapat nga isasama ko. Kaya lang hindi nakakuha ng visa. Next year pa ang application, so ’yun.”

Sa isang banda, kasama ni Derrick sa Daig Kayo ng Lola Ko’s Oh My Oppa sina Sanya Lopez at Gil Cuerva. Si Derrick ang gumaganap sa role na Toti, kaibigan at co-worker ng karakter naman ni Sanya bilang si Grace. Pero ang masaklap, wala kay Derrick ang mga katangian ng perfect man o oppa ni Grace.

At dahil ilang beses na rin nagkasama sa iba’t-ibang proyekto sina Derrick at Sanya, masasabi ngang mas kilala na niya ang leading lady.

Pinaka-surprising sa akin is hindi siya nagbago,” saad ni Derrick. “’Yun ang number one. Despite all of her success, despite all of her achievements... Lahat nang naipundar niya... nakikita ko si Sanya ngayon na same na same na same. Mas humble pa nga siya ngayon.”

Nasasabi raw ito ni Derrick dahil marami na rin daw siyang nakitang mga artistang nang sumikat na ay nagbago ang ugali.

“Kasi 90% ng entertainment industry natin, kapag nakakaranas ng konting success, lumalaki ulo, yumayabang.

“Iilan lang sina Sanya, sila Alden [Richards] na hindi nagbabago na tao and I look up to them and I’m very proud of them.”

Tinanong tuloy namin si Derrick kung siya ba, nagbago?

“Siguro konti,”  pag-amin niya. “At least ako, aware. Kasi, may mga taong hindi aware and I’m trying to work on that. Alam mo ‘yung hindi naman ako yumabang, pero mas nagiging grumpy lang ako minsan.

“Siguro sa stress, sa pagod, pero at least alam ko at binabago ko. At saka as much as possible, mas aware ako. At ginagawan ko ng paraan para mabago.”

Mapapanood na every Sunday night of November ang Daig Kayo ng Lola Ko’s Oh My Oppa sa GMA-7.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.