Desiree del Valle, “mayabang” ang first impression sa mister niyang si Boom Labrusca; Boom, nabighani naman sa “exotic look” ni Desiree

At present ay three years nang mag-asawa sina Boom Labrusca at Desiree del Valle after nilang magpakasal sa California noong 2018. Last October naman ay winelcome nila ang kanilang first baby na si Alexander Sebastian.

PHOTOS: @boomeey on Instagram

At present ay three years nang mag-asawa sina Boom Labrusca at Desiree del Valle after nilang magpakasal sa California noong 2018. Last October naman ay winelcome nila ang kanilang first baby na si Alexander Sebastian.

Hindi daw naging maganda ang first impression ng aktres na si Desiree del Valle sa mister niya ngayong si Boom Labrusca noong unang beses silang magkita. 

Inamin n’ya ito nang maging guests silang mag-asawa sa episode ng Kapamilya morning show na Magandang Buhay—hosted by Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, and Karla Estrada—ngayong araw, December 2.

Nu’ng una ko talaga s’yang na-meet, yabang na yabang ako sa kanya,” pag-amin ni Desiree sa show. 

“[Nasa] workshops kami nu’n ng Star Circle Batch 7, sila Star Circle Batch 5. Pagka kita ko talaga sa kanya nu’ng unang-una, sabi ko, ‘Gosh! Ang yabang ng taong ’to.’ I swear. Ganu’n.

Depensa naman ni Boom, naatasan daw kasi sila noon na maging moderator kaya naging ganu’n daw ang approach n’ya. 

Kasi ginawa kaming moderator. Ewan kung naaalala n’yo pa si Ms. Beverly Vergel. Sa mga batch kasi pag gumag-graduate ka, ’yong mga medyo magaling daw umarte sila daw ’yong [ginagawang mentor],” saad ng aktor who is incidentally celebrating his birthday today.  

S’yempre, hindi naman ako p’wede maki-tsika-tsika sa kanila kasi nga wino-workshop mo, ’di ba? Baka naging ganu’n ’yong dating ko,” pagpapatuloy pa n’ya. 

Tapos nu’ng bata-bata ako hindi lang talaga ako ma-tsika na tao. S’yempre, ’di ba, ayaw mo namang ma-misinterpret ka ng mga tao na ‘Uy, feeling naman nito.’ Ganu’n lang kaya tahimik lang ako.

Kung nayayabangan daw si Des sa kanya ay baliktad naman daw ang naramdaman n’ya para dito dahil na-attract na daw s’ya sa ganda ng aktres noon pa man. 

“Crush ko s’ya, e. Kasi Am[erican] Girl ’yong dating n’ya,” lahad ni Boom sa show. “And during the 90s, ’di ba, ’yon ’yong parang mga It Girl. Parang… ‘Oh, taga-States ’to, ah.’ Ganu’n ’yong dating saka kulot-kulot ’yong buhok n’ya. Tapos morena pa s’ya nu’ng time na ’yon. Sabi ko, ‘Wow!’ Mahilig ako sa ganu’n, e…mukhang exotic.”

Napa-reak naman si Melai sa sinabi ng aktor na “mukhang exotic” na ikinatawa nilang lahat. 

Kaya naman napilitan pang magpaliwanag si Boom. 

Kasi may pagka-Kano ’yong taste ko, e. Mahilig ako sa exotic. Ayoko ’yong simpleng tisay. Ayoko ’yong simpleng Pinay. Gusto ko kakaiba,” aniya.

Maraming maganda lalo na sa Pilipinas, ’di ba? Kasi pag nakakita ka naman ng magaganda…parang mga lalaki, pag basketball players maraming matangkad. Pero hihintayin mo pa sila maglaro. Titingnan mo pa kung sino ang magaling,” pag-a-analogy pa ng aktor. 

Nagsimula naman daw sila maging close ni Desiree nang magkasama sila sa isang project na kinunan sa Batangas. Nagpaka-gentleman daw kasi siyang  payungan ang aktres noong kinailangan nitong gumamit ng portalet. 

Nagti-taping kami sa [tabing] dagat, sa Laiya. Laging umuulan,” pagre-recall pa niya. “Naawa naman ako sa kanya na nauulanan naman s’ya. Kasi, s’yempre, pagod na ’yong mga tao, walang magpa-payong. So, kinuha  ko ’yong payong. Pinayungan ko na s’ya.” 

Sey naman ni Desiree, “Gentleman talaga s’ya. Sabi n’ya, ‘Samahan na kita mag-portalet. Payungan kita...’

Ano ’yon ha, walang halong malisya,” paglilinaw ni Boom. “Naano lang ako na, ‘Uy, nakakaawa naman ’to.’

Kasi wala s’yang PA (personal assistant) nu’n, e, driver lang. Pagod na rin ’yong tao nu’n. Madaling araw na ’yon at umuulan. ‘Sige, ako na lang muna [ang magpapayong.]’ Tapos, siningil ko na lang s’ya ng 500 [pesos],” pagbibiro pa n’ya.

Pero kahit nakakuha na ng pogi points ay itinago pa rin ng aktor ang pagkaka-crush n’ya kay Des.

Hindi ko inaamin sa kanya na crush ko s’ya. Pag crush ko ’yong tao never mo malalaman na crush kita,” saad ni Boom. 

“Assuming lang ako,” natawang hirit naman ni Desiree. 

At present ay three years nang mag-asawa sina Boom at Des after nilang magpakasal sa California noong 2018. Last October naman at winelcome nila ang kanilang first baby na si Alexander Sebastian.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.