Dianne Medina, nananawagan na wag mag-sensationalize ng balita

PHOTOS: @dianne_medina on IG

PHOTOS: @dianne_medina on IG

Isa si Dianne Medina sa featured stars sa upcoming advocacy film na OFW The Movie directed by Neal Tan. 

Ayon kay Dianne, importante na mapanood ng mga OFWs (Overseas Filipino Workers) ang pelikula dahil ito ay inaalay para sa kanila.

“Ang mga OFWs natin ay itinuturing na mga bagong bayani. Based on true stories ang kwentong inilalahad namin sa pelikula at ang objective namin ay maka-inspire hindi lang sa mga OFWs kundi pati na rin sa mga relatives nila,”pahayag ni Dianne at the recent presscon of OFW The Movie.

Ayon pa sa kanya, gusto raw nilang iparamdam sa mga kababayan nating OFWs na hindi sila nag-iisa. Gusto rin i-emphasize ng  pelikula ang kahalagahan ng pagdalo sa seminar ng isang OFW bago siya umalis ng bansa.

“Minsan kasi hindi alam nu’ng OFW ang culture ng bansa na pupuntahan niya,” saad ni Dianne. 

“Kaya para maiwasan na magkaroon ng misunderstanding. Kaya ipinakita namin sa movie na importante ang dumalo sa seminar para mabigyan ang OFW ng babala para makaiwas sa abuso habang nasa ibang bansa.”

With the movie, hangad rin daw nina Dianne na mabawasan ang negative news tungkol sa ating mga OFWs. Madalas daw kasi na ang balita tungkol mga OFWs ay masama o kaya ay malungkot. Gusto naman daw ng OFW The Movie na mag-focus sa positive side ng pagiging OFW.

“Marami naman tayong kwento ng successful stories of OFWs  at ‘yun ang gusto namin i-highlight sa movie,” dagdag pa ni Dianne. 

Bukod sa paggawa ng pelikula at paglabas sa mga TV shows, nagtratrabaho rin si Dianne bilang field reporter sa Radio-TV Malacanang.

Ang isang hiling lang Dianne, bilang taga-radyo na rin, ay sana raw huwag i-sensationalize ang balita, lalo na pag negative news. Sana raw tama ang mga detalye lalo na pag sine-share na sa social media.

“We know how powerful social media is right now and kung magsi-share man tayo ng balita, sana  alam natin na ito ay makatutulong at hindi natin ito ginagawa para mag-sensationalize ng balita.”

Ang OFW The Movie ay tinatampukan din nina Sylvia Sanchez, Christian Vasquez, Rafael Rosell, Kakai Bautista, Dave Bornea, at Uno Santiago. 

Ito ay produced ng Active Media Events Company and co-produced by Kate Brios, Roger Umpa, Lalaine Pirote at Maylene Enriquez,
Magkakaroon ito ng premiere night on June 8, 6pm, sa SM Megamall Cinema 4. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil sa pagdalo sa pa-dinner ni President Duterte, Toni Gonzaga, na-bash nang bongga. “But they’re all free to say what they want to say. And I respect that.”

ONLINE EXCLUSIVE! James Reid withdraws from Pedro Penduko

Sue Ramirez, napa-akting nang todo; ayaw mapahiya sa mag-asawang Buencamino

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.