Diego Gutierrez at Rayver Cruz, kapwa devastated sa pagkamatay ng idolong si Kobe Bryant

“Si Rayver nagti-text sa akin sobrang lungkot daw niya,” dagdag-kwento ni Diego. “Ang dami niyang message sa akin. Tinawagan pa niya ako. Sobrang lungkot niya. Hindi daw siya makagalaw... kasi ano, e, tulog pa si Ate Janine... kaninang mga 10 [am] na siya nagising, so naunang tumawag sa akin si Rayver. “Sabi niya, dapat lumabas daw kami para i-celebrate ’yong life ni Kobe...Siguro manonood kami ng lahat ng highlights ni Kobe buong araw.”

Photos: Anna Pingol, Twitter, & Instagram

“Si Rayver nagti-text sa akin sobrang lungkot daw niya,” dagdag-kwento ni Diego. “Ang dami niyang message sa akin. Tinawagan pa niya ako. Sobrang lungkot niya. Hindi daw siya makagalaw... kasi ano, e, tulog pa si Ate Janine... kaninang mga 10 [am] na siya nagising, so naunang tumawag sa akin si Rayver. “Sabi niya, dapat lumabas daw kami para i-celebrate ’yong life ni Kobe...Siguro manonood kami ng lahat ng highlights ni Kobe buong araw.”

Nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagkamatay ng basketball legend na si Kobe Bryant at ang trese anyos na anak nitong si Gianna dahil sa aksidente sa California ngayong araw.

Mahilig man sa basketball o hindi ay nakaramdam ng panlulumo dahil sa balita. 

Pero mas malalim ang sugat sa puso ng mga lehitimong umiidolo kay Kobe gaya ni Diego Gutierrez, ang basketbolistang anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Ani Diego, kasabay ng pagsilang niya (1996) ang pagsisimula ng basketball career ni Kobe at lumaki raw siyang tinitingala ito.

“He started playing in the NBA (National Basketball Association) the year I was born. Kaya I really grew up watching and idolizing him. Kaya ako nag-basketball dahil sa kanya.”

Nakausap namin si Diego kaninang tanghali, January 27, nang dumaan ito sa contract signing ng inang si Lotlot na bahagi na ngayon ng stable of talents ni Leo V. Dominguez, na siya ring nagre-represent kay Janine Gutierrez.

“Kaninang umaga pag gising ko ang daming nag-message sa akin, kasi alam ng friends ko na idol na idol ko si Kobe,” patuloy na k’wento pa ni Diego, na miyembro ng Quezon City Defenders team, isa sa mga koponan ng National Basketball League of the Philippines (NBLP).

Agad daw siyang nag-post sa Twitter na heartbroken siya at sinundan pa niya ng isa pang post na sana raw ay panaginip lang ang lahat.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala...Parang, ‘Totoo ba? Totoo ba?’”

Hindi rin itinanggi ni Diego, who is now 23, na literal na umiyak siya kaninang umaga.

“Naiiyak pa rin ako [ngayon],” pag-amin niya ulit.

 

 

 

Apat na beses na raw niyang napapanood si Kobe in person. At kahit hindi daw iyon mga official games sa NBA kundi mga ceremonial games lang ay okay lang daw.

“Every time na pumunta siya dito [sa Pilipinas], nakapunta ako sa lahat ng games niya...siguro lahat ng punta niya dito except ’yong pinaka-una kasi ’yong pinaka-una niyang punta wala pa akong one year old [noon.]” 

Sayang nga lang daw at never siya nagka-chance ma-meet ito nang malapitan para maka-selfie o makamayan man lang.

Ayon pa kay Diego, na nagtuturing talaga kay Kobe bilang personal hero niya, ay napakalaki nang nagawa nito sa buhay niya kahit hindi niya ito nakilala o nalapitan man lang.

“’Yon nga, e, kasi parang kahit hindi naman ko siya kilala in person, hindi naman niya kilala kung sino ako, parang sobrang laking impact niya sa buhay ko. Kasi [my] love for basketball, sa kanya talaga nanggaling, e. At saka ’yong hard work niya, ’yong Mamba mentality niya...na lagi nilang sinasabi na parang you just always give it your all whatever you do. That’s why everyone is so hurt. If you look at Twitter, Instagram, lahat ng mga NBA players, lahat ng artista...”

Highlight sa buhay ni Diego bilang fan ni Kobe Bryant ang pag-follow-back sa kanya ng idolo sa Twitter noong 2013. Ipi-nost pa niya ito maging sa Instagram sa sobrang saya niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego Gutierrez (@diegogutz08) on

 

Incidentally, fan na fan din ng 41-year-old basketball legend ang boyfriend ng Ate Janine Gutierrez niya na si Rayver Cruz. Devastated din daw ito at ayon kay Diego, ito ang isa sa mga unang callers niya kaninang umaga para maghinga ng sakit na nararamdaman.

“Si Rayver nagti-text sa akin sobrang lungkot daw niya,” dagdag-kwento ni Diego. “Ang dami niyang message sa akin. Tinawagan pa niya ako. Sobrang lungkot niya. Hindi daw siya makagalaw... kasi ano, e, tulog pa si Ate Janine... kaninang mga 10 [am] na siya nagising, so naunang tumawag sa akin si Rayver.

“Sabi niya, dapat lumabas daw kami para i-celebrate ’yong life ni Kobe...Siguro manonood kami ng lahat ng highlights ni Kobe buong araw.”

Sa sariling post nga ni Rayver ay naihalintulad niya pa ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng idolo sa sakit na naramdaman nang pumanaw ang kanyang ina last year.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.