Diego Loyzaga sa pagkakadawit ng nobyang si Barbie Imperial sa pa-blind item ni Xian Gaza: “It’s just noise.”

Sa nasabing post, entitled BLIND ITEM BY XIAN GAZA, sinabi nitong isang aktres daw mula sa Star Magic ang third party sa hiwalayan ng dalawang sikat na social media influencers. Dahil sa mga ibinigay nitong kasunod na clues, pinaghinalaan ng netizens na si Barbie Imperial umano ang tinutukoy na third party.

PHOTOS: @OfficialDiegoLoyzaga & @christianalbertgaza on Instagram

Sa nasabing post, entitled BLIND ITEM BY XIAN GAZA, sinabi nitong isang aktres daw mula sa Star Magic ang third party sa hiwalayan ng dalawang sikat na social media influencers. Dahil sa mga ibinigay nitong kasunod na clues, pinaghinalaan ng netizens na si Barbie Imperial umano ang tinutukoy na third party.

Pinalagan ng aktor na si Diego Loyzaga ang mga pang-iintriga sa kanila ng nobya n’yang si Barbie Imperial kasunod ng cryptic post ng internet personality na si Xian Gaza.

Inuugnay kasi silang magkasintahan sa now-viral blind item post ni Xian na ipinost nito kagabi, November 16, sa Facebook. 

Sa nasabing post, entitled BLIND ITEM BY XIAN GAZA, sinabi nitong isang aktres daw mula sa Star Magic ang third party sa hiwalayan ng dalawang sikat na social media influencers.

Nahuli daw kasi ng babae ang nobyo nito sa akto sa hotel kasama ang isang aktres na diumano ay isang Star Magic artist.

Narito ang kabuuang blind item ni Xian in all caps:

“SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?!

“ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL... AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK. 

“AFTER MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA! 

“OMG NAKAKALOKA MAAARSSS!!! HINDI KO KINAYA MYGAAAHD! SINETCH ITEY??”

 

— BLIND ITEM BY XIAN GAZA — SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS...

Posted by Christian Albert Gaza on Tuesday, November 16, 2021

Bagama’t walang pinangalanan dahil blind item nga, naghinala ang netizens na ang tinutukoy daw na social media influencers ay ang vloggers and online gamers na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao na recently ay napabalitang naghiwalay. 

Sa kasunod n’yang post, bumati ng good night si Xian sa lahat pero hindi daw doon kasama ang aktres na si Barbie

“Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial,” aniya sa kanyang post. 

 

Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial.

Posted by Christian Albert Gaza on Tuesday, November 16, 2021

Nagpost pa s’ya ng screenshot photo ng news tungkol sa celebrity couple at sinabing, “HOW SWEET NAMAN... VERY STRONG RELATIONSHIP.”

 

HOW SWEET NAMAN... VERY STRONG RELATIONSHIP.

Posted by Christian Albert Gaza on Tuesday, November 16, 2021

Dito na naghinala ang netizens na baka si Barbie daw ang tinutukoy ni Xian na artista ng Star Magic. 

Ngayong araw naman, November 17, binati uli ni Xian ang social media followers n’ya. Gaya ng ginawa n’ya kay Barbie, hindi rin daw kasali sa greeting na ’yon si Diego.

“Just woke up. Magandang araw po sa lahat except kay Diego Loyzaga,” sey ng social media personality. 

 

Just woke up. Magandang araw po sa lahat except kay Diego Loyzaga.

Posted by Christian Albert Gaza on Tuesday, November 16, 2021

Dito na nag-post si Diego ng kanyang tila sagot n’ya pang-iintriga sa kanila ni Barbie.

“Dont get caught up in all that noise. Its just noise,” pahayag ng aktor sa social media kalakip ang sweet photo nila ni Barbie na kinunan sa pool.

“My baby gurl and I are chilllin. So sit back, relax, enjoy life,” dagdag pa n’ya.

 

Dont get caught up in all that noise. Its just noise. My baby gurl and I are chilllin 😎 So sit back, relax, enjoy life.

Posted by Diego Loyzaga on Tuesday, November 16, 2021

Hindi naman dito natigil ang aminadong “pinaka-marites na lalaki sa Pilipinas” dahil sa kasunod n’yang post ay nadamay na pati ang aktres na si AJ Raval

“Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong,” direktang pag-a-address n’ya sa aktor. 

“Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. 

“Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?”

 

Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang...

Posted by Christian Albert Gaza on Tuesday, November 16, 2021

Bukod pa dito, mukhang may “pasabog” pa si Xian kung pagbabasehan ang kasunod n’yang FB post. 

“The Office of the Pambansang Marites ng Pilipinas will give its official statement by 9:00PM Philippine Standard Time,” aniya.

 

The Office of the Pambansang Marites ng Pilipinas will give its official statement by 9:00PM Philippine Standard Time.

Posted by Christian Albert Gaza on Wednesday, November 17, 2021

At present ay bibida sina Diego at Barbie sa kanilang first movie project together entitled “Dulo” na mapapanood sa Vivamax starting December 10.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.