Dimples Romana and Jake Cuenca, bilib sa galing ng baguhang si Sean de Guzman; "Hindi mo siya malalamon sa eksena."

Kung ipagpapatuloy daw ni Sean ang kanyang magandang work attitude ay nakikita ni Dimples Romana na malayo talaga ang mararating nito as an actor. 	"In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is, he's going to go a very, very long way dahil nakita ko na iyang ganyang gigil sa ganyang pagkatao. Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie."

Photos: Anna Pingol & 3:16 Media Network

Kung ipagpapatuloy daw ni Sean ang kanyang magandang work attitude ay nakikita ni Dimples Romana na malayo talaga ang mararating nito as an actor. "In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is, he's going to go a very, very long way dahil nakita ko na iyang ganyang gigil sa ganyang pagkatao. Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie."

Isang bagong karanasan kay Dimples Romana ang maka-trabaho si Sean De Guzman.

Katunayan, sobrang bumilib siya sa ipinakitang galing at range ng acting nito lalo na sa mga sequences na magka-eksena silang dalawa sa My Father, Myself.

Kung titingnan daw ay mukhang  petiks lang ito pero ang totoo ay seryosong actor ito.

Hirit pa niya, alerto raw si Sean kung paano ii-improve ang kanyang craft at never na malalamon ng sinumang kaeksena nito.

"Kasi siya,sa totoo lang, he knows how to be playful, nakikipagbiruan siya, but he also knows when work is work and that I appreciate the most," aniya. "Hindi rin siya easily intimidated kasi kung iisipin mo minsan pag hindi kami nagsasalita ni Jake [Cuenca] p'wede mong isipin para ma-intimidate ka. Pero wala siyang ganoon. Alam mo kung bakit? Trained siya kay Direk Joel [Lamangan]."

Pantay daw kasing mag-trato ng artista ang batikang director, walang datihan o baguhan. Pero hindi daw komo ganoon ay hindi na alam ni Sean ang puwesto nya.

"Nakikinig  siya," patuloy na papuri pa ni Dimples sa baguhang aktor. "Hindi lang siya over aesthetic kasi may eksena kaming dalawa—that you have to watch out for. Iyon, eksena ni Sean, dalawa kami nito pero kanyang-kanya 'yon."

Kung ipagpapatuloy daw ni Sean ang kanyang magandang work attitude ay nakikita niyang malayo talaga ang mararating nito as an actor.

"In my head, my God, if he continues to be just the same, humble, very listening, absorbing actor that he is, he's going to go a very, very long way dahil nakita ko na iyang ganyang gigil sa ganyang pagkatao. Ang gandang panoorin ni Sean. I hope you guys will really appreciate the kind of work he did for this movie," pahabol pa niya.

In fact, maging si Jake Cuenca, na natatakan na bilang mapang-lamon sa mga eksenahan ay napabilib ni Sean.

"Hindi mo malalamon ito," lahad niya about Sean. "Kung hindi n'yo nga sinabing one year palang siya artista, one year palang niyang ginagawa ang ganito, hindi ako maniniwala kasi parang matagal na siyang artista."

Ang My Father, Myself ay kuwento ng bawal na pag-ibig ng isang ampon (Sean) na nagkaroon ng relasyon sa kanyang kinikilalang ama (Jake), na ex pala ng kanyang yumaong ama. 

Mas naging kumplikado pa ang kuwento dahil nabuntis pa ng karakter Sean ang anak ni Jake (played by newbie actress Tiffany Grey).

Maselan ang tema ng pelikula na base sa tunay na pangyayari. Pero ayon kay Dimples, hindi niya huhusgahan ang mga taong napunta sa ganitong sitwasyon.

Paliwanag pa niya, maaaring kakaiba ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng bawat tao but ultimately sino raw naman siya para mag-pass ng judgment lalo pa't sa ngalan ng pag-ibig, lahat ay hinahamak at maging ang mali ay nagiging tama.

Sa pelikula, binibigyang buhay ni Dimples ang papel ni Amanda, ang adoptive mother ng karakter ni Sean at asawa ni Jake. 

Tampok din sa pelikula si Jake Cuenca at ipinakikilala si Tiffany Grey.

Kasama rin sa cast sina Allan Paule , Jim Pebanco, AC Carillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose.

Mula sa produksyon ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy, ang kontrobersyal na pelikula ay mula sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan at mula sa panulat ng prolific screenwriter na si Quinn Carillo.

Co-producers din ng pelikula sina Erwin Ortanez, Jumerlito Corpuz at Nicanor Abad.

Bilang opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival, ang My Father, Myself ay mapapanood na simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko sa buong bansa.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.