Dimples Romana, hindi pa handang maging lesbiyana sa TV o pelikula

May nag-alok na pala kay Dimples Romana ng isang lesbian role pero she said no dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handa para dito. At ayaw naman daw niyang um-oo sa isang proyekto na hindi niya pala mabibigyan ng justice pag nandoon na. “So until such time that I feel it in my heart that I can handle and deliver the job with much gusto, then, I will say yes."

Photos: @dimplesromana

May nag-alok na pala kay Dimples Romana ng isang lesbian role pero she said no dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handa para dito. At ayaw naman daw niyang um-oo sa isang proyekto na hindi niya pala mabibigyan ng justice pag nandoon na. “So until such time that I feel it in my heart that I can handle and deliver the job with much gusto, then, I will say yes."

Ang konsepto ng 2022 Metro Manila Film Festival official entry na My Father, Myself ay isang adult BL (boy-love story) ng isang pamilyadong lalaki at ng isang mas batang lalaki.

Inampon ng karakter ni Jake Cuenca ang isang batang lalaki na kasabay lalaki ng kanyang anak. Nang magbinata ang mas batang lalaki (played by Sean de Guzman), makakaramdam siya ng kakaibang pagtatangi sa kanyang father figure ang gayun din ang karacter ni Jake. To add spice, ang karakter pala ni Sean, malalaman later on, ay anak ng namayapang ex ni Jake (played by Allan Paule).

Dahil sa sensitibong tema, nabigyan ng R-18 rating ng MTRCB ang pelikulang idinirek ni Joel Lamangan. Ibig sabihin edad 18 pataas lamang ang maaaring makapanood nito. Higit pa roon, hindi ito maitatangahal sa mga sinehan ng SM na may patakarang hindi magpalabas ng mga pelikulang R-18.

Ang magaling na aktres na si Dimples Romana ang gumanap bilang asawa ni Jake dito at a trailer palang, kitang-kita ang pait sa akting ni Dimples. Naipakita niya efficiently ang sakit ng betrayal.

Sa mahigit dalawang dekada ni Dimples bilang artista, masasabing hasang-hasa na siya at nagampanan na niya halos ang all possible roles except one—ang maging lesbiyana sa pelikula o TV, partikular ang role na may intimacy.

Sa panahon ngayon, GL or girls love naman ang tawag sa genre na 'yon.

Dahil dito, natanong namin siya, during the My Father, Myself media con, kung may pagkakataon bang naalok na siya ng ganoong role? Tinanggihan ba niya?

“I will not lie, there was an offer and this offer came right in the smack of the pandemic. As in, gitnang-gitna siya," matapat na lahad ni Dimples.

“But as you know, I have a husband that I have to report to every single time. And this is not only by mandatory rules [on my part] and not obligatory at all. But as respect, you know…

“So ako, as an actor, I’m always very curious—always. Kasi, ano 'yan, sakit ng artista na tumanda na sa industriyang ito. May gano’n ako na parang nag-i-itch ka, ‘Kaya ko ba ‘yang gawin?’ ‘Magagawa ko ba ‘yan?’

“Kasi as you know, the bigger the risk, the bigger the reward. And we all know that. Pero no’ng in-offer sa akin ‘yon—at ito ay isang director rin na nanay-nanayan ko...

“Noong in-offer sa akin 'yon, ang sinagot ko po...

Sabi ko lang po, 'Hindi pa po yata ako handa. Kasi, hindi ko naramdaman sa puso ko na handa na 'ko.”

Kaya nga gano’n na lang din daw ang paghanga at respeto niya sa mga co-stars niya na sina Sean de Guzman at Jake Cuenca dahil na-embrace ng mga to ang mapang-hamong roles nila as men deeply in love with each other.

“It takes a lot of heart and guts to follow through that kind of scene. Kailangan buong-buo ang loob mo bilang isang artista," patukoy ni Dimples sa mga intimate scenes no'ng dalawa.

When she got a similar offer, hindi raw buo ang loob niya.

“At that time, talagang hinang-hina pa rin ang loob ko bilang artista. Hindi ko rin alam kung dahil ba pandemic no’n that I’m shying away from roles that I’m not used to.

“But also in the same manner, I did not say no because I didn’t trust the director. Actually, I trust the director so much. It was I. I wasn’t sure kung kaya kong i-deliver.”

At ayaw naman daw niyang um-oo sa isang proyekto na hindi niya pala mabibigyan ng justice pag nandoon na.

“Ako, bilang isang artista, hindi ako papasok sa isang trabaho na hindi ko alam kung kaya kong ibigay.

“Kasi, gusto ko, kapag pinasok ko, ibibigay ko lahat. Kagaya ng pagko-kontrabida...hindi rin 'yan madaling gawin. Pero kapag sinabi kong oo sa kontrabidang ito, kahit anong ipagawa mo sa akin bilang kontrabida, gagawin ko 'yon."

Hindi raw niya isinasara ang pinto sa bagay na ito. Nagkataon lang na hindi pa talaga siya handa.

"So until such time that I feel it in my heart that I can handle and deliver the job with much gusto, then, I will say yes.

“I’m not closing any doors. I’m super for it. Lalo na it’s a story of love. Who am I to judge of that kind of love?

“Just because we have actors that don’t ever go through it doesn’t mean, it’s not valid. May mga kuwento talaga na hindi mo naririnig palagi pero hindi ibig sabihin no’n na hindi siya totoo. 'Yun siya para sa akin."

Kaya wag daw sanang ipagkamali na ang pagtanggi niya ay dahil sa may nakatago siyang judgement para sa LGBTQ love.

"I have respect for all kinds of love. Sabi nga nila, genderless ang pagmamahal. Lalong-lalo na sa mga panahon ngayon, alam na alam natin ‘yan.

“Alam ko 'yan dahil may anak akong teenager. So, 'yung mga kuwentong naririnig ko, alam ko. So, bilang nanay, kailangan naiintindihan ko 'yun. At nakakatulong 'yun sa proseso ko bilang artista.

"Kasi, naiisip ko, 'Ah, ito pala ‘yung pinagdadaanan nila ngayon. Ganito na pala 'yun ngayon.' Kasi, noong panahon namin, hindi pa siya ganito. Pero ngayon, ganito na pala.

“So, at least, kailangang pakinggan ko muna para maintindihan ko. Pero ako mismo, parang hindi pa ‘ko ready."

Maaaring isang napakagandang obra daw ang magpa-oo sa kanya in the future.

Patuloy niya: "Depende siguro kapag dumating ang mga pagkakataon na may mga tulay na kaya kong tawirin na at kapag nabasa ko 'yung piyesa at talagang it swept me off my feet and I realized, nakalimutan ko kung lalaki ba ko, babae ba ko or ano ba ang gender ko? 'Ah, kaya ko 'tong gawin.'

"Kasi, kailangang malunod ka muna do’n sa masterpiece na mababasa mo, e,” pagra-rationalize pa niya.

“Kapag nakalimutan mo na babae sa babae ‘to, lalaki sa lalaki...Kasi, meron din akong mga friends na bakla sila, pero ang boyfriend nila, tomboy. May gano’n, ha.  

“May gano’ng pagmamahal. And they we’re super unapologetic about it, ha. Kumbaga, kung iisipin mo, kung hindi ko siya tinanong at hindi ko siya pinakinggan, hindi ko malalaman na may gano’ng pagmamahalan na nag-e-exist.

“So, until such time that I really read a script, a manuscript and then I forget this is a story about two women, two men falling in love and just looking at it as a love story or a story of pain, healing, then maybe at such time, go tayo diyan,” pagra-wrap up nya sa mahaba niyang paliwanag.

Muli, deretsahan namin siyang tinanong na kung sakali nga at makahanap siya ng sinasabi niyang masterpiece na script at naramdaman niyang gusto na niyang gawin, papayag naman kaya ang mister niyang si Boyet Ahmee na gawin niya ito?

“We will cross the bridge when we get there,” natatawang sagot niya.

“Baka tanungin kung sino ang partner. Kasi, mas ‘yon si Boyet, e. ‘Sino ang katrabaho mo?’ Mas 'yon…”

Hypothetically naman, pano kung ang asawa niyang si Boyet ang magladlad sa kanya later on in the relationship, gaya ng sa My Father, Myself, matatanggap niya ba ito?

“Mamahalin ko pa rin s'ya s'yempre,” mabilis niyang sagot. “Pero kung pipiliin niyang magmahal ng iba, e, do’n na siya. Kasi ang gusto ko, ‘yung minamahal ko ay masaya.”

“Kasi siyempre, choice niya 'yon, ‘di ba? Ang pinakamahirap sa lahat, 'yung pipilitin mo ang isang tao na hindi na niya gusto.

“So, kung si Papa B will decide na ayaw na niya sa akin, which I hope ‘wag naman, e, ibibigay ko na sa kanya.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dimples Romana on Angel Locsin at Neil Arce status: "From what I know with Neil, everything’s okay.”

Dimples Romana and Jake Cuenca, bilib sa galing ng baguhang si Sean de Guzman; "Hindi mo siya malalamon sa eksena."

Dimples Romana, sasabak sa fight scenes kahit kakapanganak lang through CS

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.