Dimples Romana, ipinasilip na ang mukha ni Baby Elio

Last June 24 nang ibalita ni Dimples Romana na isinilang na n’ya ang kanyang Baby No. 3 na si Elio Juan Manolo Ahmee.

SCREENSHOTS: @dimplesromana on Instagram

Last June 24 nang ibalita ni Dimples Romana na isinilang na n’ya ang kanyang Baby No. 3 na si Elio Juan Manolo Ahmee.

Ipinasilip na ng kapapanganak lang na celebrity mom na si Dimples Romana sa mga nag-aabang na fans ang mukha ng bunso niyang si Baby Elio.

Sa short video na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ngayong araw, June 27, proud na ibinida ni Dimples ang kagwapuhan ng second baby boy nila ng mister n’yang si Boyet Ahmee. 

“A very happy, blessing-filled Monday indeed from #ElioJuanManolo,” the actress wrote on her IG post.

Kalakip nito ang short clip na naglalaman ng compiled photos and videos na kinunan noong ipinanganak n’ya ang newest bundle of joy ng kanilang pamilya. 

“#TheFAhmeely weekend in a reel. let the #ABCDEfunventures begin!” saad pa n’ya. 

Sa ngayon ay nag-iipon pa daw s’ya ng lakas para mapasalamatan ang lahat ng mga taong tumulong at nagdasal para sa kanyang safe delivery

“Lots of people to thank for this past weekend, just gathering all my thoughts til we get to express our gratitude to all who have prayed for us, for everyone who took care of us and made this journey a memorable one for our family @papaboyetonline @callieahmee #AlonzoRomeoJose,” pagtatapos ni Dimples. 

Last June 24 nang ibalita ni Dimples na isinilang na n’ya ang kanyang Baby No. 3. 

“I spy with my little eye. Hi, Elio. SURPRISE! I guess it’s going to be a good goood weekend for @the.fahmeely @papaboyetonline @callieahmee #AlonzoRomeoJose,” anunsyo n’ya sa kanyang IG post kasama ang selfie photo nilang mag-ina. 

However, hindi pa gaanong kita ang mukha ni Baby Elio sa larawan na ipinost n’ya that day. 

Muli rin s’yang nag-post ng photo ni Baby Elio bago sila lumabas ng hospital the following day at tanging pisngi, labi at kamay lang ng sanggol ang kita sa photo. 

At kahapon naman, isang sweet photo ang ipinost ni Dimples kung saan kasama n’ya si Baby Elio at ang second child n’ya na si Alonzo. 

Congratulations, Dimples and Boyet!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dimples Romana sa pagmamahal n’ya sa BFF na si Angel Locsin: “Higit pa sa kapatid.”

Masakit man sa dibdib, Dimples Romana, sinasanay na ang panganay na mamuhay ng solo bago ito lumipad para mag-aral sa Australia

Pika's Pick: Dimples Romana, elated for the surprise “kuntsabahan” baby shower organized by her friends led by Angel Locsin and Bea Alonzo

Dimples Romana, magda-judge sa International Emmy Awards for the second time

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.