Dimples Romana, mag-i-slow down na dahil “you don’t need much to be happy.”

“Ayoko lang na dumating ang pagkakataon na pati ’yung energy natin... [maubos]. Hindi naman porke’t dumoble ’yung mga naa-achieve mo at napu-put up ay dumo-doble ang energy mo. Hindi.”

Photos: @dimplesromana

“Ayoko lang na dumating ang pagkakataon na pati ’yung energy natin... [maubos]. Hindi naman porke’t dumoble ’yung mga naa-achieve mo at napu-put up ay dumo-doble ang energy mo. Hindi.”

Naiisip na raw ng Kapamilya actress na si Dimples Romana na mag-slow down na sa showbiz at sa iba pang negosyo nilang mag-asawa. That is despite the fact na sunod-sunod pa ring blessings na dumarating sa kanya. 

Sabi nga namin sa kanya, isa siya sa mga naobserbahan naming hindi “nabakante” ngayong pandemic. Maging mga endorsements ay patuloy ang pasok sa buhay niya.

Pero despite her busy schedule sa showbiz, nagawa pa rin niyang makapag-online schooling sa New York University at ngayon nga ay may restaurant business pa siya dito sa bansa at sa Singapore, ang Alegria.

Sinisimulan na rin niya ang school na ipinapatayo niya hindi lang umano acting ang maio-offer na course.

Parang bawal magpahinga ang naging peg niya. 

But lately nga daw ay tila napapa-contemplate na ang magaling na aktres na magbawas na ng load.

“Mula nang mag-post ako regarding our school and we are registered na rin kasi and I also have the production team, parang I realized I’m doing so much,” napamuni-muning k’wento sa amin ni Dimples. “And now, I have two meetings with some of my brands—pero favorite ko kasi ’yun, nag-e-enjoy ako na nagho-host ako—I also have a teleserye....But imagine, I’m also a mom of two...

Ayoko lang na dumating ang pagkakataon na pati ’yung energy natin... [maubos]. Hindi naman porke’t dumoble ’yung mga naa-achieve mo at napu-put up ay dumo-doble ang energy mo. Hindi.”

Malaki raw ang kinalaman ng no-filter comment ng kanyang six-year-old bunsong si Alonzo kaya siya biglang napapa-isip ngayon.

“Na-realize ko lang noong sinabi ni Alonzo sa akin—pinost ko ’yun, e—‘Mommy, we have so much, ’no? Will it gonna fit in the car?’ Kasi siyempre, I talked to Alonzo about death. Way of life—kasi, namatay ang Lola ko recently, di ba?...

“Alam mo, naisip ko na, ‘My God, ’yung bata pa ang nagpa-alala sa akin. Hindi ko ’to madadala. Sabi niya, ‘Which car are we going to bring? Will it fit in the car?’”

Nai-analogy umano niya iyon sa after-life.

“All of it, can we bring it to heaven?  Alam mo, napatigil ako…sabi ko [sa sarili ko], ‘Not even slippers.’”

Siyempre daw ay nagpapasalamat siya sa napakaraming oportunidad na dumarating sa kanya sa showbiz—mga opportunities na hindi naman daw niya pinangarap o inakalang mangyayari lalo na at dati nga naman ay kilala lang siya sa supporting at  best-friend-ng-bida roles.

“Siguro kasi, nandoon ako sa over this pandemic, na-acknowledge ko rin na sobrang daming opportunities na lumalapit sa amin and ako naman, parang ina-acknowledge ko na hindi lahat ng tao, nagkakaroon ng blessing or opportunities... I’m just happy that again, my children are always there to remind us na you only need so little to be happy.

“Na kahit na wala tayong ganito, ganyan, nandoon kasi kami ni Boyet na parang, okay.  And at the same time, since Callie is leaving next year, iniisip ko, paano ’to?  Kumbaga, kahit papaano, may mga napundar na rin and when you have businesses na parang iba-iba, parang you’re rooted.

“So, what will happen, s’yempre, dalawa lang ang anak ko... If Callie will say, I need you here [in Australia],’ paano? Uunahin ko pa ba ’yung iba kong inaasikaso, e, kaya naman kami nagne-negosyo at nagta-trabaho, para sa kanila, ’di ba?

Naisip ko, oo nga…kaya nasabi ko kay Boyet, ‘Sige, tingnan natin kung ano ’yung p’wede nating i-trim.’ At s’yempre, naisip ko rin na I have less time with the kids.”

Si Callie, ang panganay nila ng mister niyang Boyet Ahmee, ay nakatakdang umalis pa-Australia next year para mag-aral ng pagpi-piloto. Tatlong taon umano itong titira doon.

Ito daw ang mga naipa-factor in niyang mga dahilan para magbawas na ng load, ika nga.

“Parang sabi ko kay Boyet...at this point siguro, since kilala rin naman kami sa pagpapalaki sa mga bata, ang tagal na rin naman namin ni Boyet na kasal.

“And parang apparently, people look up to us on how they run their marriage, their children...Siguro nandoon na rin kami ni Boyet na, if we were to let go of the things that you feel that you may not be able to deliver anymore because of the time [constraint]. 

“You cannot over commit yourself and ang napapansin ko, if you do so many things at the same time, even if you work so hard and even if the great and best intention we’re there, you will always end up spreading yourself too thin in a way na hindi mo na masyadong natututukan ang mga bagay na talagang nagma-matter sa’yo, ’di ba?”

Na-realize din daw niya na minsan, hindi na rin nagtutugma ang talagang gusto nilang mangyari sa ginagawa.

“If you go out of your house to earn a lot of money for your children, but ang ending, tumanda na tayo, pag dating mo sa bahay, aalis na ang mga bata kasi tapos na silang mag-aral. 

“And then, ’yung pinapangarap natin na makasama ang mga bata at magkaroon sila ng magandang buhay, hindi na nagtatapat ang timing because hindi na natin napansin, ’yung dreams natin got in the way.

“S’yempre, madaling sabihin pero ’yung mga balanse ng mga bagay-bagay ay mahirap gawin. Kami naman ni Boyet, we’re still learning.”

Ngayong pandemic daw, nagawa niyang makapaglista, makapag-isip, at sa kabila nga ng pasasalamat sa mga blessing na natanggap nila ay desidido na silang mag-cut down.

“Sabi ko kay Boyet, ‘Grabe, Ta, we don’t need so much.’ Gano’n pala ‘’yun, kapag na-reach mo na ’yung halos lahat, na-try mo na, nasubukan mo na, nandoon ka na sa, ‘Okey, balik naman tayo. Paano naman natin masi-simplify ang buhay natin?’”

Nasa punto na rin daw sila ng buhay nila bilang pamilya, na mag-pay forward na nang lubos.

“And s’yempre, ang dami ko rin na mga kaibigang nakaka-usap and s’yempre, kapag may nakaka-usap kang mga kaibigan mo na who may not have as many opportunities as your family, you come to think about it and I become more mindful of the sharing. Kumbaga, I want to inspire them but at the same time, I don’t want them to feel na may kulang sa buhay nila kasi... hindi gano’n ’yun.

“Masarap kasi we get to help a lot of people, lalo na ngayong pandemya, napakahirap ng pinagdadaanan ng mga tao, hindi mo masukat, hindi mo alam kung paano. So, siguro kami ni Boyet, nandoon kami sa siguro, we can show them na we don’t need so much to be happy.

“Kasi, totoo naman, dito sa bahay namin, sabi nga ni Callie, ‘Mommy, napansin ko lang, maraming wala, meron, walang-wala... we are the same people...’  Doon ako nasiyahan. At itong anak kong ’to, kahit pakawalan ko ’to, pumunta kahit saan, okay ito. Napalaki itong maayos.

 “At iyon ang regalo ng Panginoon sa atin, ang magka-anak nang maayos.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dimples Romana and husband Boyet Ahmee mark 18 years of marriage

Regalong bahay ni Dimples Romana sa loyal kasambahay na si Ate Vi, galing pala sa Oh, My Dad! talent fee

Dimples Romana opens restaurant in Singapore

Dimples Romana celebrates her 24 years in showbiz by looking back at her beginnings, says she is ready to share her learnings

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.