Dimples Romana, mas inspired magtrabaho ngayong natutupad na ng panganay niyang si Callie ang pangarap nitong maging pilot

Sa kanyang Instagram post kahapon, August 4, sinabi ni Dimples Romana na mas lalo siyang na-inspired magtrabaho dahil nakita n’ya na may napupuntahan ang pagpapaaral n’ya sa eldest daughter nila ng husband n’yang si Boyet Ahmee.  “Kaya pag pagod ka at ganito makikita mo sa umaga, Aba namaaaan! Sisipagin ka talaga magtrabaho eh,” panimula ni Dimples sa kanyang IG post kalakip ang two photos ni Callie na nagpapalipad na ng eroplano.

PHOTOS: @dimplesromana on Instagram

Sa kanyang Instagram post kahapon, August 4, sinabi ni Dimples Romana na mas lalo siyang na-inspired magtrabaho dahil nakita n’ya na may napupuntahan ang pagpapaaral n’ya sa eldest daughter nila ng husband n’yang si Boyet Ahmee. “Kaya pag pagod ka at ganito makikita mo sa umaga, Aba namaaaan! Sisipagin ka talaga magtrabaho eh,” panimula ni Dimples sa kanyang IG post kalakip ang two photos ni Callie na nagpapalipad na ng eroplano.

Happier and prouder mommy ngayon si Dimples Romana dahil nagbubunga na ang pangarap ng panganay n’yang si Callie.

Sa kanyang Instagram post kahapon, August 4, sinabi ng aktres na mas lalo siyang na-inspired magtrabaho dahil nakita n’ya na may napupuntahan ang pagpapaaral n’ya sa eldest daughter nila ng husband n’yang si Boyet Ahmee. 

“Kaya pag pagod ka at ganito makikita mo sa umaga, Aba namaaaan! Sisipagin ka talaga magtrabaho eh,” panimula ni Dimples sa kanyang IG post kalakip ang two photos ni Callie na nagpapalipad na ng eroplano.

Matatandaan nga nitong nakalipas na Marso, Dimples sent her daughter off to Australia para tuparin ang lifelong dream nito na maging pilot.

“Sulit pagod at puyat ni mommy and daddy @papaboyetonline future Capt @callieahmee. Bukod sa ang ganda mong piloto (liwat sa??) you get to do this at 18 years old?? Whatttt!” hindi makapaniwalang sabi pa n’ya. 

“Aaaand most importantly my heart is filled with so much happiness seeing you smile this way! YOU ARE HAVING TONS OF FUN CHASING YOUR DREAMS and DOING WHAT YOU LOVE. Now that’s the DREAM. You GO GIRL!”

Naalala pa n’ya noon ang pagtatanong sa kanya ni Callie kung bakit ganu’n na lang sila nagpupursige sa kanilang trabaho ni Boyet. 

“When Ate @callieahmee was about 9 or 10 years old, she asked me why B and I were still working super hard Kahit na Medyo nakaipon ipon na kami nun,” pagbabalik-tanaw ng celebrity mom of three. 

Tugon n’ya dito, gusto daw n’yang mabigyan ng kalayaan ang mga bata na makapili sa kursong gusto nilang i-take pag dating nila sa kolehiyo. 

“I told her, time will come and you’ll realize that no matter how prepared you think you are for the future, we must still strive to work hard to make sure that all our kids will be provided for -not just with what they need but also with what they’ll CHOOSE to be when they get to college,” paliwanag ni Dimples. 

Ipinunto n’ya rin na ayaw n’yang balikatin ng panganay nila ang pagpapaaral sa mga kapatid nito balang araw dahil responsibilidad daw nila ’yon bilang magulang. 

“@papaboyetonline That our kids won’t ever be pressured to ever put their other siblings to school, that’s on us as parents,” say pa ni Dimples. 

Sa ngayon, masasabi daw n’yang sulit ang pagod at pagka-miss n’ya kay Callie dahil kahit nasa malayo ito ay maaabot naman nito ang pangarap na maging piloto. 

“All the many days and nights I had to be apart from them meant Ate gets to freely choose what she wants to be, and the many times I miss her from not being there because of shoots and tapings meant, Ate Cal will get to do what she loves and that is -FLYING and BECOMING A PILOT and thanks to @papaboyetonline and our home angels for making sure the kids ARE alright. I say, WORTH every tear, every sacrifice,” pagtatapos ni Dimples. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dimples Romana, mag-i-slow down na dahil “you don’t need much to be happy.”

Dimples Romana sa pagmamahal n’ya sa BFF na si Angel Locsin: “Higit pa sa kapatid.”

Dimples Romana sa ipinagbubuntis niyang si Baby Elio: “We can’t wait to hold you in our arms.”

Dimples Romana, ipinasilip na ang mukha ni Baby Elio

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.