Dimples Romana on Angel Locsin at Neil Arce status: "From what I know with Neil, everything’s okay.”

Ayon kay Dimples Romana, nag-desisyon daw ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce na mag-social media abstinence muna: “Neil and Angel, their priority is themselves. They want to spend time with one another, they want to spend time with family.”

Photos: @dimplesromana / @therealangellocsin

Ayon kay Dimples Romana, nag-desisyon daw ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce na mag-social media abstinence muna: “Neil and Angel, their priority is themselves. They want to spend time with one another, they want to spend time with family.”

Isa sa masarap na kausap sa showbiz ay ang Kapamilya actress na si Dimples Romana. Subok na namin ang mga wisdom na nabuo sa pagkatao niya na masaya niyang ibinabahagi kanino man every chance she gets.

Ang mga presscon Q&A ay mas nagiging lively kapag kasali si Dimples sa cast dahil marami siyang pabaong soundbites.

Pero bukod sa husay niya sa pagsagot sa mga katanungan, ay gayun din sa pag-iwas—in a very polite manner—kapag ang ibinabatong tanong sa kanya ay tungkol sa buhay ng ibang tao, partikular na ang mga malalapit sa kanya.

Nagkataon naman kasing kalahati yata ng showbiz ay malapit sa kanya kaya naman kapag may mga isyu or kontrobersyang nasasangkutan ang kanyang mga kaibigan ay hindi maaring hindi siya mahingan ng reaksyon, updates, or opinyon.

At dalawang tao na mga malapit sa kanya ang  patuloy na laman ngayon ng mga bulong-bulungan sa social media—sina Angel Locsin at Julia Montes.

Dahil puno nga siya ng wisdom at mahusay makipag-kaibigan, natanong ng ilang entertainment press si Dimples—matapos ang formal press con ng MMFF 2022 entry niyang My Father, Myself—kung sa kanya rin ba madalas tumakbo for advice ang mga kaibigan.

“Hindi ko po masasabi, hindi ko masasabi,” natatawang sabi niya na tila alam na kung ano ang patutunguhan ng tanungan.

At tinumbok na nga nang nagtatanong na reporter na si Gorgy Rula kung si Angel Locsin ba ay tumatakbo sa kanya ngayon for advice.

Bigla kasing nawalan ng social media presence si Angel at ang asawang si Neil Arce na ipinagpapalagay ng netizens as a sign na may pinagdadaanan ang celebrity couple. nanganak pa ang tsika na may nag-third wheel sa married life ng dalawa.

“Hindi ko alam kung meron silang tinatakbuhang iba. Pero, sobrang nakakapag-usap naman kami,” natatawa pa ring saad niya.

“Natatawa talaga ‘ko. Nakausap ko si Neil, sabi ko, 'Hoy Neil, ano ba, palagi na lang akong tinatanong. Pero alam n'yo, wala lang talaga. At the end of the day, they’re really enjoying their time—their private time as mag-asawa."

Nag-desisyon daw ang dalawa na mag-social media abstinence muna.

“Alam n'yo, super gets ko ‘yan, e," dagdag ni Dimples. "Kasi kung ako lang can afford ako na hindi muna mag-work at ‘wag munang mag-social media, gagawin ko. Kaya lang kasi, ako ay may mga anak na kinakailangan ko to spend for so I really have to keep working.

“But for Neil and Angel, their priority is themselves. They want to spend time with one another, they want to spend time with family.”

Sinubukan pa ring pigain ng press si Dimples dahil nakagugulat naman kasi talaga ang abrupt na pag-deadma nina Angel at Neil sa social media. Hindi naman talaga maiiwasan ng mga Marites na mapa-isip kung may nagaganap ba behind-the-scene.

Pero ayon kay Dimples, walang malalim na dahilan na dapat isipin ang mga netizens.

“I don’t think so,” sabi niya. “I think kasi, parang hindi rin nila nakita na parang kailangan nila [mag-explain]. And if there’s anything naman na... if they need to tell something, it’s really not my position to say it. Kasi, kahit kayo rin naman siguro, if you’re a friend, you’ll never be able to say it.

“Pero so far, from what I know with Neil, everything’s okay.”

Nahingan na rin ng update si Dimples kung may alam ba ito sa napabalita noon na plano ng mag-asawa na mag-migrate na lang sa ibang bansa.

Diumano, nabuo ang planong ito pagkatapos ng eleksiyon kunsaan, natalo ang sinuportahan nilang kandidato sa pagka-Presidente na si former Vice President Leni Robredo.

“Alam n'yo, walang sinabi ang best friend ko na ‘yon ha,” pabalik na bulalas niya.

“Siguro ako ang unang kokontra. Pero, sige, kung mag-decide naman sila again, okay lang sa akin. Mas maganda pa nga kasi, may mabibisita ako. Pero ang totoo, I haven’t heard about it.”

Sa huli, binigyang-diin ni Dimples na siya ang klase ng kaibigan na hindi naman nanghihimasok sa personal na buhay ng kanyang mga kaibigan.

“I have to warn you, I don’t ever ask my friends about their personal lives if they don’t tell me," aniya.

“Kaya sa totoo, I’m the worse to interview. May mga times na nag-break na sila, wala akong alam. So, hindi ko rin alam. Unless they’ll tell me, I wouldn’t know.

“Kaya natatawa talaga ko when I’m asked that," dagdag niya. "Ako naman, hindi naman ako nagtatago sa inyo. Tatanungin n'yo ko, I will tell you if hindi ko masasagot. But at this point, from what I know, they’re very, very happy. 

“I just spoke to Neil while I was in Japan going to New York kasi, ninong si Neil ni Ellio at ninang si Gel ni Alonzo. And ako lang talaga, let's just give them space. Kasi, whatever it is, I trust that this is for their betterment and happiness.”

Huling hirit pa ng press:

Bilang BFF daw ng mag-asawang Angel at Neil, may mga payo ba siya sa mga ito noon na nakita niyang sinunod ng mga ito?

Sinunod nila na magmahalan sila or maging masaya sila,” natawang sabi niya.

“Dahil noong ikakasal sila, wala rin naman akong alam sa past ni Neil. Ang alam ko lang, ‘yung kay Gel. So I told Neil, ‘Neil, make my best friend happy.’”

Bukod kina Angel, nakumusta rin kay Dimples ang isa pang malapit sa kanya na si Julia Montes na mukhang masaya naman sa lovelife.

“Buti na lang happy lahat ng friends ko,” tawang-paiwas na lahad ni Dimples.

Sa ibang banda, may nagbigay tuloy ng suhestiyon kay Dimples na p'wede itong gumawa ng advise or relationship book. Bukod sa articulate s'ya, isa rin kasi ang pagsasama nila ng asawang si Boyet Ahmee sa itinuturing na ideal relationships in showbiz. Kumbaga, may K naman siyang maging advisor.

“Actually, naiisip ko nga, advice about love. What do you think? Parang may mga napulot ba kayo [sa mga sinabi ko sa press con]? Siguro sa akin, the best thing is that, I don’t judge anybody.

“I think, we’re in a time na, tama si Jake [Cuenca], halos mamatay tayong lahat [during pandemic]. Hindi natin alam, natakot tayo… hindi natin alam kung ano ang bukas. At kapag umaabot ka sa panahon na 'yon, gusto mo na lang na maging masaya para sa isa’t-isa.

“At this point, I really just wanna support everybody who is in need of whatever they need. Whether it’s healing, forgiveness, space, time, love… ‘yun ang talaga sa akin ha.”

Pero kung minsan, ang nakapagpapasaya sa isa, ay may katumbas na sakit sa iba.

“Ay ‘wag naman tayo do’n,” mabilis niyang sagot.

“'Yun naman ay boundary. So, dapat, happiness pero wala kang nasasaktang iba.”

Nakausap ng entertainment press si Dimples sa mediacon ng kanyang 2022 MMFF entry na My Father, Myself na tinatayang hahakot ng major awards sa gabi ng parangal. Kasama ni Dimples dito niya sina Sean de Guzman, Tiffany Grey, at Jake Cuenca.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan at produced ng under 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment, ang My Father, Myself is showing in cinemas starting December 25.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Neil Arce, may patama sa mga nagpapakalat ng fake news na hiwalay na sila ni Angel Locsin

Dimples Romana and Jake Cuenca, bilib sa galing ng baguhang si Sean de Guzman; "Hindi mo siya malalamon sa eksena."

Dimples Romana, sasabak sa fight scenes kahit kakapanganak lang through CS

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.