Dimples Romana sa pagmamahal n’ya sa BFF na si Angel Locsin: “Higit pa sa kapatid.”

Ani Angel Locsin, siya raw ang number one supporter at number kne ding basher ng kanyang birthday celebrant BFF na si Dimples Romana.          “Pasensya na nandito ako sa buhay mo. Habang buhay wala ka nang magagawa. Nandito lang ako. Hindi mo ako mapapaalis.”

PHOTOS: @dimplesromana & @therealangellocsin on Instagram

Ani Angel Locsin, siya raw ang number one supporter at number kne ding basher ng kanyang birthday celebrant BFF na si Dimples Romana. “Pasensya na nandito ako sa buhay mo. Habang buhay wala ka nang magagawa. Nandito lang ako. Hindi mo ako mapapaalis.”

Hindi napigilang maiyak ng aktres na si Dimples Romana nang mapanood ang birthday video message ng kanyang BFF na si Angel Locsin.

Naganap ito sa episode ngayong araw, November 19, ng Kapamilya morning show na Magandang Buhay hosted by Jolina Magdangal, Karla Estrada, and Melai Cantiveros, kung saan s’ya ang celebrity guest. 

Pahabol ito sa birthday celebration ng aktres who turned 37 last November 13 at isa nga sa mga nagbigay ng touching messages sa kanya ang kaibigan n’yang si Angel.

“Happy happy birthday sa ’yo. ’Wag kang kabahan hindi kita ilalaglag ngayon dahil it’s your day at baka patayin mo ako pagkatapos,” natatawang sabi ni Angel sa video. 

Gusto lang kitang batiin at gusto kong ipaalam sa lahat ng nakakanood nito na hindi n’yo pa alam kung gaano kabait si Ms. Dimples Romana.”

Dagdag pa ng aktres, superhero daw para sa kanya si Dimples kaya masaya s’ya sa mga natatanggap nitong blessings. 

Binibiro ko nga s’ya kung ako si Darna, ikaw talaga ang superhero ko, ikaw ang idol ko,” aniya. 

Kung ano man ang blessings na natatanggap mo ngayon lahat siguro mag-a-agree na deserve na deserve mo ’yon dahil mabuti kang tao. At pinagtrabahuhan mo talaga nang husto.

Pagtitiyak pa n’ya, mananatili daw s’yang supporter, basher and, a friend ni Dimples anuman ang mangyari. 

Ito ako, kaibigan mo, number one fan, number one basher. Haha!” pagbibiro n’ya.

Lagi kitang ipagtatanggol, lagi akong magiging honest sa ’yo. Nasa likod mo lang ako kahit anong mangyari. 

Pasensya na nandito ako sa buhay mo. Habang buhay wala ka nang magagawa. Nandito lang ako. Hindi mo ako mapapaalis,” pagtatapos ni Angel.

Hindi naman napigilan ni Dimples na maluha sa touching words ng tinaguriang real-life Darna. 

Pagkontra pa n’ya sa sinabi nito, “P’wede ba ’yon? S’ya nga ang nag-iisang Darna sa akin. Alam mo si Gel, ganyan lang ang sinasabi n’ya [na] ako ang hero n’ya. Hindi totoo ’yon. 

“Angel is my hero because during the time when I was going through the lowest, lowest of my life Angel came at the right time and she gave me strength.”

Kaya naman willing daw s’yang i-reciprocate ’yon anumang oras na kailangan s’ya ng kaibigan. 

“And so because she is that rock for me, every time I see and every time [na] may pinagdadaanan s’ya lumalabas ’yong pagka-protective ko kasi parang inisip ko, ‘’Tong taong ’to hindi sanay na maging mahina,’” lahad ng Viral Scandal actress. 

Pero dahil at some point naging lakas ko s’ya ready’ng ready ako na ibigay sa kanya pabalik ’yong lakas na ’yon.

At kung pagiging basher daw ang pag-uusapan, totoo daw na basher din n’ya ang aktres minsan. 

Sinasabi n’ya na basher [ko s’ya]…talaga ka. Kasi pag kilalang-kilala ka nu’ng tao, s’ya talaga ang makabasag sa’yo, e. 

Pag nag-post ako ng ganda-gandahan ako sa Instagram, unang-unang na ’yan [na magko-comment]. Sasabihin n’ya sa akin, ‘Gandang-ganda.’ Oh, ’di ba?” pagbabahagi pa ni Dimples. 

Dagdag pa n'ya, “Pero ’yong pagmamahal ko sa kanya grabe. Sobra, higit pa sa kapatid.

Mensahe pa n’ya kay Angel, “I love you so, so, so much. And I don’t think masusukat ’yong pagmamahal ko para sa’yo dahil forever na, e. 

“And ako, I just know na napaka-blessed ko na meron akong kaibigan na kahit anong mangyari sa akin she will always be there for me. 

Alam mo ’yong lilipad ka, lilipad ka, e. Kasi alam mo na may sasalo. S’ya ’yon sa akin,” pagtatapos ni Dimples.

Nabuo ang pagkakaibigan nina Dimples at Angel nang magkasama sila sa Kapamilya fantasy series na Lobo noong 2008.

Fast forward to August 2021, isa si Dimples sa walong attendees at nakiiyak sa intimate civil wedding ni Angel at ng mister nitong si Neil Arce.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.