Dina Bonnevie, istriktang lola

PHOTO: Courtesy of GMA-7

PHOTO: Courtesy of GMA-7

Gestapo’ng lola ang description ni Dina Bonnevie—also known as Miss D— sa sarili nang tanungin ng pikapika.ph kung paano siya sa off-cam sa anim na apo niya—apat from Oyo Sotto and Kristine Hermosa (Kile, Ondrea, Kaleb, and Vin) at dalawa kina Danica Sotto at Marc Pingris (Mic and Caella).

 

Natatawang inihalintulad ni Miss D—na gaganap bilang stepmother nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa bagong action-serye ng GMA-7 na Cain at Abel—ang sarili sa mga official secret police ng Nazi Germany noong 1930s na mas kilala sa tawag na Gestapo ni Hitler. Istrikto raw kasi siya at maraming bawal lalo’t dumadalaw sa bahay niya ang mga bata. Bawal daw magkalat o di kaya’y masyadong malikot dahil marami siyang babasaging gamit.

 

Naging biruan na daw tuloy sa pamilya na siya ang panakot nina Oyo at Danica sa mga anak pag nagiging pasaway ang mga ito. Bagay na tinatawanan lang din ni Miss D.

 

“Definitely hindi ako spoiler,” say ni Miss D. Pero may bawi naman daw siya dahil mahilig naman siyang mag-reward kapag may “very good” na nagawa o na-achieve ang bata.

 

Moreover, pinuri din ni Miss D ang pagiging very hands-on ng mga anak niya sa pagpapalaki ng mga apo niya. Hat’s off din daw siya sa magka-ibang style ng pagdi-disiplina nina Oyo at Danica sa mga anak nila. Although aminado siyang si Oyo ang nagmana sa kanya sa pagka-disciplinarian.

 

May magic words daw si Oyo sa mga anak na once binitiwan nito ay alam na ng mga anak nila that they are in for some serious disciplining.

 

Here’s Miss D herself to tell you more about her being a lola:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.