Dingdong at Dennis, ayaw pa-apekto kay Coco

PHOTOS: courtesy of GMA-7& @dennistrillo

PHOTOS: courtesy of GMA-7& @dennistrillo

Expected na nina Cain at Abel stars Dingdong Dantes at Dennis Triilo na ibabato sa kanilang dalawa ang tungkol sa gagawing pagba-bangga sa action-serye nila sa di-natitinag na action series din ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano na tatlong taon nang umeere. Kung tutuusin ay pang-labing anim na show na ng GMA-7 ang Cain at Abel na itinapat sa primetime pambato ng ABS-CBN.

Pero ayon kay Dingdong, “league of its own” nang maituturing ang show ni Coco at mas pinag-tutuunan daw nila ang dulot na pressure ng action-drama material nila dahil doon palang ay sapat na ang pressure. Bukod pa roon, dinagdag pa ni Dong na ang trabaho nila bilang artista ay ang bigyan ng quality show ang mga manood at hindi para mag-monitor ng rating.

Sa part naman ni Dennis, wala rin daw sa isip niya ang pressure ng tapatan or isipin pa kung sino ang mananalo o matatalo. Personally and as a team, ang goal nila ay mabigyan ng quality alternative show ang mga taong naghahanap nito.

Here’s Dingdong ang Dennis and their respective views on the matter:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.