Dingdong Dantes, masayang-masaya na fully vaxxed na ang anak na si Zia; he sees it as a sign na pabalik na sa normal ang buhay

Sa ikalawang pagkakataon, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes muli ang sumama sa pagpapa-second dose ng COVID-19 vaccine ng panganay nilang anak ni Marian Rivera na si Zia Dantes. Ang kaibahan nga lang, ngayon ay sa drive-through vaccination na sila nagpunta at nakipag-carpooling lamang sila sa isang van kasama ang mga kaibigang bata rin ni Zia.

Photos: @dongdantes

Sa ikalawang pagkakataon, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes muli ang sumama sa pagpapa-second dose ng COVID-19 vaccine ng panganay nilang anak ni Marian Rivera na si Zia Dantes. Ang kaibahan nga lang, ngayon ay sa drive-through vaccination na sila nagpunta at nakipag-carpooling lamang sila sa isang van kasama ang mga kaibigang bata rin ni Zia.

Sa ikalawang pagkakataon, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes muli ang sumama sa pagpapa-second dose ng COVID-19 vaccine ng panganay nilang anak ni Marian Rivera na si Zia Dantes.

Ang kaibahan nga lang, ngayon ay sa drive-through vaccination na sila nagpunta at nakipag-carpooling lamang sila sa isang van kasama ang mga kaibigang bata rin ni Zia. 

Ipinost ni Dingdong sa kanyang Instagram account ang naging second dose vaccine experience ni Zia at mga kaibigan nito.

Base sa caption ni Dingdong, mararamdaman na masayang-masaya ito na fully vaccinated na ang anak. 

At masaya ito sa ideya na senyales na daw ito na unti-unti na ring makababalik sa normal ang bansa at ang pribilehiyo na muling makalababas ang mga bata, gaya nga ng anak nila na si Zia. 

“It’s ate Z’s second shot today and we did it via drive through,” k’wento ni Dong sa IG. “We were with 5 other kids inside the van since we were encouraged to do carpooling to manage traffic and limit the number of cars on the vaccination site.” 

Nagpasalamat din ito sa nagpasabay raw sa kanila sa sasakyan kasama ang iba pang kabigan ng anak.

“Thank you Joy @wintergin11 and VIA @tomono_273 sa pagsabay sa amin sa van and of course, shoutout to the brave friends of Zia—Audrey & Enzo, Gia, Mandy, Zoe, Lucas, Kimchi and Alana- batchmates na rin kayo sa bakuna!”

Pinuri din ni Dong ang efficient na pagpapatakbo ng vaccination site na pinuntahan nila. 

“Everything went smoothly, may pa pizza, balloons, at mascot pa! They really made sure that the whole process will be child-friendly and I think they did a good job!” 

Sabi pa ni Dingdong: “This might just a regular fun playday for her but for me, I’m just glad that we’re slowly getting back as a nation so we can slowly expose our children to the world again.  

“Siyempre bilang tatay at magulang, importante sa akin na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga anak ko sa nangyayari sa paligid nila. Kahit yung simpleng paglalaro at pagiikot sa iba’t-ibang lugar ay napakahalaga. Magandang marami silang makita, matanong, makausap at maramdaman.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.