Marami ang nagtatanong: “Bakit ang tahimik ng DongYan ngayon campaign?” “Wala bang ine-endorse si Dingdong?”
Tahimik nga talaga ngayon ang mag-asawang Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ibang-iba noong dalawang nakaraang election kunsaan, aktibo si Dingdong sa pangangampanya sa napusuang kandidato.
Ikinampanya ni Dingdong si President Noynoy Aquino noong 2010. Gayundin si Vice President Leni Robredo noong 2016. Pero ngayon kasi, kapansin-pansin na tahimik lang sila at tila walang pulitiko na openly nilang sinusuportahan o ikinakampanya.
Wala man sinasabing dinadala niyang kandidato, nagpaunlak naman si Dingdong ng interview sa Spotify podcast ni Bianca Gonzalez, kilalang supporter naman ng Team Leni-Kiko.
Dedicated ang podcast ni Bianca ukol sa halalan 2022 at doon ay nagbigay si Dingdong ng ilang opinyon sa paparating na election.
Ang unang tanong ni Bianca kay Dong ay kung paano raw, sa tingin nito, ang tamang pagpili ng iboboto, lalo na para sa mga first time voters o mga kabataan?
“Hay naku grabe, tayo, mga magulang na tayo ngayon. Right now, I’m 41 years old. Magpo-forty-two na ‘ko,” panimulang saad niya.
“Being in the entertainment industry, siyempre, I had the opportunity to be a volunteer of various causes and base sa obserbasyon ko at discernment, sa palagay ko, ito ang pinakamahalagang election ng ating henerasyon.
“Siyempre, we are still in the midst of pandemic, ‘di ba? It’s a highly volatile world and napaka-uncertain ng mga nangyayari which make things more complicated.
“Kaya sa tingin ko, beyond what the current administration has done or failed to do, this coming election is about recovery. Socio-economic recovery. Hindi lang ng bansa kung hindi buong mundo. Pero siyempre, focus muna tayo dito sa atin.”
Kalaunan, ini-relte niya ang selection process niya sa kung paano rin umano siya umatake ng roles sa TV at pelikula.
“Pero siyempre, higit sa lahat, it’s about the future of our children,” pagpapatuloy niya. This is about choosing a kind of leadership whom we think we deserve and is capable of addressing ’yung mga challenges of the pandemic and all the other problems.
“And siguro ’yung mga past decades, may proseso rin ako. Siguro 41 na rin ako, naka-ilang election cycle na.
“Parang ’yung process ko na ito ay similar sa process ko as an actor. Kapag nag-aaral ako ng script at umaatake ako ng role.”
At nag-enumerate pa nga si Dingdong at ipinaliwanag ang proseso raw na ginagawa niya sa pagpili ng iboboto niya.
“These are three very similar steps na pwedeng gamitin na nagamit ko dito sa pagpili.”
Ang unang step daw niya ay “to plan.”
“Parang halimbawa, nakuha ko ’yung script. Ano ba ’yung atakeng gagawin ko rito? Magri-research ako. Kukuha ako ng inspiration dito, etcetera.
“When you say paplanuhin mo ’yung gagawin mo, paplanuhin mo ang proseso sa pagpili. Una, sa source of information pa nga. Sino ba ang credible? Sino ba ang pakikinggan ko? Hindi lang natin dapat kunin ang lahat ng impormasyon na ito sa internet. We have to go out on our way. Kailangan kumausap tayo ng tao. Kailangang kumausap tayo ng mga naaapektuhan ng mga nangyayari dito sa lipunan.
“Halimbawa, the vulnerable. Kausapin natin sila, ano ba ang pangangailangan nila. Hindi lang yung sarili mong pangangailangan. Kasi kung ang pagbabasehan mo ay ang sarili mong pangangailangan, medyo selfish naman ’yon. Kailangan kunin mo ang sentiment ng pangkalahatan. You talk to people. Okay na makipag-debate, alamin mo ’yung nasa loob nila. Pero ang pinaka-importante talaga kung ano ’yung source of information, kasi ’yun ang paniniwalaan mo, e.
“So, sino ba ang may track record? Sino ba ’yung organizations or institutions na alam mong matagal ng pinakakatiwalaan ng maraming tao? ’Yun ang kukunin mo.”
At kung meron na nga raw ng mga impormasyon na ’yon, ang second step daw niya ay ang “discernment process.”
“Ito na ’yung alam ko, ito na ’yung option or choices ko. Paano ko ia-attack ’to? Ano na ’yung choice or plan or attack ko sa role? Pero dito, ano ’yung discernment process ko on whom to choose?
“What I do is, I have my set of values na gusto ko sa isang leader. Para sa akin, very, very clear na gusto ko ’yung leader ko, may integridad, competent siya at ’yung values niya for humanity ay nasa frontline ng kanyang ipinaglalaban.
“And fourth, inspiring leader ang gusto ko. Having said those, titingnan ko ngayon ano ngayon ang pangangailangan ng lipunan at ibabangga ko ’yon at do’n ko pipiliin kung sino kaya ang nagma-match sa criteria ko at sa kung ano ’yung kailangan ng lipunan.
“I plan, I discern, and I act.
Ang pangatlong step raw niya ay “act.”
“Literally, ie-exercise mo talaga your right mo to vote and in my case, ine-execute ko na ’yung role. Pero para sa atin, for us citizens, it is our part to execute our right to vote and this is our part to prove that we are responsible citizens participating in this democratic process.”
Hiningan din ni Bianca si Dingdong ng mensahe niya o bilin sa mga boboto ngayong May 9.
“Gusto ko lang sabihin na kailangan, win or lose, papanindigan mo ’yung kandidato mo. Kasi ’yung binoboto mo ay representation ng pangarap mo,” saad niya.
“Ito ay representation ng values mo, representation ng paniniwala mo. Hindi ’yung mismong tao lang. Kasi, ’yung taong ito ang maaaring magdadala sa’yo or sa buong bansa do’n sa paniniwalang ‘yon. Sana wag mong bitawan ’yon.”
Dugtong pa niya: “Matalo man o manalo, s’yempre, ang ibig sabihin you also have to be responsible of your vote. Kung ’yung taong binoto natin ay nanalo at gumawa ng mabuti, then, susuportahan natin. Pero kung ’yung taong binoto natin ay ’di na tumugma sa expectations, s’yempre, we call them out.
“Kasi kailangan responsible ka rin do’n sa paniniwala at paninindigan. It does not end on May 2022. It is a continuing process na dapat hindi tayo mapagod. Kasi, hindi lang ‘to parang one time thing na everybody is excited.
“And then, all of a sudden, bibitiw tayo kasi tapos na. While it is the role of government to make life easy for us, naniniwala ako na we also have to help. And we also have to do our part.
“It should not end of election day. Kailangan patuloy pa rin ang participation natin diyan.”
Natutuwa rin daw ang actor na makita ang mga kabataan ngayon na talagang nagpa-participate.
Aniya, “Sana ’yung spirit of volunteerism, ’yung spirit ng participation especially amongst the young ones now maging ganito all throughout, sana forever na ganito.
“Nakakatuwang makita na ang daming interesado ngayon. Sana hindi mawala ’yung passion n’yo tungkol dito and I’m always praying na sana maging peaceful and credible itong election na ’to.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber