Dingdong Dantes, nahirapang sagutin ang tanong ni Zia kung bakit may mga taong nagkakalat ng basura

“Sabi niya [Zia], bakit daw may nagkalat? Sabi ko, e, wala, may mga tao talagang gano’n.”

Photos: @dongdantes on Instagram

“Sabi niya [Zia], bakit daw may nagkalat? Sabi ko, e, wala, may mga tao talagang gano’n.”

Hindi pa man siya ng host ng Amazing Earth ay beach at nature lover na si Dingdong Dantes at ipinapasa na niya ang pagmamahal sa kalikasan sa pamilya niya by bringing them, whenever possible, sa iba’t ibang beaches or nature resorts sa bansa. 

Gaya nalang ngayong mga panahong ito na base sa kanilang social media post ng kanyang asawang si Marian Rivera ay tila nasa isang nature paradise na naman ang Dantes Squad.

Pero one time daw, habang nasa isang beach sila ay may itinurong plastic kalat si Zia sa kanya.

“E, tamang-tama, kakabasa lang namin no’ng librong Bayan ng Basura (by Augie Rivera),” pagkukwento ni Dong (palayaw ni Dingdong) sa press conference ng Amazing Earth 3rd anniversary presentation.

“Binasa ko ’yon sa kanya, e. So, aware siya sa hindi magandang epekto ng basura...na masamang magkalat lalo na sa beach kasi bukod sa pangit tingnan, masama ang epekto no’n sa mga nakatira sa ilalim [ng dagat].

“Sabi niya, bakit daw may nagkalat? Sabi ko, e, wala, may mga tao talagang gano’n. Sabi ko nalang, importante, alam niyang  it’s not right so hindi niya gagayahin.”

May isip na nga raw kasi si Zia kaya mas tinututukan niya ito ng mga simple and basic lessons na may kinalaman sa kalikasan.

In their household, they’re trying their best daw na mag-implement ng green living or kahit papaano ay sustainable living. Although wala pa naman daw sila sa stage na ang kinakain ay pinipitas lang sa sariling veggie garden pero kasama daw sa near-future plan niya ang pagbili ng farm hindi para maki-uso, kundi para gawin ngang way of life ang sustainable living.

Pina-project na raw niya ito sa ngayon.

And it’s a must daw sa bahay nila, kasama ang mga kasambahay nila, na manood ng Amazing Earth dahil dito pa nga lang naman ay marami ng p’wedeng mapulot na aral sa pag-aalaga ng kalikasan.

Come Sunday, June 13, simula na ng three-part 3rd anniversary special ng Amazing Earth at isa sa ipi-feature nila ay ang Pasig Rainforest Park kaya may one-on-one interview si Dingdong with Mayor Vico Sotto.

The infotainment show, which is under the helm of director Rico Gutierrez, is seen Sundays, 7:40PM, before Kapuso Mo, Jessica Soho, on GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang naging major tampuhan sa buong duration ng lockdown

Dingdong Dantes, may binitiwang pangako sa mga anak na sina Zia at Sixto

John Arcilla, aminadong nagka-anxiety matapos umani ng mga threats mula sa mga viewers ng FPJ’s Ang Probinsyano

Kasong libel na isinampa ni Catriona Gray laban sa Bulgar entertainment editor at writer, umusad na

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.