Dingdong Dantes, nase-senti sa mga anak na sina Zia at Sixto habang naka-lock-in

Matapos magbakasyon sa Amanpulo ng pamilya Dantes ay pumasok na sa lock-in taping si Dingdong Dantes para sa kanyang bagong serye sa GMA-7 na “I Can See You: Alternate.”

Photos: @marianrivera

Matapos magbakasyon sa Amanpulo ng pamilya Dantes ay pumasok na sa lock-in taping si Dingdong Dantes para sa kanyang bagong serye sa GMA-7 na “I Can See You: Alternate.”

Posibleng ang naging bakasyon ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto sa Amanpulo kamakailan ay bilang preparasyon para sa matagal na pagkakawalay ni Dingdong sa pamilya.

Kasunod kasi nito ay nag-lock-in taping na si Dingdong para sa kanyang bagong serye sa GMA-7 na “I Can See You: Alternate.”

Ito ang nagsibling pagbabalik-lock-in ni Dingdong dahil ang masasabing huling serye at lock-in niya nang matagal ay para sa Descendants of the Sun pa noong isang taon.

Pero sa kabila ng ilang araw na bonding ng Dantes Squad ay tila bitin pa si Dong mas lalo pang nami-miss nito ngayon ang kanyang mag-iina.

He took to Instagram today, November 11, at doon ay tila nag-senti pa ang actor. Nakita raw niya ang pictures ng mga ito habang karga-kraga niya. Kapwa two years old daw ang mga ito sa mga nasabing larawan.

“Dear Letizia and Sixto, It is day nine for me and I couldn’t help but scroll my photo album because of how much I miss you and your Mom,” lahad niya sa Instagram.  “I chanced upon these two photos—taken when you were both at 2 years old. Can’t wait to have you both in my arms again.

“Be brave, be strong and be safe (while I’m away) as what my college teacher, Mrs. Santos would always say.”

“Love, Dad.”

Sa isang banda, ang I Can See You: Alternate ay pagtatambalan nina Dingdong at ng bagong Kapuso star na si Beauty Gonzalez sa unang pagkakataon.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.